Den's POV
Nandito kami ngayon ni Aly sa mini park ng school, lagi naman kaming nandito kapag free time namin.
"Den, uhm, hindi naman sa naiinip na ako, pero gusto ko lang itanong kung kailan mo ba 'ko sasagutin?" Tanong ni Aly.
"Huh? Ano kasi, uhm. Aly, oo na. Tayo na." Sabi ko at tinakpan yung mukha ko.
"Ano ulit?" Tanong ni Aly.
"Wala ng ulitan." Sagot ko.
"Weh? Totoo nga? Tayo na?" Tanong niya ulit.
"Kung ano yung narinig mo, yun na yun. Bahala ka na diyan." Sagot ko.
"Wooooohooooo!!!!!" Sigaw ni Aly at tumalon talon pa.
"Aly, stop it! Pinagtitinginan ka na nila." Saway ko sakanya.
Huminto naman siya at naupo na sa tabi ko. Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan yung likod ng palad ko.
"Mas lalo mo kong napasaya. Di ko sasayangin yung relationship natin." Sabi niya.
"Alam ko, kaya nga ipinagkatiwala ko sayo yung puso ko eh." Sabi ko.
"Den, wag mong ibigay sakin yung puso mo. Sayo lang iyan, alagaan mo. Aalagaan ko rin. Gusto ko, hati tayo sa pag aalaga sa puso mo." Sabi niya
"Dami mong alam." Sagot ko.
"Oo na. Hahaha! Iloveyou." Sabi ni Aly
"Iloveyoutoo." Sagot ko
Nagring na yung bell at hinila ko na si Aly para bumalik sa room. Baka kasi ma-late pa kami at mapagalitan.
Pagbalik sa room, naupo na ako. Pati na rin si Aly.
Dumating rin agad yung teacher namin at nagdiscuss ng kung ano-ano.
....
Pagtapos ng klase, same routine. Inihatid ako ni Aly sa bahay, kumain ako ng dinner, nag ayos ng sarili at natulog na.
--------
Ella's POVUy, Author. Thank you sa POV. Hahaha!
Nabalitaan ko ng mag on na si Aly at Besh Den. Masaya naman ako para sakanila kasi halata namang masaya sila sa isa't isa. Basta, suportahan ko nalang silang dalawa.
Nandito nga pala kami ngayon ni Aki sa bahay nila. Nagpapaturo kasi siya matuto ng Tagalog.
"Ako, Aki Ahomiro." Sabi ni Aki.
"Hindi, mali. Dapat, ako si Aki Ahomiro." Sabi ko.
"Ahhhh.. ako si Aki Ahomiro." Sabi niya pero may pagka slang.
"Yannn! Magaling. Osige na. I'll go home. Bye." Sabi ko kay Aki.
"Hatid kita." Sabi ni Aki.
Nagnod nalang ako sakanya at inihatid na nga niya ako sa bahay namin. Umalis din siya agad pagkadating sa tapat ng gate namin.
----------------
A/N: SORRY, SUPER SHORT UPDATE! WOOOH!-Jaydeng1415