Spoiler Short Chapter- Time Machine

203 6 2
                                    

★Joyce POV★

Kung magkakaroon lang sana ako ng Time Machine maraming mga pangyayari na gustong-gusto kong balikan. Hindi sa may mga bagay ako na pinagsisihan kaya gusto kong magbalik at itama ito. Gusto kong bumalik sa panahong kapiling ko pa si Night ung mga panahon na kasama ko siya yung feeling na secured ka sa mga yakap niya, mga panahong masayang-masaya kami. Kung maibabalik ko lang talaga. Miss ko na siya My Knight, my saviour, my hero.......

-=====--

2 Years later

"Nasa labas na yung bride. Zongshi lumakad ka na sa altar."

"Kinakabahan pa rin ako." -Zongshi

"Naku wag ka na nga dyan kabahan konting oras na lang magiging asawa mo na siya."

Bumukas na ang pinto tanaw ko na. Si Zongshi nasa harap ng altar nakasuot ng kulay puting americana. Mas lalo siyang naging attractive at mas naging handsome sa paningin ko. Nababakas sa kanya ang kaba at kasiyahan ng nakita ako. Maski ako kinakabahan din kaya. Ganito pala ang feeling kahit na second time ko na itong ginagawa. Yung feeling na parang pagkahaba-haba ng nilalakad mo patungong altar. Masaya ako sobrang saya sa mga oras na ito. Ito ang isa sa mga bagay na pinapangarap ko.

Kasabay nito ang awiting "Ikaw" ni Yeng Constantino. Pinag-awayan pa kaya namin ni Zongshi ito. Gusto niya yung song na "Dadalhin" sabi ko sobrang gasgas na marami ng may theme song sa wedding nila yan at isa pa may kakilala akong nagkahiwalay na iyan ang ginawang themesong sa kasal, natakot baka mangyari din, kaya ayun nanalo ako sa gusto ko.

♪♩Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip isip ko
Hindi ko mahinto pintig ng puso
Ikaw ang pinangarapngarap ko
Simula ng matanto na balang araw iibig ang puso♩♪♩

Kita mo yung lalaking yun napakaiyakin. Nababaduyan daw sa themesong pero nung tinugtog na umiiyak naman.

♪♩Ikaw ang pagibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo’y nandito na ikaw
Ikaw ang pagibig na binigay sa akin ng may Kapal
Biyaya ka sa buhay ko, ligaya’t pagibig ko’y ikaw
Humihinto sa bawat oras ng tagpo
Ang pagikot ng mundo, ngumingiti ng kusa aking puso♬♩♪

Bakas sa mukha ni Zongshi ang galak ng makita na niya ako. Walang mapagsiglan ang saya ko at sa wakas konting minuto na lang may happy ending ng magaganap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon