Den's POV
"Ma'am Den, nag aantay po si Aly sa baba. Kausap siya ng daddy mo." Rinig kong sabi ni Yaya Ising.
Agad agad akong lumabas ng kwarto ko. Naka uniform naman na ako eh.
Pagdating ko sa sala, naabutan ko si Daddy at Aly. Nililinis ni Daddy yung baril niya sa harapan ni Aly. Nakita ko namang namumutla si Aly kaya lumapit agad ako sakanila at naupo sa tabi ni Aly.
"Daddy! Bakit dito mo nililinis yang baril mo? At sa harap pa mismo ni Aly." Sabi ko kay Daddy.
"Ay, princess. Nandito ka na pala. Kumain ka na, kain na kayo ni Aly." Sabi ni Daddy.
"Tara na nga Aly." Sabi ko at hinila si Aly papasok ng dining area.
Pagdating sa dining area, naupo na ako at si Aly. Nakatingin lang siya sakin.
"Anong ginawa sayo ni Daddy?" Tanong ko.
"Wala naman. Nilinis niya lang yung baril niya sa harapan ko. Natakot ako, baka kasi biglang pumutok yun. Tapos tamaan pa ako. Kailan pa nagkaroon ng baril si Sir Mike?" Tanong niya.
"Noon pa. Nung nakakatanggap na siya ng death threats." Sabi ko.
"Bakit? Ano bang trabaho ni Sir Mike?" Tanong niya.
"Lawyer." Sagot ko.
"Ahhh. Kaya pala." Sabi niya.
"Ikaw? Ano nga ulit trabaho ng dad mo?" Tanong ko.
"Drug Lord." Sagot niya.
"Weh?" Tanong ko.
"Di, businessman. Ano ba yan. Bumibili kayo ng product ng company namin pero di mo alam na kami may ari nun?" Sabi niya.
"Hahaha! Sorry na. May clothing line kayo diba? Bukod sa resorts, hotels and restaurants?" Tanong ko.
"Oo." Sagot niya.
Pagtapos ko kumain, lumabas na kami ng bahay.
"Hey, tara. Sakay ka na." Sabi ni Aly.
Isinuot niya sakin yung helmet tapos nun ay nauna na siya sumakay sa motor.
"Den, ano? Diyan ka nalang ba?" Tanong ni Aly.
Sumakay na ako at humawak ako sa balikat niya. Nakakahiya naman kung yayakap ako diba?
Pagdating sa parking lot ng school, nauna na akong bumaba, hinubad ko na yung helmet na sinuot niya sakin at isinabit niya sa motor niya.
Naglakad na kami papasok ng school. Habang naglalakad sa hallway, hindi maiwasan yung mga tingin nila sa'min ni Aly. Si Aly naman, hinawakan ako sa kamay at sabay kaming naglakad.
"Psh, malandi. Kaya siguro nagbreak sila ni Myco." rinig kong sabi ng isang babae.
Naramdaman ko namang pinisil ni Aly yung kamay ko.
"Hayaan mo sila. Inggit lang yung mga yan." Bulong ni Aly.
"Noon si Myco, ngayon naman si Aly. Grabe talaga. Sino kaya sunod?" sabi na naman ng isang babae.
"Aly, I think you should let go of my hand. Madadamay ka pa." Sabi ko.
"No, let them see kung gaano ka nila dapat kainggitan." Sabi ni Aly.