Ella's POV
Nakarating na kami ngayon dito sa Batangas. Si Den, Mosh, Jus ang kasama ko sa kwarto. Si Laura? Kasama nila Fille, Dzi, Mela at Bang. Yung mga lalaki, alam ko sila sila parin magkakasama.
Binibihisan ngayon ni Den si Mosh. Kapatid niya yun, engot lang talaga mga kaibigan namin at iniisip nilang anak ni Den at LA tong chikiting na to.
"Ells? Sure kang yan talaga suot mo ha?" -Den
"Oo? Ano ba problema sa suot ko? Naka swimsuit naman ako ha, two piece pa." -Ako
"Ahhh, wala wala." -Den
"Ikaw? Sure kang yan na talaga suot mo?" -Ako
Nakasuot siya ng two piece bikini pero naka shorts siya at manipis na white sando. Si Mosh naka swimming trunks tas si Jus naka two piece bikini rin tas pero nakasuot rin siya ng see through na sando. Winawarla kasi siya ng ate niya. Strict. Hahahaha!
Lumabas na kami ng kwarto at nagpunta sa tabing dagat. Nagdoble ako ng shorts.
Pagdating dun, naabutan namin si Greg at Fille. Naghahabulan sa buhangin. Mukhang mga tanga. Happy sila ah.
"Kayo palang?" -Den
"Oo eh, nagbibihis pa yung iba." -Greg
"Kuya Cute! I want to swim. Samahan mo ako." -Mosh
"I'm Greg. Call me kuya Greg." -Greg
Sinama naman ni Greg si Mosh dun sa may dagat. Naupo naman kami nila Den, Jus at Fille sa buhangin.
"Kamusta?" -Fille
"Ayos naman. Puro trabaho." -Den
"Hays. Ganun din dito eh. Buti nga nagkaroon pa ng time na makapahinga kaming lahat saktong nandito ka pa." -Ako
"Oo nga, si Aly at Greg, subsob sa trabaho yang mga yan." -Fille
Natahimik nalang kami nung dumating na yung mga kaibigan namin. Una kong nakita sila Aly, naka kapit sa braso niya si Laura.
"Wooooh! Valdez! Laura Valdez? Bagay!" -Vic
"Hahahaha! Thank you." -Lau
Nakasuot pala kay Laura yung Jersey ni Aly sa Ateneo. Malaki kay Laura yung jersey pero bagay naman. Si Aly naka topless tas naka shorts siya. Ugh, pandesal. Hahaha! Si Aki naman, lumapit sakin, naka sando siya tas naka shorts lang din. Hinubad niya naman yung sando niya at hinagis sa mukha ko. Baliw to ah.
"Oh? Ano to?" -Ak
"Sando?" -Aki
"Pilosopo ka talagang gago ka ha." -Ako
"Just kidding. Isuot mo." -Aki
"Sweet naman" -Ako
Isinuot ko na yung sando ni Aki.
"Alam mo kung bat pinasuot sayo yan?" -Mark
"Bakit? Kasi ayaw niyang makita ng iba yung katawan ko?" -Ako
"Oo, hahahaha! Baka daw kasi mawala yung mga customer ni Aly dito sa resort nila. Baka malugi." -Mark
Tas tumakbo siya papunta sa dagat.
"Pakyu! Malunod ka sana diyan." -Ako
"Ahhh! Ella, Ella. Nalulunod ako." -Mark
Umarte siya na parang nalulunod tas tumawa rin. Gago talaga. Niyakap ako ni Aki tas bumulong siya.
"Do you want to swim?" -Aki
"Nope. Ikaw? Sama ka na kayla Vic." -Ako
"You sure?" -Aki
"Yes. Dito muna ako kay Besh ha. I love you." -Ako
"Hmm. Yeah. I love you more." -Aki
Tumayo na siya at lumakad kasama nila Vic. Sila Aly at Laura naman, nandun sa malayong part ng dagat, naghaharutan sila. Mukha silang mag jowa. Galing ni Laura! Iniwan nila dito yung mga sando na suot ng mga babae.
"Besh? Ayaw mo mag swimming? Tayong dalawa nalang naiwan oh." -Ako
"Ikaw? Sige. Sama ka na sakanila." -Den
"Nope. Ang sweet nila Laura noh?" -Ako
"Ewan?" -Den
"Weh? Wala kang ibang nararamdaman Besh?"-Ako
"Ella, hindi ako nagseselos. Ano ba naman yang iniisip mo? May boyfriend na ako." -Den
"Huh? Ano? Bakit ba? Itatanong ko lang naman kasi kung nagugutom ka? Kasi ako nararamdaman ko na yung gutom" -Ako
"H-ha? S-sige. Kumain ka muna." -Den
"Wag na. Ayoko na." -Ako
"Bahala ka." -Den
"Besh? Mahal mo ba si LA?" -Ako
Tumingin siya sakin. Mukhang nabigla siya dun.
"H-ha? Oo. Bakit?" -Den
"Wala, itinanong ko lang." -Ako
Tumingin na ulit ako dun sa mga kaibigan naming nagsasaya sa paglangoy. Masunog sana sila. Hahahaha! Joke lang.
-------------------------------------------------------------------------------------
A/N: HI! :) AYUN. MAY TANDEM SANA AKO NA BALAK ISAMA. ABANGAN NIYO NALANG. HAHAHAHA! YUN KASI YUNG TWIST NG STORY. WAG NIYO SANA AKO ISUMPA PAG NABASA NIYO YUN. LOVE YOU ALL.
-Jaydeng1415