Den's POV
Sinundo ako ni Aly. As usual, wala parin siyang kibo. Nandito na kami ngayon sa kotse niya.
"Aly, I know that you're still mad. I'm sorry. Wala naman kasi talaga yung nakita mo. Last hug lang yung hiningi niya kasi he set me free na. He wants me to tell you na you should took good care of me or else babawiin niya ako sayo." Sabi ko.
Di parin siya sumasagot.
"And I know na naiinis ka dahil nag space out ako these past few days. Di ko rin maintindihan kung bakit eh. Basta ewan ko rin ba sa sarili ko. Wag ka na magalit. Promise, I will always pay attention. Please? Bati na tayo?"
Di parin siya sumasagot. Fine! Bahala siya sa buhay niya.
Pagkapark na pagkapark niya, lumabas na agad ako ng kotse niya. Iniwanan ko na siya. Pero sumabay siya sakin sa paglakad.
------------