13

7.3K 119 0
                                    

Den's POV

Isang linggo na mula nung naging kami ni Aly, hindi naman siya nagbago, pero naging mas sweet talaga siya sakin. Nandito kami ngayon sa kwarto ko at naglalagay ako ng make up.

"Baby, okay na ba itong make up ko?" Tanong ko kay Aly na ngayon ay nasa kama ko, nakasandal siya sa headboard.

"What's that?" Tanong niya sakin at kumunot ang noo.

"Bakit? Kulang pa ba? Kailangan ko pa bang dagdagan yung kapal ng lipstick ko?" Tanong ko sakanya.

"No, ano ba yan. Ayusin nga natin yang pinaglalagay mo sa mukha mo." Sabi niya at lumapit sakin.

Pinunasan ni Aly yung labi ko gamit yung panyo niya, yung make up ko naman, binura niya gamit yung make up remover. Pagtapos nun, inayusan niya ako.

Pagtapos niya akong ayusan, humarap ako sa salamin. Nakita ko yung itsura ko, shems! Mas magaling pa siyang mag make up kaysa sakin.

"You know na you are my princess. You're not a bitch so hindi mo kailangan kapalan yang make up mo. Kung ako nga lang masusunod, ayokong mag make up ka eh. Kaso pupunta tayo ng christmas ball." Sabi ni Aly.

Yeah, pupunta kami sa christmas ball. Event ng school.

"Hmm. Aly, tell me. Bading ka ba? Alam mo, okay lang naman kasi sakin kung oo. Atleast may boyfriend and sisteret na ako." Sabi ko.

"Huh? Anong pinagsasabi mo?" Tanong niya.

"Eh kasi, na-nonotice ko kasi sayo na hindi ka tulad nila Greg na mahilig sa computer games, mas hilig mo yung pagluluto, mas hilig mo yung mga gawaing bahay kaysa gumala gaya ng mga kaibigan mong lalaki. At ito pa, ang galing mong mag make up." Sabi ko.

"Huh? Magaling akong mag make up kasi may ate ako. Tinuruan niya akong lagyan siya ng make up tuwing wala kaming magawa sa bahay. Tsaka hindi naman kasi talaga ako mahilig maglaro ng computer games, pero naglalaro ako ng wii, playstation at nintendo." Paliwanag niya.

Ahhh. Kaya pala. Ang galing naman, close na close sila ng ate niya.

"Ahhhh. Kaya pala." Sagot ko.

"Uh-huh." Sabi niya.

"You should get dress na. Parating na sila Greg maya maya lang." Dagdag pa niya.

Lumabas na ng kwarto si Aly kaya nagbihis na ako.
...
Pagtapos kong magbihis, lumabas na ako ng kwarto. Nagulat naman ako nung nakita ko si Aly na nakasandal sa pader katapat ng pinto ng kwarto ko. Nakapamulsa siya at nakapikit.

Nakapag ayos na rin pala siya ng suot niya, kanina kasi naka shorts lang kasi siya tapos naka t-shirt na puti. Ngayon naman, naka blue na siyang long sleeves tapos naka tux siya na black. May ribbon naman siya sa colar. Bowtie ba yung tawag dun?

"Hey, Gorgeous." Sabi niya.

"Hmm. Let's go." Sabi ko.

Umayos na siya ng tayo at ikinawit ko naman sa braso niya yung braso ko at naglakad na kami pababa ng hagdan.

Pagdating sa sala, nandun si Daddy.

"Tito, aalis na po kami. Promise, I'll take care of Den." Sabi ni Aly.

"Sige. Ingat." Sabi ni Dad.

Paglabas namin sa gate, may nag iintay ng black na limo. Bumukas naman yumg pinto nun at nakita ko sa loob sila Greg kaya sumakay na ako, inalalayan ako ni Aly na makapasok at sumunod na rin siya.

My MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon