☆Charles POV☆
"Si Night Tenjo ba si Julian na bestfriend ko?" Eto na, minsan talaga may mga katanungan tau na kailangan ng kasagutan pero ung sagot sa tanong mo na pinakaayaw mong marinig.
Isang tipid na pagtango ang nakuha kong sagot buhat kay Joyce. Kasabay ng paglalim ng gabi ang pagkahulog ng diwa ko sa kawalan. Buhay nga talaga masyadong mahiwaga.
"Hindi mo ba tatanungin kung paano nangyari yun o alam mo na ang sagot?" Tanong niya sa akin na nagpabalik sa malalim kong iniisip. Tumingin ako sa kanya, isang malungkot na Joyce ang nakikita ng mga mata ko.
"Mahal mo pa rin ba sya?" tanong ko sa kanya imbes na sagutin ko ang nauna niyang tanong. Tumingin na siya sa akin. Tama pa bang tanungin ang isang obvious na sagot na magpapawasak lamang ng puso ko.
"Kung 'sya' na Night o 'sya' na Julian ang tinutukoy mo..." sagot niya hindi ko masyadong narinig ang mga huling pangungusap na sinabi niya. Hindi ko lang ba narinig o ayaw ko lang pakinggan.
Nakatingin lang ako sa mga mata niya na unti-unti nang bumabagsak ang mga luha. Patuloy pa rin siya na nagsasalita pero wala na akong naririnig pa. Pinagmamasdan ko ang bawat buka ng bibig niya, kinakabisado ko ang bawat hugis at angulo ng parte ng mukha niya na para bang alam na ng puso ko na, huli na ito, tama na, hanggang dito na lang hanggang ngayon na lang ito.
"Charles?!"
"Huh!" Ang pagtawag niya sa pangalan ko ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.
"Ayos ka lang ba?"
"Ayos lang ba ako? Siguro? Hindi ko alam kung ayos lang ba ako." Sagot ko na bakas sa mukha niya ang pagkalito.
" Charles, naman ei!!! Nakakainis ka hindi ka naman ata nakikinig ei" na lalong nagpaiyak sa kanya "naintindihan mo ba ang mga sinabi ko, nalilito na ko hindi ko na alam kung ano ng gagawin ko. Ikaw lang sa ngayon ang alam kong makakatulong sa akin." Naiintidihan? Kung sabihin ko kaya na ulitin niya yung sinabi niya kanina baka naman lalo lang syang umiyak. Ano nga ba kasi yung sinasabi niya kanina?.
"Ano na?!" Tanong niyang muli sa akin. Tumango na lang ako sa kanya kahit na walang kasiguraduhan kung ano ang ibig sabihin ng pagtango ko na iyon.
Nagulat na lang ako ng niyakap na niya ako. "Salamat Charles!"
Syete!!! Ano naman ba itong pinasok mo Charles? Para akong sundalo na sumugod sa giyera na wala namang dalang armas. Ano ba kasi yung request nitong si Joyce?! Bahala na nga.
☆Joyce POV☆
Medyo nakahinga na ako ng maluwag. Salamat naman at may nasabihan na ako at makakatulong pa sa akin. Blessing in disguist talaga si Charles sya siguro ang guardian angel ko.
BINABASA MO ANG
MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0
Fiksi PenggemarBased on the manga Absolute Boyfriend/ Jue Dui Darling. Dahil sa sobrang affected ako sa nangyari sa ending gagawa ako ng sarili kong ending. My Absolute Boyfriend 2.0. Mabubuhay kaya si Nighty? Magkakaroon kaya ng katapusan ang kanilang naudlot na...
