Den's POV
Isang buwan na ang lumipas mula nung birthday ni Aly. Close na close na talaga kami. Sa tingin ko nga, unti unti na akong nakaka move on kay Myco eh.
"Hey, kinakausap kita. Ugh! You're getting weird these past few days. You always space out. What the heck." -si Aly yan, nagsusungit na naman.
Yeah, I always space out. Ewan ko ba? But it's weird. Really weird.
"H-ha? Sorry. Ano ulit?" -Ako
"Ugh! Wala. Basahin mo nalang yang nasa papel." -Sabi niya at inabot sakin yung isang piraso ng papel na nakafold.
"Den, let's meet later. Sa gym. 4pm. I'll be waiting. -Myco"
Huh? Ba't hawak ni Aly 'to?
"Ba't nasayo 'to?"
"What? Saakin inabot nung babae. Kasi nga tulala ka diyan. Ugh! Don't worry! Di ko yan binasa. Nakatupi pa nga yan diba? You're weird. Diyan ka na nga." Sabi niya at nilayasan na ako dala yung bag niya.
Tinignan ko naman si Fille.
"Oh? Ba't ako tinatanong mo? Kanina pa siya kasi nagpapaalam sayo na may training sila. And sabi niya, sabay daw kayong uuwi. Sa gym nalang daw kayo magkita. 4 pm." Sabi ni Fille.
"Ganun ba? Salamat." Sagot ko.
"Alam mo namang maikli lang ang pasensya ni Aly diba? Alam mong pikon siya sa mga di nakikinig sakanya lalo na kapag may sinasabi siyang importante. Tsaka bwisit na bwisit kaya yun nung pumasok kayo. Alam mo kung bakit? Kasi natapunan yung uniform niya ng catsup. And ikaw, hindi mo manlang daw napansin. Dire-diretso ka lang daw naglakad papasok ng room." Sabi ni Ella.
Huh? Hindi ko napansin yun. Paano mo mapapansin, eh nag space out ka nga eh. Oo na! Sorry.
Nang matapos ang klase, nagpunta agad ako sa gym. Siyempre, magso-sorry ako kay Aly.
...
Pagdating ko sa gym, agad kong nakita si Aly, nagliligpit na sila ng mga ginamit nila. Lalapit na sana ako pero biglang may yumakap sakin sa likod ko."Den, you came." Rinig kong sabi niya.
Inalis ko yung braso na yumayakap sakin at hinarap ko kung sino siya.
"M-myco?"
"Yes, Den. Sino pa ba?" Tanong niya.
Di na ako sumagot.
"You came? So ibig sabihin ba nito, binibigyan mo ulit ako ng chance? Binibigyan mo ulit ng chance yung relationship natin?" Sunod sunod na tanong niya sakin. He looks happy.
"M-myco. H-hindi ikaw yung ipinunta ko dito." Sabi ko.
"OKAY! BALDO! AYUSIN MO NAMAN YUNG GAME MO. BUKAS, MAY PRACTICE ULIT KAYO. SIGE NA. UMALIS NA KAYO DITO. IKAW BALDO! AYUSIN MO HA! MAG FOCUS KA OR ELSE, AALISIN MUNA KITA SA TEAM! GOT THAT?!" Sigaw ng coach nila Aly.
"Yes coach." Sagot ni Aly.
Tinignan ko si Aly, nakita kong nakatingin rin siya sakin. Pero agad rin niyang binawi yung tingin niya.
"So, si Valdez? Go ahead Den. Lumapit ka na sakanya. Wag mo 'kong gayahin na tsaka lang marerealize na mahal kita nung iniwan mo na ako. Okay lang ako dito. Sige na. Tell him na dapat alagaan ka niya ng mabuti or else, babawiin kita." Sabi ni Myco.
"Salamat." Sagot ko and gave him my sweetest smile.
"Pwede bang makahingi ng last hug?" Tanong niya.
"Hmm. Yes." Sagot ko at niyakap na siya.
"Go ahead. Sundan mo na siya." Sabi ni Myco at kumalas na sa yakap namin.
Tumayo na ako at sinundan si Aly.
Naabutan ko siya sa parking lot. Naglalakad pa siya.
"Aly!" Sigaw ko.
Di niya ako nilingon. Naglakad lang siya ng diretso.
Nang maabutan ko siya, niyakap ko na siya ng mahigpit kaya napahinto siya.
"Let go. Please." I heard him pleaded.
"No, I won't." Pagmamatigas ko.
"What do you want?! Ano pa ba, Den?! I'm tired! Please! Let go." Sabi niya.
Ngayon ko lang narinig na tumaas yung boses niya, pero rinig ko parin yung pagcrack sa boses niya.
"Ikaw, ikaw ang gusto ko Aly! Bakit ka ba nagkakaganyan?" Tanong ko.
"Bakit di mo itanong sa sarili mo? Ako ang gusto mo? Pero nakipag meet ka kay Myco at sa gym pa talaga. You know what, I'll drive you home. Wag na natin pag usapan!" Sabi niya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at inintay na makasakay. Tapos nun, umikot siya at nagdrive na.
Buong biyahe siyang tahimik. Nakakunot pa nga yung noo niya eh. Nagselos 'to kay Myco. Panigurado.
Pagdating sa tapat ng gate namin, inihinto na niya yung sasakyan at pinagbuksan na naman ako ng pinto. As usual, inintay niya ulit akong makapasok bago siya umalis.
Pagkapasok ko, dumiretso agad ako sa kwarto. Nawala na ako sa mood makipag usap eh. Ngayon ko lang talaga nakitang magsungit ng ganun si Aly.
Wala na akong ibang maisip na gagawin kaya natulog nalang ako.
----------------
A/N: super short update. Katamad mag UD eh.Babush guys! Hahaha! Next UD nalang ulit.