Aly's POV
Nandito ako ngayon sa office at nagbabasa ng mga report. 1 month na since nung nagalit sakin si Den. Di parin kami nag uusap. 2 months ng nawawala sila Mommy. Matagal na rin pala.
Nagring naman yung phone dito sa office ko kaya sinagot ko agad.
"Yes hello?" -Ako
"Sir. Si Miss Dennise po nandito. Gustong pumasok, galit po yata." -Shane
"Huh? Sige papasukin mo." -Ako
Bigla namang bumukas yung pinto ng office ko at malakas na isinara. Si Dennise, mabilis na lumapit sa table ko at inilapag yung kamay niya.
"Ano Aly?! Wala parin bang balita kay Mommy at Daddy?! Ano ba, ang tagal na eh! Aly naman! Upo ka lang ng upo diyan!" -Den
Tinignan ko lang siya at bumalik sa pagbabasa.
"Ano?! Ganyan ka lang?! Sumagot ka naman!" -Den
"Dennise, utang na loob! Ano pa bang gusto mo?! Nagdeploy na ng search and rescue team! Hindi lang naman ikaw yung nawawalan dito! Intindihin mo naman din ako. Hindi lang ako umuupo dito para sa wala lang! Nakaupo ako dito kasi gusto kong bawiin yung mga pag aari ninyo para sa pagbalik nila tito, may bahay silang madadatnan! Hindi lang ako naka upo dito para sa pagpapalago ng properties namin, pinalalago ko rin yung properties na ipinagkatiwala sakin ng dad niyo para sa pag graduate ni Jus, may mahahandle siyang company. Gusto ko mang ako mismo ang maghanap kayla Daddy at Tito, di ko magawa kasi walang maiiwan dito sa company." -Ako
Natahimik naman si Dennise at naupo sa sofa.
"How can you be so emotionless?!" -Den
"Because someone told me that I am so emotional and left me." -Ako
Tumingin siya sakin at nakita kong nalungkot siya bigla.
"Tell me, Den. Bakit mo nga ba ako iniwan? Eto na ko ngayon oh, yung mga emotions ko, itinago ko na." -Ako
"Aly, naalala mo noong araw na naiwan mo sakin yung phone mo? Nagpunta ako sa dorm niyo, sa tapat ng pinto niyo. Narinig ko na pinapagalitan ka ng coach niyo kasi ihahatid mo na naman daw ako. Naglakad ako papalayo at inantay sa field yung coach niyo, kinausap ko siya." -Den
FB AT THE FIELD....
Nag iintay si Den sa coach nila Aly. Nang makita ni Den na paparating na siya, lumapit agad si Den at kinausap siya.
"Coach." -Den
"Dennise? Girlfriend ni Aly. Right? Tatapatin na kita, hindi sa ayaw kita para kay Aly. Pero si Aly, ayokong mawala sa team kasi alam ko na siya yung makakapagdala sa Ateneo sa Championship." -Coach
"Hihilingin ko sana na makipag hiwalay ka muna kay Aly. Bata pa kayo, kapag naka graduate na kayo ni Aly, ako mismo magsasabi sakanya na balikan ka. By that time, alam kong stable na yung buhay niyong dalawa. 5 years, Den." -Coach
"Sige Coach, kung yun ang makakabuti." -Den
Matapos nung araw na iyon, pinag isipang maigi ni Den ang kaniyang dapat gawin.
END OF FB.....
Napatingin ako kay Den habang kinukwento niya sakin yung nangyari noon.
"Aly, hindi ko ginusto yung nangyari." -Den
"Hanggang ngayon, mahal parin kita." -Den
"Mahal mo ko? Pero may LA ka na, Dennise!" -Ako
"Walang kami ni LA! Pinalabas lang namin na kami dahil sa pressure ng media, nililink nila kami sa isa't isa. Nung gabing hiniwalayan kita, hindi totoo na mahal ko parin si Myco. Aly, ikaw lang yung minahal ko noon at hanggang ngayon mahal parin kita." -Den
Hindi na ako sumagot. Masaya ako na mahal ako ni Den, pero nalulungkot ako kasi nag suffer rin siya ng 5 years para sa mga dreams ko.
"You should've told me about that. Sana naayos pa natin. Kaya ko namang pagsabayin yung pagiging Student Athlete ko at pagiging boyfriend mo diba? Sana nagtiwala ka sakin, Den. Sana tinanong mo rin yung opinion ko." -Ako
"Ayokong mamroblema ka, Aly. Ayokong makadagdag pa sa iniisip mo. Nasasaktan kasi ako kapag naririnig kong sinasabihan ka nilang may attitude problem, mayabang at kung ano ano pa. Aly, ansakit marinig yun sa mga taong di naman nakakakilala sayo. Kasi alam kong hindi ka naman ganun, pero para matigil yun, nakipaghiwalay ako sayo. Mula noon, wala na kong narinig na masasamang salita galing sakanila. Tuwing may game ka noon, pinapanood kita. Nanood din ako nung pagtapos ng game, may niyakap kang babae. Aly, ako yun noon eh, pero dahil sa katangahan ko, iba na yung yumayakap sayo every game mo." -Den
"What?! Nanonood ka noon? Pero di kita nakikita sa tabi ni Ella." -Ako
"Sa likod kami pumupwesto." -Den
Hindi na ako nakasagot pa at inisip nalang lahat ng sinabi ni Den, umalis na si Den sa office ko.
----------------
A/N: ALAM KONG MABABAW YUNG REASON, PERO DECISION NI DEN YUN. INTINDIHIN NALANG NATIN. :)HEHE! PAPATAPOS NA TALAGA TO. :)