A man is not where he lives,
But where he loves…
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
My Absolute Boyfriend 2.0 - ***17***
( J.A POV)
Para akong tanga kanina pa paikot-ikot sa loob ng room ko. Dapat talaga sumama na na lang ako sa kanila Charles, nagseselos ako? Ahhhh nagseselos lang naman pala. Teka ako nagseselos…. Ang weird parang may dalawang J.A. na nag-uusap sa utak ko. I felt my heart parang may konting kirot, ayoko man na aminin parang ayoko talaga yung nakita ko kanina, between Charles and Joyce. Ito ba ang pakiramdam ng nagseselos pero bakit naman? Ano ang meron kay Joyce? Isang sobrang ordinary lang naman ang itsura niya, ni wala nga kakorte-korte ang katawan, hindi naman kagandahan pero cute siya and the way she smile. Ohh God I see magic on her smile, fuck!!! What I think right now? Nalipasan lang talaga ata ako ng gutom. Magpapadeliver na lang ba ako o kain na lang ako sa labas.
Pinili ko na lang ang pumunta ng canteen, kakaparanoid sa loob ng room ko palagi na lang ako nakatanaw sa table ni Joyce kung bumalik na ba ito. Sa ground floor pa naman yun, makapikit nga muna. I feel something weird parang may nakatingin sa’yo, I open my eyes may kasama na pala ako dito sa loob hindi ko man lang namalayan, there is a guy na ang weird nya tumungin, hindi siya mukhang Pilipino may pagka-chinito kasi ang looks niya, bakit kakaiba ang tingin niya parang he analyze my face, Hindi kaya beki ito? I know habulin din ako ng mga beki, sayang itong isang ito kapag nagkataon.
At the Ground Floor
Weh, first time ko atang pumasok sa ganitong mataong lugar. Dapat pala i wear pang disguise katulad ngayon. All head looking at me, celebrity nga pala ako. Letse nakalimutan ko sa pag-iisip ko sa babaeng iyon. Yung guy kanina sa elevator eto nasa unahang pila ko. First time again to fall in line to order my foods, nakasanayan ko talaga kasi may inuutusan o di kaya sa mga class na resto.
“Si Sir J.A. ba yun? Wow, sobrang low profile nya.” Rinig kong pag-uusap ng mga babae sa likod ko.
“Oo nga, nakakabilib siya hindi mo aakalain na kakain siya sa ganitong lugar lalo na kung hindi class and take note employees canteen pa.” ano naman kasi akala ng mga tao dito sa akin super class na. Kung hindi lang nila alam mas feel ko pa kayang kumain sa mga karinderia kesa sa mga high class resto, hindi ko na nga lang magawa ngayon dahil sa image ko at sa daming mga stalker at fans na sunod ng sunod and sana wala akong stalker ngayon dito. Nakakairita kaya yung bigla na lang may magflush na ilaw yun pala kinukuhanan ka na ng picture. This time iba naman siguro ito, kami naman ang may-ari ng company kaya okey lang na dito ako kumain. Gusto ko iparating sa mga empleyado ko na hindi ako mahirap abutin simple lang ako at pwede silang magsabi sa akin ng kanilang mga suggestion and comments about my management.
Menu for today ang inorder ko. Special treatment ang ginawa sa akin dito sa Canteen nung nakita ako, me agad ang inasikaso and hindi na rin ako pinagbayad. Wow, hah okey ito, may gusto pa nga magbuhat ng tray ko, pinigilan ko na nga lang may mga kamay naman ako para gawin yun.
Ewan ko ba kung anong kukute ang pumasok sa utak ko at sinundan ko itong lalaki kanina sa elevator. Mukhang may nakita siyang kakilala, so empleyado din pala siya dito. Naglakad siya sa bandang dulo ng canteen. Parang si Joyce yun? Siya lang ang nakikita ko ng mga oras na ito, patuloy pa rin ako sa paglakad palapit sa kanya.
“XIAOFEI” sigaw nung lalaki, familiar yung pangalan na iyon. Parang may kilala akong Xiaofei. Then I felt my heart beat irregular. This feeling again makes me crazier.
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
(POV ni Bestfriend)
Napaaga ang dating ko sa Philippines dapat tomorrow pa talaga ako makakadating pero mas pinapa-aga ko kasi alam ko ngayon yung 1st day ng pasok ng kamukha ni Night na sad to say magiging Boss ng Loves ko. What a coincidence sa dinami-dami ng mukha sa mundo bakit ba kamukha pa nya. Letse, dapat pala nagparetoke na lang ako para maging kamukha ako ni Night, pero I must be thankful kasi gwapo naman ako pero yun lang ayaw sa akin ng taong mahal ko. Fighting Zong shi mahal ka naman nya bilang kaibigan pero this time sisiguraduhin ko na ako ang pipiliin ni Xiaofei sa bandang huli.
