I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
Chapter 29 Part 2- I won’t give up
-===Joyce POV===-
“ Oppa J.A. started to be sungit uli.” Si Aica. Uli it means masungit talaga siya. Mukhang tama yung sabi ni Mam Saavedra about Sir JA.
Nakasabay ako ngayon sa car ni Charles ihahatid na raw niya ako para malaman niya kung saan ang bahay ko. Alam ko naman at ramdam ko ang pagkagusto sa akin ni Charles hindi naman ako manhid sa ngayon hindi tulad noon kaya hindi ko man lang nalaman ang pagkagusto sa akin ng bestfriend ko.
Paktay lowbat na pala CP ko. Paranoid pa naman yan si Zongshi lalo na kung malalaman niya na nandun ako sa condo ni Sir Saavedra na kamukha ni Night ko maghapon. Malamang nito hinahanap na ako ngayon nun. Kailangan ko ng tawagan si Belle para ipaalam na pauwi na ako para hindi na rin mag-alala si Zongshi sa akin.
“Charles, can I borrow your phone? Dead na kasi phone ko. Tatawagan ko lang si Belle”
“Sure.” Sabay abot niya ng phone niya sa akin.
“Hello Belle.” Si Belle ang tinawagan number pa lang niya ang nakakabisado ko sa ngayon.
“Hello. Who you?” sagot ni Belle sa kanilang line. Text ba ito.
“ Si Joyce ito.”
“Yes Beh, ikaw pala? New number mo?” beh??? Ano pinagsasabi ni pinsan.
“ Nakigamit lang ako ng phone kay Charles, nalowbat na kasi CP ko. Sino si Beh?” tanong ko sa kanya.
“ Oo naman namiss na kita. Kailan ba uli tayo magkikita?” sabi uli ni Belle. Hala ano daw? Ako ba talaga kausap niya.
“Ako ba kausap mo? Napatawag ako para ipaalam sa inyo na pauwi na ako, para hindi mag-alala si Bestfriend.”
“I love you too Beh. I miss you. Bye, see you next time pagbalik mo. Mhuaaaa” sagot uli ni Belle ano ba nangyayari sa kanya. Nababaliw na ata pinsan ko.
“Hello Belle??” haist pinatay na niya. Topak talaga ang babae na yun ano kaya nangyari dun hindi makausap ng matino kung ano-ano pa pinagsasabi may nalalaman pa na I love you too at mhuaa and ang BEH term niya eww…
“Dito na ako Charles.” Tinuro ko yung apartment na inuupahan namin.
“Kayo lang ba ni Belle ang nakatira diyan?” tanong niya
“Nope with my Bestfriend din.”
“Si Zongki ba yun?”
“Si Zongshi hindi Zongki.”
“Ahhh bakit? Dyan din siya nakatira?” tanong uli niya interrogation ba ito.
“Ako lang kasi ang kilala niya dito sa Pinas and okey na rin yun atleast may kasama kami na guy sa bahay.”
“Sabagay. Hindi ka ba niya???” tanong niya uli pero pinutol niya. Inantay ko ang susunod na sasabihin niya pero wala na.
“Ano yun Charles?” tanong ko na lang sakaling sabihin niya ang naudlot na sasabihin niya sana.
“Ahh wala, sorry nakalimutan ko kung ano yung sasabihin ko hehehe” ngiting tawa niya na lang kahit na alam ko may something siya na gusto niyang malaman at itanong sa akin.
“Sige, pasok na ako sa loob. Mag-inggat kayo?” tinignan ko si Aica sa tabi ko napasarap ata ang pagkakatulog, tumango si Charles. Pero bago ako tuluyang makababa parang may narinig ako na pabulong na sinabi ni Charles.
“I won’t give up on you coz I love you.” Gustuhin ko man na ipaulit sa kanya ang narinig ko, palagay hindi na dapat. Ano naman kasi ang isasagot ko kung saka-sakali? I know nagpromise ako kay Night na never been fall in love again pero palagay ko, I started to fall in love again. Haissttt
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-
Author’s Note Uli:
Part 2 na ito may kasunod pa part 3 naman last part na for this Chapter. Trip ko lang na ganito gawin . Umuulan sarap matulog but kailangan matapos this chapter. Wala lang may masabi lang sa A/N ko… hehehe :P
Kanino inlove si Joyce? Kailangan pa bang itanong yun syempre kay Night. Awwwww….
BINABASA MO ANG
MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0
FanfictionBased on the manga Absolute Boyfriend/ Jue Dui Darling. Dahil sa sobrang affected ako sa nangyari sa ending gagawa ako ng sarili kong ending. My Absolute Boyfriend 2.0. Mabubuhay kaya si Nighty? Magkakaroon kaya ng katapusan ang kanilang naudlot na...