Den's POV
3 weeks had passed, and It's thursday, kauwi lang namin galing school. Consistent si Aly, he always go to our house kapag weekends, then sinusundo niya ako lagi, hatid sundo actually. We forgot about the dinner sa bahay nila Aly. Nagalit daw yung dad niya but Aly explains his dad na pagod ako galing training. And sabi daw ng dad niya, sa birthday niya dapat ma-meet niya na ako. Nandito kami ni Ella sa mall dahil sa saturday ay birthday na ni Aly. Gusto akong samahan ni Aly na magpunta ng mall pero sabi ko, wag na kasi kami naman ni Ella yung magkasama. Buti nalang talaga at nasa training yung mga lalaki ngayon.
"So, what do you think? Anong dapat kong bilhin na regalo para kay Aly?" Tanong ko kay Ella.
"Hmm. Besh, ito kayang shirt? I think bagay sakanya." Suggest ni Ella.
"Besh, I think I saw him wearing that same shirt? Hmm. Last saturday? Remember? And it's their clothing line's product. Malamang kumpleto sa wardrobe niya yang mga men's wear." Sabi ko.
"Sabagay? Hmm. Buy him a bracelet. Ipa-engrave mo yung name niya sa bracelet. Or better yet, bumili ka ng couple bracelet manlang. Kailan mo ba balak sagutin yang si Aly?" Tanong ni Ella.
"Sagutin agad? 3 weeks palang kaming hiwalay ni Myco. Ayokong isipin ni Aly na ginagamit ko lang siya." Sagot ko.
"Pero yun naman yung ginagawa mo diba?" -Ella
"Oo, pero sakanya ko dina-divert yung atensyon ko para kay Myco. Di ko naman siya ginagamit. Nagmu-move on na ako mag isa, kasi gusto kong mahalin si Aly. I can see it in his eyes na he's really inlove with me. The way he looks at me, yung tingin niya na ni minsan di ko nakita sa mga mata ni Myco tuwing tumitingin siya sakin. I want to love Aly." Sabi ko.
"You will, Den. You will love him soon." Sagot ni Ella.
"Tara na nga. Sa jewelry shop na nga tayo ng makabili ako ng couple bracelet na sinasabi mo." Sabi ko at hinila ko na si Ella dun sa jewelry shop na nakita ko.
Pagpasok namin dun. Nagtingin tingin muna kami sa mga bracelet.
"Hi Ma'am? Ano pong hanap niyo?" Tanong nung saleslady.
"Miss, may bracelet ba kayo na para sa couples?" Tanong ni Ella.
"Para sainyong dalawa po?" Tanong nung babae.
"No, para dito sa friend ko at sa boyfriend niya. Birthday na kasi sa saturday and she can't think of a gift kaya ito, we ended up deciding na bumili nalang ng bracelet." Paliwanag ni Ella.
"Ahhh. Sige po, ma'am. Alin po ba yung nagustuhan niyo?" Tanong ulit nung babae.
"Ahh, miss. Patingin nga ako nun." Turo ko dun sa isang bracelet na simple lang yung design. Hmm, may silver plate siya sa gitna.
Kinuha ng babae yung bracelet at inabot sakin.
"Miss? Pwede bang magpa engrave?" Tanong ko.
"Yes ma'am." Sagot niya.
"Ahh, sige. Kukunin ko na 'tong dalawa." Sabi ko.
"Uhm, 1,800 pesos po ma'am." Sabi niya.
Kinuha ko yung wallet ko at nag abot ng 1,800 pesos. Inipon ko talaga yung pera ko para makabili ng regalo ko kay Aly.
"Miss, ito yung ilalagay sa bracelet. Yung isa Dennise Michelle Lazaro and yung sa isa naman Alyson Valdez IV. Babalik nalang kami ha?" Sabi ko at inabot yung papel na may pangalan namin. Para tama yung spelling.