1

18K 209 7
                                    

Den's POV

"Ma'am Dennise, wake up na raw po sabi ng mommy at daddy mo." Rinig kong sabi ni Yaya Ising.

"Yaya, five more minutes please." Sagot ko.

"Ma'am, pagagalitan ho ako pag di ka pa bumangon." Sabi pa ni yaya.

"Ugh fine!" Sagot ko at bumangon na ko sa kama ko.

Pumasok na ako sa cr at naligo na agad.

Pagtapos ko maligo at magbihis, bumaba na ako sa may dining area at naabutan kong nagb'breakfast sila Mommy, Daddy at si Jus. Nagkiss ako sa cheeks nila at naupo na.

"Oh, Dennise. First day mo na bilang 4th year high school. What's your plan for college?" Sabi ni Daddy.

"Uhm, kukuha po muna ako ng pre-med course then after that baka pumasok din ako sa med school." Sagot ko.

"That's great." Sagot ni Dad.

Pagtapos ko kumain, tunayo na ako at nagkiss na ulit sakanila.

"I need to go. I might get late. Bye mommy, daddy and Jus." Sabi ko at lumabas na ng bahay.

Lumakad na ako papuntang school. May sasakyan kami pero, ayokong nagpapahatid papuntang school kasi ang lapit lang naman ng school sa bahay namin.

Ako nga pala si Dennise Michelle Lazaro, call me Den or Denden. 16 years old na ako. Hmm. Ano pa ba? Oo, first day namin ngayon bilang 4th year high school.

Mamaya na ako magkukwento, lalakad muna ako papuntang school ha. Bye.

---------
Aly's POV

"Mom, Dad I better get going." I said to my cool parents.

"Go ahead son. Di ka na ba talaga magpapahatid?" My dad asked.

"No need dad. Bye." I said and walked out of the house.

Hi! I'm Alyson Levie Yuan Valdez IV. I came from a wealthy clan. My dad, Alyson Levie Valdez III is a businessman and my mom Alexa Caymo-Valdez is a doctor. I have two sisters. By the way, I am the bunso. Hahaha! I can speak tagalog naman. Wait. :)

May kuya ako at may dalawa akong kapatid na babae, si Alvin Alex yung kuya namin, panganay siya then sunod si ate Allen Jade Valdez and yung sumunod sakanya ay si ate Alleah Trisha Valdez tapos ako na yung last. Lahat sila may trabaho na at may sarili ng pamilya except samin ni ate Alleah, second year college palang siya.

Pagdating ko dito sa school, dumiretso na agad ako sa room ko.

Nadatnan ko sila Mark Tejada, Victor Galang at King Fajardo na naka upo sa likod. Lumakad ako papalapit sakanila at naupo sa vacant na seat.

"Oh dude! You're here! I heard na may mga madadagdag daw sa section natin ngayon. Yung mga nasa section 2 daw yata masasama rin satin." Sabi ni King.

"Oh? That's good to hear. Buti nga yun at madadagdagan na tayo. Di gaya last three years natin dito na 20 lang tayong magkakaklase. By the way dude, where's Greg and A?" Tanong ko.

"As usual, late sila." sagot ni Mark

"Wahahaha! Grabe ka talaga Greg! Nangyari yun?" I heard, familiar yung voice.

"Oh, nandito na pala. At kung makapagkwentuhan, kala mo nasa mall." Sabi ni Vic.

"Ayy, dudes. Sorry. Nga pala, sa gym daw tayo mamaya sabi ni Coach. Bawal ma-late. Alam niyo naman yun, baka mapanot." Sabi ni Greg.

My MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon