Greg's POV
Maaga akong nagising ngayon, ginawa ko muna yung mga morning rituals ko tapos nun naupo muna ako sa sofa at binuksan ko yung tv. Yung iba tulog pa. Si Baldo, wala na sa kama niya eh. Bahala siya.
"Greg. Ayusin mo na mga gamit mo, dun na tayo mag stay sa bahay." -Aly
Oo, may bahay sila Aly dito. Remember, taga Batangas siya.
"Okay. Nandun si Nanay Rose? Paluto ka adobo. Sarap ng luto niya nun eh. Nasabihan mo na ba yung mga babae?" -Ako
"Oo, may mga hangover pa nga sila eh. Nagtata-talak na naman si Donya." -Aly
"Ahh, sige. Gisingin ko na yung mga panget para maka ayos na rin." -Ako
Bumalik ako dun sa tinutulugan namin at ginising silang lahat.
"Greg, ano ba? Bawal ba matulog?" -Mark
"Bangon na, dun na tayo sa bahay nila Aly mag stay." -Ako
Bumangon naman bigla si King.
"Talaga? Sige sige! Dun tayo!" -King
Nagising na lahat at inayos na namin yung kani-kaniyang gamit namin.
"Nakakamiss yung bahay nila Aly dun. Diba nandun yung mga pinsan niyang magaganda?" -Mark
"Oo. Bakit?" -Vic
"Wala. Akyat tayo ulit sa puno ng mangga sa bakuran nila." -King
"Ikaw nalang. Mukha ka namang unggoy." -Vic
Tumayo na si Vic at pumasok sa cr dala yung tuwalya niya.
Pagtapos ko ayusin yung mga gamit ko, lumabas na ulit ako dala yung bag ko. Nakita ko si Aly na kausap si Laura. Naka ayos na pala gamit nilang dalawa. Bitbit ni Aly yung backpack ni Laura pero nakalapag yung bag ni Aly sa semento.
"Oh? Okay na?" -Aly
"Naliligo pa sila eh." -Ako
"Ahh. Sige." -Aly
Naupo muna kami dun sa mahabang kahoy na upuan. Si Laura may kausap sa phone. Si Von siguro. Si Aly naman, nagtetext.
Maya maya, nakarating na silang lahat kaya sumakay na kami sa van at bumiyahe papunta sa bahay nila Aly. Malapit naman na yun dito.
"Greg! Hindi ka daw naligo." -Vic
"Okay lang. Mabango parin ako." -Ako
"Yuck. Tas tatabi ka sakin." -Fille
"Ikaw kaya tumabi sakin. Nauna ako dito diba?" -Ako
"Kahit na. Sana naligo ka muna." -Fille
"Kahit na, sana naligo ka muna." -Ako
Di nalang sumagot si Fille. Maya maya, nakatulog na siya at sumandal na sa balikat ko.
---
Ella's POV
Pagdating namin sa mansyon nila Aly, nagsibabaan na kami mula sa van.
"Aly, saang kwarto kami pwede mag stay?" -Greg
"Bakit? Matutulog ka na naman?" -Fille
"Hindi! Ligong ligo na ako. Nalawayan mo kasi ako nung tulog ka! Nakakahiya naman kasi sayo." -Greg
Ayan magbabarahan na naman po sila.
"Uhm, ganto. Greg and Fille. Dun kayo sa unang guest room share kayo ng kwarto ha." -Aly
"What/Ano?!" -Sabay na sabi ni Greg at Fille.
"Aly, Babe. You're here." -Rachel
Nagkiss si Rachel sa lips ni Aly. Omg. Hahaha! Normal na sakanila yun. Sweet sila sa isa't isa. Napalingon naman kaming lahat kay Den. Nakataas yung left eyebrow niya.