Den's POV
Kagigising ko lang. Saturday naman ngayon, so late na akong nagising. Naghilamos ako at nag toothbrush tapos nun bumaba na ako para mag breakfast kasi 10 am palang naman.
Pagdating ko sa baba, walang mga tao? Luh? Nasan si Jus at si yaya? Hays. Dumiretso na ako sa dining area at kumain na.
...
Pagtapos kong kumain, nagpunta ako sa garden. Wala lang. Trip ko lang."Hahahaha! Kuya Alyson, you're so madaya po!" Rinig kong sabi ni Jus.
Pagdating ko sa garden, nakita ko si Aly at Jus. Nagdidilig sila ng halaman, tig isa sila ng hawak na hose. Binabasa ni Jus si Aly ganun din si Aly. Basa na nga silang dalawa eh.
"Ateeeee! You're here! Ate! Si Kuya Aly oh, binasa ako ng tubig. Di naman ako halaman." Sumbong ni Jus sakin.
Tumawa lang ako sakanilang dalawa. Ang dungis kasi nila. Gumulong yata sila sa grass eh. Kasi puro putik yung damit nila at mukha nila.
Bumulong si Aly kay Jus at tumawa silang parehas. Humarap sakin si Jus at binuksan niya yung hose. Binasa ako ni Jus. Pati si Aly binasa rin ako.
"Aly! Jus. Stop na. Hahahahaha!" Sabi ko pero di parin sila tumigil.
Lumapit sakin sila Aly, tumakbo ako. Nang naabutan ako ni Aly, niyakap niya ako at nagpagulong gulong kami sa damuhang ng garden ni Mommy. Hahaha! Pinahid pa ni Aly sa mukha ko yung putik. Grabe talaga si Aly. Ang kulit niya.
"Ehem...." rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Bigla naman tumayo si Aly at inoffer niya sakin yung kamay niya at tinanggap ko naman.
"Aly, Den. Maligo na nga kayo. Tignan niyo yung itsura niyo oh." Sabi ni Dad at umalis na.
Pumasok naman na kami sa bahay. Hinila ko paakyat ng hagdan si Aly.
"Aly, dito ka sa baba maligo. Den. Maligo ka na sa kwarto mo." Utos ni Dad. Binitawan ko naman yung kamay niya at umakyat na ako sa kwarto ko.
Naligo na ako at nagbihis pagtapos bumaba na ulit ako at nag intay sa sala.
...
"Hey Little Jus. Naglinis ka na rin pala. Are you tired?" Sabi ni Aly kay Jus. Nakahiga kasi sa sofa si Jus.
"Yes, Kuya Pogi. I want to sleep. And kuya, hindi na ako si Little Jus. I'm in first year high school na po." Sabi ni Jus.
"Hey, ikaw? Are you tired?" Tanong niya sakin at hinawakan yung kamay ko.
"Hmmm, no. Jus, umakyat ka na sa kwarto mo. Magrest ka muna." Utos ko kay Jus.
Umakyat na nga si Jus at naiwan na kami ni Aly na nakaupo dito sa sofa
...
"Tita? Nagluluto ka po ba?" Tanong ni Aly kay Mommy na ngayon ay nakaupo na sa tapat namin."Mamaya pa, Fourth. Bakit? May gusto ka bang ulam? Dito ka na kumain ng lunch." Sabi ni Mommy.
"Uhm, wala naman po. Tutulong po sana ako. Please?" Sabi ni Aly.
"Hmm. Sige. Buti ka pa marunong magluto, eh yang katabi mo hindi eh. Hotdog na prito nga lang sunog pa." Sabi ni Mommy.
"Mommy! Ano ba! Wag mo ng ikwento kay Aly yan." Saway ko kay Mommy.
"Tita, okay lang po na hindi siya marunong magluto. Ako naman na pong bahala magluto para sakanya, handa ko naman po siyang pagsilbihan." Sabi ni Aly.