Mark's POV
Diniclare na nang doctor na wala na si Zyna. But we keep on hoping na sana may miracle na mangyari.
Matapos yung pangyayari kanina. Sobrang bilis.
Kanina lang iniwan niya sa amin si baby Zyra pero parang bula siya kung mawala.
Flashback
"Tito Mark, gusto ko pong kumain" sabi sa akin ni baby Zyra sabay puppy eyes.
Kahit kailan talaga ang cute cute ng batang to. Kaya ang hirap tanggihan
"Oh ano bang gusto mong kainin??" Tanong sa kanya ni Nicole at pininch pa ang ilong niya.
"Fries po" sabi niya
Kahit kailan talaga close tong dalawa. Para ng mag ina ang dalawang to.
"Sige, bibili tayo ha pero tatawag tayo sa mommy mo para sabay visit na rin natin sa kanya, okay ba yun??" Paliwanag ni Nicole.
"Yehhheyyyy. Thank you Tita Nicole. Kahit kailan talaga, the best ka" sabi ni Zyra at kiniss si Nicole.
"Ee ako?? Walang kiss??" Tanong ko.
Agad niya naman akong kiniss sa cheek.
Ang sweet sweet niya talaga parang si Zyna lang.
"Oh Mark, tawagan mo na si Ate Zyna, para malaman niya na pupunta tayo sa kanya" sabi niya at kinarga si Baby Zyra papuntang kwarto para bihisan.
Lumabas na rin ako para tawagan si Zyna.
DIALING ZYNA...
nagring na yung phone niya kaya hinintay ko nalng na sagutin niya.
"M-ark??" Pambungad ng isang boses.
"Zy?? What happened??" Tanong ko.
Parang kinakabahan na ako sa pananalita niya. Parang may nangyaring di maganda.
"M-mark, h-help m-me p-please" sagot niya.
Parang kakaiba na talaga to
"Zy anong nangyari????" Sigaw ko.
On going pa yung call pero wala nang sumasagot.
Eniend call ko na yung phone at dali daling pinuntahan sina Nicole para sabihin kung anong nangyari.
Lumabas naman sila at agad kaming umalis ng bahay.
------------------
@A4 CompanyNagpark agad kami at dali daling pumasok sa loob.
Nakakita na kaming mga taong nagtatakbuhan.
"Mark saan ang office ni ate zyna??" Tanong ni Mark.
"11th floor." Sabi ko.
Pumasok naman agad kami sa elevator at nagmadaling pumunta sa office ni Zyna.
Nakita ko naman yung secretary ni Ken na humihingu ng tulong
"Anong nangyari??" Tanong ko.
"Si Ms. Zyna po, nagdudugo!!" Sabi niya
Agad naman kaming pumasok sa loob aT nakita nga namin si zyna na walang malay na nakahilantang sa sahig.
"Zy??" Paggising ko sa kanya.
Pero di siya gumagalaw.
Chineck ko muna yung pulso niya pero sobrang hina na nito.
"Kailangan natin siyang dalhin sa hospital. Nic, ayusin mo ang kotse sa baba" sabi ko.

BINABASA MO ANG
My Rapist Boyfriend
Romancefirst time story. just read, comment and vote. thanks. kung sino ang mag vote pararanasin ko ng heaven !! hahaa joke ✌✌