Den's POV
Nandito kami ngayon sa mall ni Aly. Christmas Vacation na kasi. Then bukas, christmas eve na. Namimili ako ng ireregalo ko para kay mommy, daddy, Jus, mommy ni Aly, daddy ni Aly, Alleah, sa mga friends ko, at siyempre kay Aly na rin. Pero yung regalo ko nalang para kay Aly yung di ko pa nabibili.
"Babe? Para kanino mo ireregalo yan?" Tanong ni Aly.
Hawak hawak ko kasi yung isang g-shock na kulay blue.
"Sayo, gusto mo ba ng ganito?" Tanong ko.
Lumapit naman siya sakin at niyakap ako sa likod.
"Hey, di mo na ko kailangan ibili ng ganyan. Yung presence mo lang, okay na okay na sakin. Masayang masaya na ako na nasa akin ka. Mahal kita." Sabi ni Aly.
"Mahal din kita." -ako.
Inilapag ko na yung g-shock at lumakad na kami palabas ng shop.
Habang naglilibot kami, napahinto kami ni Aly. Siya unang huminto.
"Bakit Babe?" Tanong ko.
"Naiihi ako, can you wait for me here? Maghahanap lang ako ng cr. Okay?" Tanong niya.
"Yeah, sige. Magkita nalang tayo. Itetext ko sayo kung saan mo ko pupuntahan." Sabi ko.
"Yeah. Sige. Iloveyou." Sabi niya at nagkiss na sa left cheek ko.
"Yeah. Iloveyoutoo." Sagot ko.
Lumakad na siya palayo, lumingon lingon ako sa paligid ko. Nakakita ako ng shop ng phone accessories kaya pumasok ako.
"Hi Ma'am! Ano pong hanap niyo?" Tanong sakin nung saleslady.
"Uhm, cellphone case sana para sa iPhone?" sagot ko.
"Ahhh. Ito po ma'am?" Sabi nung saleslady at ipinakita sakin yung phone case na kulay blue at may malaking letter A na print.
"Uhm, miss? May letter D rin ba kayo nito? Kukunin ko rin 'tong letter A." Sabi ko.
"Ahh, yes ma'am. Ito po." Sagot niya at ibinigay sakin yung case.
"Sige. Babayaran ko na." Sabi ko at nag abot ng 1000 peso bill.
"Sige po ma'am. 600 pesos po." Sagot niya at inilagay na yung phone case sa isang paperbag.
Lumabas na ako pagkakuha ko ng sukli. Naglakad ako papuntang McDo at dun ko nalang iintayin si Aly.
Pagdating sa McDo, naupo agad ako, nagtype ako ng message kay Aly.
To: Boyfriend/Pogi <3
'Babe, nandito ako sa McDo. I'll wait for you here. Iloveyou.'
Inilabas ko yung phone case na binili ko at inilagay ko sa phone ko yung letter A. Kay Aly ko ibibigay yung letter D. Parehas lang naman kami ng phone ni Aly eh.
Maya maya, dumating na siya. Nagkiss siya sa forehead ko at naupo na sa tabi ko.
"Hey, kain na tayo?" Tanong niya.
"Yeah, sige. Mag order muna ako. Wait for me here." Sabi ko.
"No, ako na. Wait for me here." Sabi niya at naglakad na papuntang cashier.
Habang nag-oorder si Aly, napapansin kong nagpapacute sakanya yung babae sa cashier. Si Aly naman seryoso lang sa pag order, alam niya kasi yung mga gusto kong pagkain.