-=Charles POV=-
"Sabagay high-school days lang naman kita nakilala noon. Akalain mo ganyan pala ang life mo. Parang nasa movie lang tol. Totoo pala." High school days dun ko siya nakilala at naging ka-close di rin nagtagal naging bestfriend ko pa pala. Sa tinagal-tagal ng pagkakilala ko sa kanya may ganung past pala siya.
"Paano tol kung may isang bagay sa past mo pala na pinaka-importante sayo ang nakalimutan mo?" Tsk tama ba itong tanong ko. Handa na ba ako malaman iyon. Malamang alam na rin niya ang tungkol kay Joyce.
"Anong ibig mong sabihin?"
"I mean baka sa past mo may first love ka na pala. Dahil nagka-amnesia ka nakalimutan mo siya?" Tanong ko.
"Maniniwala ka bang kung sabihin ko sayong may kambal ako?" Sabi niya imbes na sagutin ang tanong ko. Ibig bang sabihin nito may kambal pa si Julian. Si Night na kaya yun na boyfriend ni Joyce. Pero teka di ba robot yun.
Umupo na siya sa upuang binakante niya kanina sabay tungga sa bote ng alak. Pang-anim na niya yan ah, nagbukas uli siya ng isa. Lakas din ng alcohol tolerance ng isang ito.
"Hindi imposible, yun nga na malaman mo na ampon ka lang pala at may amnesia ka pa. Magugulat pa ba ako kung malaman ko kung may kambal ka pa pala."
"Tsk!" Smirk niya. Tungga uli ng iniinom niya. Parang wala kaming concert bukas ah!
"Paano ko ba sasabihin sa'yo?." Alangan na naman niyang kwento. Ganun ba kahirap sabihin ang bagay na yun.
"Try to tell me para naman maintindihan ko."
Ibinaba niya ang hawak niyang bote. Tumayo na naman at katulad lang kanina malayo na naman ang tingin niya.
"Do you believe in robot?" Wow hah, para lang 'do you believe in magic?'
Tanong niya. Got it! Tama nga ako, ung sinasabi ni Joyce kanina sa resto ito na ba yun.
"Transformer? Robocap? Siguro pwede pa. Bakit may kinalaman ba ito sayo?" Tanong ko.
"I have identical personality, yung sinasabi ko na kambal ko hindi ko talaga siya kambal. Kasi ako siya at siya ay ako." Sabi niya. Ano daw? Parang mas lalo atang gumulo.
"What? Parang mas lalo atang gumulo. Paanong ikaw siya at siya ay ikaw? At papaano napasok ang robot sa usapan?"
Napasabunot siya sa buhok niya. Ramdam mo na gulong-gulo din siya.
"In time Charles! In time malalaman ko rin kung sino talaga ako. Kung sino talaga siya." Lumapit siya sa akin at tinap ang balikat ko.
" Una na ko sa room. Masyadong maraming nangyari ngayong araw na ito parang sasabog na ang ulo ko sa mga nalaman ko." Tumango lang ako. Lumakad na siya halata mong nalasing na siya di na kasi tuwid ang lakad.
Sinundan ko lang siya ng tingin. Nakakalito. Nalilito ako mas lalo pa kaya sa kalagayan niya ngayon. Sino si Night na boyfriend ni Joyce, sya kaya si Julian magkaiba ba sila ni Night.
Magpapalipas siguro muna ako dito ng oras tutal 10pm pa lang. Hirap kayang matulog kapag madami ka ding iniisip lalo pa kaya sa kalagayan ni Julian. Isa pa iniisip ko din si Joyce, nag-aalala ako sa kanya. Paano ko pa kaya siya mapapaibig kung hanggang ngayon may nagmamay-ari pa din ng puso nya. Ang kinakakatakot ko paano kung si Julian na pala ito. Kakayanin ko pa bang magpaubaya.
"I-ikaw ikaw si Charles Perez ng THIS BAND di ba?" Boses un ng babae, nilingon ko siya. Medyo madilim sa gawi niya hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya. Lumapit siya dito sa pwesto ko.
BINABASA MO ANG
MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0
FanficBased on the manga Absolute Boyfriend/ Jue Dui Darling. Dahil sa sobrang affected ako sa nangyari sa ending gagawa ako ng sarili kong ending. My Absolute Boyfriend 2.0. Mabubuhay kaya si Nighty? Magkakaroon kaya ng katapusan ang kanilang naudlot na...
