Aly's POV
Papunta kami ngayon sa hospital, i-oopen na 'to next month.
"Sabi nila high-tech daw lahat ng equipments sa hospital niyo ah?" -Greg
"Di ko lang alam. Pero alam ko, oo. Para daw di na palipat lipat yung mga pasyente kapag kulang sa equipment yung hospital." -Ako
Pagdating sa ospital, pumasok agad kami. Yung mga tao lang dito ay yung mga nag aayos ng equipments.
"Mr. Valdez. Hi, I'm Angie. Ako yung inassign ng dad mo para mag assist dito sa hospital." -Angie
"Ahh, yes. Nakwento nga ni Dad. So, how's the hospital? Mao-open na ba next month? Or as early as it is?" -Ako
"About that sir. Iniintay nalang po natin yung pagdating ng doctors from other countries, and yung nurse from licensed med schools." -Angie
"I see. Maglilibot lang kami dito ha." -Ako
Nagnod naman si Angie at naglakad lakad na kami ni Greg.
"Ilang school ba yung partner ng CVH? (Caymo-Valdez Hospital)" -Greg
"Hmm. 5 schools. Including Ateneo School of Public Health and UST." -ako
"Eh yung doctors?" -Greg
"Galing yung iba sa States, Harvard School of Med yung iba, pero Filipino sila." -Ako
"I see. Mukhang magiging maganda ang pagtakbo ng ospital." -Greg
"I hope so. Mas magiging okay sana 'to kung nandito sila Dad kasi siya naman talaga yung dapat magpapatakbo nito." -Ako
"Pero Aly, kailangan mong ipagpatuloy yung nasimulan ni Tito. Ikaw palang ang makakapagpatakbo nito kasi wala pa ang ate mo." -Greg
"No choice naman ako, Greg." -Ako
Napansin kong napatingin siya sa left wrist ko.
"Hanggang ngayon noh, suot mo pari yan." -Greg
"Oo eh. Ewan ko ba kung bakit parang ayokong alisin to. Knowing Dennise already removed her bracelet on her wrist." -Ako
"Oh? Oo nga pala. Hindi ko na siya nakikitang suot yang bracelet mula nung nakabalik siya dito." -Greg
Tinap niya yung balikat ko at nagpatuloy na kami sa paglakad.
---
Ella's POVNakaupo kami ngayon dito sa bahay nila Aly. Iniintay namin siyang makabalik, masyado ng lunod sa trabaho yung kaibigan namin na yun. Si Greg at si Aly. To be exact.
"So, Greg. Makakapahinga ka na for today. Don't worry 'bout me. And pakisabi kay Fille, sorry kasi kinuha ko yung time na dapat para sakanya." -Aly
"Baliw ka na, Aly. Okay lang kay Fille. Siya pa nga nagsabi na dapat damayan at tulungan kita." -Greg
"Oh, sige na. Umuwi ka na muna para makapahinga ka rin." -Aly
Sumakay na sa kotse si Greg, si Aly naman dumiretso na ng pasok dito sa bahay nila. Mukhang nagulat siya na nakita niya ko dito.
"Ella?! Shocks. Magkakaroon pa ko ng sakit sa puso eh!" -Aly
"I'm so sorry!" -Ako
"Ikaw lang?" -Aly
"Nope, nasa kusina sila Vic." -Ako
"Oh, ba't hindi ka sumama sakanila?" -Aly
"Binubully na naman nila 'ko, Ly." -Ako
"Sus. Di ka pa ba nasanay?" -Aly
Di nalang ako sumagot. Naupo sa tabi ko si Aly. Niyakap ko siya at sumandal sa balikat niya.