Aly's POV
Ngayon na yung opening ng hospital. Dapat last month pa pero yung ibang equipments, na late ng dating. Kasama ko ngayon sila Ella at Greg, marami ring nandito, yung mga doctors, nurse and other staffs tapos media and yung Pari siyempre. Si Dennise, Mosh at Jus naman nasa States na. Nag aaral na ulit sila. Si Den babalik daw dito pagtapos niya sa Med school. One year nalang naman, okay naman na kami, nakakapag usap na kami ng hindi nagsisigawan.
Matapos ng ceremony, nagpunta kami sa restaurant kasama yung mga media.
"Mr. Valdez, what can you say now na more than 3 months ng nawawala yung parents niyo?" -Reporter 1
"Uhm, hindi dapat mawalan ng pag asa hangga't di sila nahahanap." -Ako
"Mr. Valdez, sa dami ng company na hawak mo, paano mo pa napapatakbo yung company ng mga Lazaro?" -Reporter 2
"Uhm, I don't know. Pero one thing is for sure, ginagawa ko 'to kasi gusto ko. And yung pamilyang Lazaro ay family friend namin, Mr. Mike and my dad are friends since elementary." -Ako
Matapos nung presscon, bumalik na kami nila Ella at Greg sa company nila Den. Imi-meet kasi namin yung new investors. Masasabi ko na mas tumaas ang stocks ng company. Nabawi na rin namin yung bahay nila Den.
"Aly, you're doing great." -Ella
Nagsmile nalang ako.
Pagdating dun, dumiretso ako sa Conference Room. Sila Ella, nagpunta na muna sa office ni Tito Mike.
"Good Afternoon, Ladies and Gentleman." -Ako
"Good Afternoon, Mr. Valdez. We would like to buy 5% of shares in your company." -Mrs. Ravena
"Mrs. Ravena, we are glad to become your business partner. Shane, please hand over the contract to Mrs. Ravena." -Ako
Ibinigay naman ni Shane yung contract kay Mrs. Ravena. Mommy siya ni Kiefer. Pagtapos pirmahan ni Mrs. Ravena yung contract nag shake hands kami at umalis na siya agad, may importante pa raw kasi siyang gagawin, tapos si Kiefer daw yung may ari ng 5% na yun.
Marami pa kong na-meet na investors. Bumili yung iba ng 5% na share. 5% lang kasi yung ibinibenta namin. Baka kasi mamaya, pag nagbenta kami ng mataas, mahigitan pa nila yung percentage ni Tito Mike. 80% yung kay Tito, 20% naman yung akin, ganun din kay Greg.
Pagtapos ko ma-meet lahat ng investors, nag open ako ng Skype ko sa phone habang nandito ko sa Conference Room, kakamustahin ko si Jus. Baka kasi may mga kailangan siya.
"Kuya Pogiiiii!" -Jus
"Oh, Jus. Kamusta ka diyan?" -Ako
"We're fine here. Matagal pa ko mag stay here." -Jus
"Oo nga eh. Where's your ate pala?" -Ako
"She's here. Ate, kuya Pogi is looking for you." -Jus
"Bakit, Aly?" -Den
"Wala, just checking up on you guys." -Ako
"I see. By the way, Aly. Wag kang dikit ng dikit kay Ravena ha!" -Den
"Why?" -Ako
"Nothing. Basta, I'll be working in your hospital, soon." -Den
"Okay." -Ako
"You should rest na. I know nag iintay sayo sila Ella." -Den
"Oh, shocks. I forgot! Okay, bye Den. Bye Jus. Where's Mosh?" -Ako
"Nasa school pa. Sige na, bye." -Den
Inoff ko na yung phone ko at bumalik sa office kung saan nandun sila Greg. Nagkukwentuhan parin sila.
"Oh, great! Let's go? I'm sure nakausap mo na naman sila Jus." -Ella
Oo, laging ganun. Nakakalimutan kong kasama ko pala sila Ella kapag kinakausap ko sila Jus. Lalo na si Mosh, nakaka aliw kasi.
Nagpunta kami sa birthday party ni Vic. And dun na din siya magpo-propose kay Bang.
---
Nakatayo sa stage si Bang at Vic. Hawak ni Vic yung mic.
"Ehem ehem! Mic test, test mic! Yun, tonight is my birthday but, tonight is also the night that I will propose to my 6 year girlfriend. Shiela Marie Pineda. Baby, Mahal, Babe. You mean so much to me. Everytime na you're asking me if may balak ba akong pakasalan ka, I would really love to say yes. Pero alam mo yun, nahihiya ako eh. Through ups and downs, sa mga stress na nararanasan natin sa work, sa mga taong pilit na pinaghihiwalay tayo at sa mga tao na gumagawa ng paraan para magkaayos tayo tuwing magkakatampuhan tayo, nandito parin tayo. Buo, at mahal ang isa't isa. Kaya tonight, I wanted to ask you, if you want to be a part of my life? No, I mean, if you want to spend your whole lifetime with me, if you want to celebrate silver and golden wedding anniversary with me. Will you marry me?" -Vic
Nakaluhod siya sa harap ni Bang at hawak niya yung singsing.
"Yes Vic." -Bang
Isinuot na ni Vic yung singsing kay Bang, tumayo na si Vic at niyakap siya.
"Ikakasal po kami next 5 months." -Vic
"Ang bilis naman!!!!" -Ella
"Hindi na pinatatagal yun, besides may mga ikakasal pa next year. Mahaba ang pila ng mga ikakasal nating kaibigan. Nauna lang kami." -Vic
Nang matapos ang party, nagka ayaan na kami umuwi. Si Greg, nakiki stay sa bahay, wala lang. Di naman daw siya hinahanap sa bahay nila eh.
----------------
A/N: AYAAAAN NA, LIGHT NALANG TALAGA YUNG MOOD DITO, MORE KILIG SIGURO? AHAHAHA!