Den's POV
Nasa baba na daw si Aly sabi ni Yaya Ising. Lumabas naman na ako ng kwarto ko. Tapos na rin naman ako sa pagkilos sa sarili ko eh, kakain nalang ng breakfast.
Pagdating ko sa sala, nakaupo si Aly sa sofa. Kaharap niya ngayon si Dad, narinig kong nag uusap sila.
"Alam mo, gusto ko lang naman makakilala si Den ng lalaking mag aalaga at mamahalin siya gaya ng pagmamahal ko sakanya. Tsaka masyado pang bata yang prinsesa ko." -Dad
"Ahh. Halata naman po sir." -Aly.
"Kaya ikaw Aly, alam mo bang nakita ko yang picture ninyo ni Den. Nagalit ako sayo. Siyempre. Hindi ka pa nga nagpapaalam sakin na liligawan mo yung anak ko, tapos nahalikan mo na agad? Ikaw ba eh seryoso sa anak ko?" -Dad
"Sir, sorry po kung hinalikan ko siya. Sir, seryoso po ako sa anak niyo." -Aly
"Siguraduhin mo lang. Aly, call me tito, wag nang sir, paki kamusta ako sa dad mo ha. Sabihin mo, mag basketball kami next week." -Dad
"Ahh, sige po. Tito." -Aly
"Dad, hiramin ko muna si Aly." -Ako
Lumakad ako palapit sakanila at hinila ko na si Aly papasok ng dining area.
"Aly, I'm sorry kung kailangan mo pang maipit sa ganitong sitwasyon." Sabi ko.
"Huh? What are you talking about? I'm willing to court you." Sagot niya.
"If that's what you want. Kain muna tayo." aya ko sakanya.
Naupo na kami at kumain na ako. Ayaw niya daw kumain kasi busog na siya.
Pagtapos kong kumain, hinila ko na siya palabas ng bahay. Nadaanan namin sa gate si Daddy.
"Tito, alis na po kami." Paalam ni Aly.
"Sige. Ingatan mo yung anak ko." Sabi naman ni Dad.
"Always, tito." Sagot ni Aly.
"Daddy, bye. Iloveyou." Sabi ko.
"Iloveyou more." Sagot ni dad.
Hinila ko na si Aly palabas ng gate, nandun kasi yung motor niya.
Isinuot niya na sakin yung helmet at sumakay na kami sa motor niya.
Nakakapit ako sa balikat niya para naman di ako mahulog. Mahirap na noh! Hahahaha!
...
Pagdating sa parking lot ng school. Bumaba na muna ako ng motor at hinubad ko yung helmet tapos inabot ko sakanya at sinabit niya sa motor niya.Nang maayos niya na yung motor niya, naglakad na kami papasok ng school. Magkaholding hands kami habang naglalakad.
"So, totoo nga? Sila na talaga?" Sabi ng isang babae.
"Oo, nakikita mo naman sa pagholding hands nila." -Girl 2
"Dear girls, wag niyong ag chismisan si Den." Sabi ng boses sa likod namin.
Lumingon naman kami ni Aly, nakita namin si Ella. Huminto kami sa paglakad at inintay siyang makalapit samin.
Paglapit niya.
"Den, Aly. Holding hands pa more! Tara na, baka ma-late tayo. Ay, may training daw tayo mamaya, Den." -Ella
"Wala akong dalang damit." -Ako