Pagpasok ko sa elevator. Pakshet kung mamalasin ka nga naman, sa dami-dami ng makakasabay ko sa elevator yung taong kakaisip ko pa lang kanina. Mukhang ginagawang tulugan pa ata itong elevator. Kamukha nga niya si Night walang duda, talagang tinitigan ko ang feature niya, his eyes, his lips, his nosem his height, his gesture almost the same kay night mas maputi nga lang ang isang ito. Buti na lang kami lang dalawa ang nandito sa loob ng elevator baka isipin ng ibang makakakita sa akin na nababakla ako, titigan ba naman ang kapwa lalaki. Naku, nahuli pa ata niya ako na nakatingin sa kanya napamulat na kasi ang mata niya.
BUmawi ako ng tingin baka isipin ng isang ito na nababakla ako sa kanya. Lalaking-lalaki ito at ako ay inlove sa Bestfriend ko <a/n: weh anong connect????>
Buti na lang bumukas na ang elevator, sa ground floor daw yung Canteen, Gutom na rin kasi ako naabutan na ako ng Lunch Break hindi ko na naabutan yung ibang mga makakasama ko sa program department mga nag-lunch na daw sabi ng Guard sa taas. Sa kanya ako nagtanong kung may malapit ba na canteen dito Yes, meron daw doon sa ground floor pinaturo ko na lang ang way kung paano pumunta dun.
Nasa pilahan na ako ng pag-oorderan ng foods. Nasa likod ko yung Night #2. Mukhang siya ang topic ng bawat madaanan kong table kanina pati dito sa pila siya din ang pinag-uusapan. Naalala ko tuloy si Night dati sa Taiwan nung 1st day niya sa work super siyang pinagkaguluhan pati ung mga head secretary dumayo pa talaga sa department nila Xiaofei to prove kung totoo nga na handsome si Night, that time si Xiaofei sobra niyang Idinenay si Night, pinsan ang papakilala niya dito. Sabagay hindi ko masisisi si Xiaofei kung ma deny man niya na boyfriend niya ito, malamang pag-iinitan siya at kakainggitan.
Poor Xiaofei sa dinami-dami kasing pwedeng maging Boyfriend sa isang Hot Robot pa. Andito naman ako bakit ba naman kasi sa iba ka pa tumingin hindi mo man lang naramdaman ang feelings ko sayo…. Haist T.T
After kong umorder feeling ko may nakasaunod sa akin. Hinanap ko ang table nila Xiaofei alam ko sa canteen kakain yun, kuripot kaya yun. Hanap-hanap O___O nasan na kaya yung babae na iyon.
Nasa dulo pala, sino ang kasama niya isang babae at isang lalaki na super weird ang get up naka sunglass and sombrero pa talaga nasa canteen na nga lang. Layo naman ng pwesto ng mga ito dami pa tuloy na nadaan ko na table tapos halos lahat nakatingin sa akin, How weird siguro mga napopogian sila sa chinito looks ko ^________^
“XIAOFE” tawag ko Kay Xiaofei, napatingin siya sa akin, Waaahhh namiss ko talaga ang my LOVES KO. Napatayo si Xiaofei, wow namiss niya talaga ako palapit na siya sa akin. Yung babae at lalaking kasama niya sa table natingin na rin.
“Tol” tawag nung lalaking my weird na get up. Napalingon ako sa likod ko, malamang hindi ako ang tinutukoy nito. At walang iba kundi si Night #2. Tinignan ko ito at ang tingin niya bakit nakatitig ito kay my loves ko hindi dun sa lalaking tumawag sa kanya
Si my loves ko naman parang natigilan din nung nakita yung Night #2. Kainis naunsami ang hug ko. Alam ko yayakapin dapat ako ni My loves ei, epal naman kasi itong isang ito.
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-==-=-=-=-=-=-=-=
A/N:
Hello. Bitin uli right? Tomorrow na lang po uli, total I posted 2 chapter naman today, may continuation pa itong chapter na ito. Ang scene sa loob ng canteen. Omo,,,, ayan na harapan na silang tatlo, ikaw na talaga Joyce ang may mahabang hair.
Goodnight
Ciao,
Ms. A
BINABASA MO ANG
MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0
FanfictionBased on the manga Absolute Boyfriend/ Jue Dui Darling. Dahil sa sobrang affected ako sa nangyari sa ending gagawa ako ng sarili kong ending. My Absolute Boyfriend 2.0. Mabubuhay kaya si Nighty? Magkakaroon kaya ng katapusan ang kanilang naudlot na...
