Aly's POV
One week na sila Fille at Greg. Masasabi ko na okay naman sila. Matino na ulit si Greg. Nasa Manila na pala kami. 3 days na mula nung nakabalik kami dito. Tapos na rin yung interview sakin ni Den. Wala, nagtanong lang siya about sa personal life ko. Mga ganun.
May laro pala kami mamaya at manonood ang buong barkada, Mahindra kalaban namin. Team nila Vic. So it means, kalaban namin siya mamaya. Nasa dug out na pala kami. I forgot.
"Guys. Nandito na yung bago niyong team mate." -Coach
Ipinakilala siya sa'min. Si Kiefer Ravena. Tss.
"Aly? Kamusta?" -Kiefer
"I'm fine." -Ako
"Dude. Come on. I'll show you something." -Greg
Hinila naman ako ni Greg papalabas ng dug out namin at nagpunta sa dug out nila Vic. Sumilip lang kami.
"Nakita mo yun? Yung kalbo dun? Yan yung boyfriend ni Den." -Greg
Tinignan ko yung tinuturo ni Greg. Revilla yung nakalagay sa jersey niya.
"Ahhh. Okay." -Ako
"Mas magaling ka diyan, dude." -Greg
Bumalik na kami sa dug out at nagpalit na ko ng damit. Nagsuot na ko ng jersey.
Maya maya pumunta na kami sa court at nag warm up. Natanaw ko naman yung mga kaibigan namin, nagchi-cheer sila. Kasama nila si Den, Jus at Mosh.
-----
Ella's POVNakaupo na kami dito at nagsimula na yung game. Si LA Revilla, yung boyfriend ni Den kalaban sila Aly.
"Oh my goodness. Ang hot ni Aly." -Girl 1
"Sinabi mo pa. Napaka pogi." -Girl 2
"Aba, magkalaban pala si past at present." -A
"Ano ba yan, kuya A." -Den
"Panigurado mananalo si Past." -Ako
"Isa ka pa Ella." -Den
"Ano?! Nagkukwentuhan kami dito oh. Nakikisali ka." -Ako
Natahimik naman si Den.
Maya maya, nagulat kami nung parang niyayakap ni LA si Aly. Si Aly naman itinutulak si LA. Anyare? Tinawagan ng foul si LA.
Maya maya naman, si Kiefer yumayakap kay Aly tuwing makaka score si Aly. Eh ang problema, sunod sunod yung score ni Aly kaya yakap ng yakap si Kiefer. Tss. I smell something fishy ha.
"Tss." -Den
Nagpatuloy ako sa panonood hanggang matapos yung laro. Panalo sila Aly. Inintay nalang namin sa labas ng MOA Arena si Aly.
"Besh, boyfriend mo oh." -Ako
"Alam ko. Sabay daw sila ni Kiefer." -Den
"Ahhh. Okay. Sige." -Ako
Pagdating nila Aly, Greg at Vic. Nagpunta muna kami sa restaurant at kumain.
"Kuya Pogi, super idol na kita." -Mosh
"Thank you, Mosh." -Aly
"Can you teach me how to play basketball?" -Mosh
"Oh sure." -Aly
"Matuturuan mo po ba ako bukas?" -Mosh
"Ah. Mosh, baka busy si Kuya Aly mo bukas. Next time nalang." -Den
Nalungkot naman bigla si Mosh.
"No, Den. Di naman ako busy bukas. Sige Mosh, tuturuan ka namin bukas ni Kuya Greg mo ha." -Aly
"Really, Kuya Pogi?! Thank youuuu!" -Mosh
"But, you need to finish your food. Okay?" -Aly
Nagnod naman si Mosh at kumain na.
---
Pagtapos kumain, nagka ayaan ng umuwi.
"Oh, alis na kami ni Bang." -Vic
"Kami rin. Hahatid ko pa si Mela." -King
"Una na rin kami ni Dzi." -A
"Kami rin ni Fille. Bye guys." -Greg
"Besh? Sabay ka na samin?" -Ako
"No, mapapalayo kayo ni Aki. Magkaiba tayo ng way. Mag commute nalang kami nila Jus." -Den
"No, I insist. Hatid na namin kayo." -Ako
"No na, Besh. Ako na bahala." -Den
"Hmm. Ella, ako na maghahatid kayla Den. Dun naman ako sa bahay ngayon naka stay eh." -Aly
"Sure ka? Sige Aly. Thank you!" -Ako
Nagnod naman si Aly. Pinasakay na nila ko sa kotse ni Aki.
"Bye guys. Ingatan mo sila Den ha!" -Ako
Umandar na yung kotse at naiwan sila Den.
----
Aly's POVNagdadrive na ko ngayon papunta sa bahay. Tahimik si Mosh, nakatulog na yata.
"Aly, by the way. How's your mom and dad?" -Den
"Hmm. They're fine naman. Actually they're having a vacation and I heard na magkasama sila ngayon ng parents niyo." -Ako
"Ahhhh. Where's your ate pala?" -Den
"Nasa States. She's currently studying there para mapatakbo niya ng maayos yung company." -Ako
"Ikaw Ly? Wala ka bang balak na patakbuhin yung company niyo?" -Den
"Meron naman." -Ako
"I see." -Den
"Ikaw? Wala ka bang balak hawakan muna panandalian yung company niyo? Jus will be studying in States rin, para matuto about sa paghahandle ng company." -Ako
"Wala talaga akong interest sa company or business eh." -Den
"You still wanted to be a doctor." -Ako
Nagsmile naman siya.
--
Pagdating sa tapat ng bahay nila, binuhat ko na si Mosh at iniakyat sa kwarto niya."Ly, thank you ha." -Den
"Yeah. Wala yun. Sige na. I'll go ahead. You should rest." -Ako
Nagnod naman siya. Inihatid niya ako hanggang sa gate at inilock niya na yung gate. Ako naman nagdrive na papauwi.
-----------------------------------------------
A/N: YAAAAAAN NA. NAGKAKAUSAP NA SILA. ENEBE!