53

5.4K 90 9
                                    

Ella's POV

Magkasama kami ngayon ni Aly dito sa pool. Nakaupo lang kami sa gilid. Midnight na. May beer kaming iniinom.

"Aly, kaya mo pa?" -Ako

"Huh? Di naman ako madali malasing ha?" -Aly

"No, kaya mo pa ba? Yung kayong dalawa ni Den magkasama sa kwarto. We can switch rooms. Aki will understand." -Ako

"No Ells, ayokong isipin ni Den na affected ako." -Aly

"Eh hindi nga ba?" -???

Napalingon kami ni Aly dun sa nagsalita. Si Greg pala. Kasama niya si A. Naupo sila sa tabi namin at nagbukas din ng beer.

"Ano pare? Okay ka pa?" -A

"Oo naman. Ikaw Greg?" -Aly

"Hindi ko alam. Nagso-sorry siya sakin." -Greg

"Ano sabi mo?" -A

"Di ako sumagot. Hinayaan ko lang siya. Nagpanggap akong natutulog." -Greg

Binatukan siya ni A.

"Bakit?!" -Greg

"Tanga?! Nagsorry na pala eh! Ilang beses na yan nagsosorry sayo Greg! Intindihin mo naman si Fille. Sino ba babae sainyo?! Kung maka asta ka kala mo nahuli mong nakikipagsex si Fille eh! Diba ipinagpalit ka lang naman! Tapos na realize niya na ikaw pala talaga mahal niya?! Greg! 3 years na, 3 years mo ng pinahihirapan yang sarili mo at si Fille. Akala ko ba mahal mo?!" -A

"Mahal ko nga! Pero natatakot kasi ako! Baka maulit?!" -Greg

"Tangina naman! 3 years na Greg. 3 years na sinayang mo dahil diyan sa takot mo! Paano kung si Fille makahanap ng iba? Balita ko may pumoporma sakanya na director. Paano kung magsawa na si Fille at sagutin na yung director?! Paano ka ngayon?! Ano?!" -A

"Sige sige. Salamat sa pagbubukas ng isip ko. Bukas, aayusin ko na to." -Greg

"Yan! Ikaw ang lalaki, ikaw ang gumawa ng effort." -A

"Hays. Salamat talaga." -Greg

"Ikaw Aly? Ano problema?" -A

"Wala naman. Nagkukwentuhan lang kami dito ni Ella." -Aly

"Ahhh, kamusta naman yung kwarto?" -A

"Hmm. Okay naman. Sa iisang kama kami nakahiga ni Den pero sa magkabilaang dulo kami nakapwesto." -Aly

"Ahh, nagkausap kayo?" -A

"Nope. Hayaan mo na." -Aly

"Ahhh, okay. Pag di mo na kaya, sabihan mo lang kami ha." -A

"Oo naman. Thank you, guys." -Aly

Nag inuman pa kami hanggang sa inabot na kami ng 4 am. Ang lakas namin sa alak noh? Hahahaha!

"Oh, paano ba yan? Tulugan na ha?" -A

"Oo, shige. Bye guysh." -Greg

Pumasok na kami sa kani-kaniyang kwarto at natulog na ako sa tabi ni Aki dahil sa sobrang antok at may tama na rin ako.

---
Greg's POV

Pagpasok ko sa kwarto, tulog parin si Fille. Naupo ako sa kama.

"Sorry Fille, naging selfish ako at hindi ko na naisip na nasasaktan at nahihirapan ka na rin pala. Promise. Aayusin ko to. Aayusin ko yung satin, sana hindi pa ako huli. Sorry talaga ha. Mahal rin kita." -Ako

Nagkiss ako sa forehead niya at natulog na sa tabi niya.

--------------------------------------------------------------

My MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon