Den's POV
Ngayon yung first game nila Aly laban sa FEU. Nandito na kami ngayon nila Ella, Fille, Dzi at Vic sa may San Juan Arena.
"Besh, ayan na sila Aly oh!!!!!" -Sigaw ni Ella.
nang lumabas na yung team nila para mag warm up, nagtilian yung mga babae.
Agad kaming nakita ni Aly kaya kumaway siya samin, pati na rin sila Greg, Mark, A at Aki.
"Girl! Sila Aly yun diba? Hala! Sa Ateneo pala sila. Grabe ang gu-gwapo naman nila." -Girl 1
"Oo nga eh. Kaso may mga girlfriend na yang mga yan. Si Mark at Aki nalang yung wala." -Girl 2
"Ayy, sayang naman! Nakakainggit." -Girl 1
Hindi nalang namin pinansin yung mga nag uusap.
Nang matapos mag warm up sila Aly, lumapit si A, Greg at Aly sa'min. Nagkiss si Aly sa lips ko. I know na maraming nakakita kasi yung camera, itinatapat samin. Nag 'ayiiie' rin yung iba tapos nagpalakpakan. Sila Greg at Fille din nagkiss pati si A at Dzi.
"I love you." -Aly
"I love you too. Sige na. Maglaro na kayo." -Ako
Nagnod naman si Aly at tumakbo pabalik sa court tapos nun, nagsimula na silang tawagin.
Si A, Greg at Aly yung kasama sa starting line up. Magaling sila. Hindi mahahalatang rookie. Laging kay Aly ipinapasa yung bola.
FF...
Natapos yung game na si Aly yung POG. Ininterview pa muna siya.
Lau: hi! So what can you say na ikaw yung Player of the Game?
Aly: uhm, honestly, di ko inexpect 'to. Siyempre po as a rookie. Di ko talaga ineexpect na magiging ako yung Player of the Game.
Lau: ohhh. Aly, you can greet.
Aly: uhm, hi po sa fans na Ateneo, hi sa family ko, Ate Eya, mommy, daddy, tito Mike, Tita Arlene, Jus, sa family ng team mates ko, kay Ella de Jesus, Fille Cainglet, Dzi Gervacio, Vic Galang, King Fajardo, Mela, Bang sa mga nanood. At siyempre sa girlfriend ko, hi Dennise Michelle Garcia Lazaro.
Lau: so sweet. Back to you, boom and Anton.
Nang matapos yung interview pumunta sila sa Dug out. Sa labas na kami nag intay, dun sa parking lot.
Nang dumating na sila Aly, niyakap niya ako.
"Baby! We won. Haha! I love you. Thank you." Aly
"Sige na babe, uwi na kayo. Baka pagalitan ka pa ng coach mo." Ako
"Sige babe. Vic, hatid mo si Den ha. Ayusin mo!" Aly
"Oo dude. Sige na, kasama namin siya sa lakad namin nila Mela." Vic
Nagnod naman si Aly kay Vic, tapos niyakap naman ako ni Aly at sumakay na sa bus nila.
Naupo siya sa may bintana kaya nag wave muna siya sakin bago sila tuluyang makaalis.
"Let's go, Den. Guys. Alis na kami ha?" -Vic
"Ahh, osige. Ingat kayo." -Ella
Sumakay na ako sa sasakyan ni Vic. Nagkukwentuhan kami habang nasa biyahe.
"Musta naman kayo?" Vic
"Okay naman, nalulungkot lang ako kasi alam mo si Aly, tumatawag siya sakin gabi gabi pagkahatid niya sakin, halata sa boses niya yung lungkot." Ako
"Oh? Bakit daw?" Vic
"Napapagalitan raw kasi siya ng coach niya. Lagi naman tuwing inihahatid niya ako." Ako
"Ohhh. Ganyan din coach namin tuwing inihahatid ko si Bang. Lalo naman si King, laging napapagalitan." Vic
"Pero, nalulungkot kasi talaga ako na napapagalitan siya." Ako
"Hayaan mo lang, alam ni Aly ginagawa niya." Vic
Nagsmile nalang ako.
Pagdating namin sa mall, nakita agad namin si Bang sa may entrance kaya nilapitan na namin siya.
"Oh, hi Be. Tara na?" Bang
Naglakad lakad lang kami. Namasyal na rin. Si Vic taga-bitbit ng mga pinamili namin.
...
Pagtapos magshopping, inihatid muna ako nila Vic. Tapos umalis din agad sila. Kasi pagabi na rin.
Dahil sa busog na ako, naglinis nalang ako ng katawan at nagbihis.
Tumunog yung phone ko, si Aly yung tumatawag kaya sinagot ko agad.
Aly: hello baby. Skype tayo.
Ako: yeah. Sige. On ko lang yung laptop ko ha.
Aly: yeah sure. I love you.
Ako: I love you too.
Hindi pa niya inend yung call. Naririnig ko pa yung paghinga niya sa kabilang linya.
Pagka bukas ng laptop ko, inintay ko lang magload saglit tapoa binuksan ko yung skype ko. Nagvideo call naman si Aly kaya inaccept ko, inend ko na yung call sa phone.
Aly: oh? Hmm. I miss you.
Ako: namimiss na rin kita.
Aly: kumain ka na?
Ako: oo. Kauwi lang namin nila Vic.
Aly: ahh, buti naman inihatid ka.
Ako: opo.
Aly: uhm, gabi na. Tulog na tayo, babe.
Ako: yeah. Good night, babe.
Aly: good night. I love you.
Ako: I love you too.
Ni-log out ko na yung Skype ko, binuksan ko saglit yung twitter ko at nag tweet ng tatlong emoticon na puso.
Maya maya, may nag notif sakin, inopen ko.
@wilLAREVILLAme *insert heart emoticon*
Di ko nalang pinansin. Baliw yata yun eh.
Pinatay ko na yung laptop ko at natulog na rin. Wala namang interesting sa social media eh.
----------------
A/N: WOOOOOHOOOO! AYAN NA, NAG GAGALAWANG BREEZY NA SI LA. ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA. :) HAHAHA! CHAROT.