Chapter 31.2- Miss ko...

189 4 4
                                        

Chapter 31.2- Miss ko...

JOYCE P.O.V.

Paghinto ng taxi sabay abot ng bayad, hindi ko na kinuha ang sukli ko ang mahalaga sa akin ngayon ang makarating kung nasaan si Charles. Matapos kong hingin ang room number nya, hintay sa pagbukas ng elevator pero bakit ang tagal naman. Tinignan ko ang relo ko nakaka-15 minutes na ko.

"OOOH NOO..."  napatingin sa akin ang mga taong nag-aantay din ng elevator dito sa my lobby ng hospital. 3rd floor lang naman yun maghahagdan na lang ako. Kumaripas ako ng takbo makarating lang sa may hagdan, hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng energy sa pagtakbo dahil mabilis kong narating ang 3rd floor buti na lang nasa bungad lang ang room niya. Wala ng katok-katok binuksan ko ang pinto ng malakas na nakakuha ng attention ng mga tao sa loob ng kwarto. 

Lahat sila nakatingin sa akin malibang na nga lang sa taong pinunta ko talaga dito sa hospital. Tumakbo ako sa kanya hinarap ko siya sa akin. Pero pagharap ko sa kanya bigla ko na lang siyang niyakap ewan ko ba, bakit ko ginawa ito. Natatakot lang siguro ako sa maaring mangyari kung totoo ngang gagawin niya iyon. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiiyak na pala ako. Naramdaman ko ang mga kamay niya na humaplos sa buhok ko. Sa mga hindi nakakilalang tao na makakakita sa amin ngayon iisipin nila na magkasintahan kami. Natatakot ako na naiinis para sa kanya, hindi magandang biro ang kamatayan. 

"Pss,, don't cry. Sorry if i text you like that, gusto lang kasi talaga kitang makita. Sobrang namimiss na kita." bulong niya sa akin. 

"Gusto mo ako na ang pumatay sa'yo?" sagot ko na pabulong din. Naramdaman ko na bumitaw ang yakap niya sa akin. Nagbibiro lang naman ako siya lang ba ang may karapatang magbiro.

Tinignan niya ako. Nginitian ko naman siya, gumanti na rin siya ng ngiti sa akin. Kawawa naman ang pretty face ni Charles daming blackeye putok pa ang labi. Grabeng trouble siguro ang ginawa ng lalaking ito. Speaking of trouble na saan na ba ang wallet ko, ang wallet na makasalanan. Siya ang may kasalanan kung hindi ba naman siya tanga hindi siya nagpalaglag sa kotse pa talaga ni Charles nakita tuloy ang ebidensya ng aking pagmamahal kay Night na akala niya si sir J.A. 

Ay, may ibang tao pala. Sino ba itong magandang nilalang na nakatingin sa akin. Bukod pa pala kay Aica may mas gaganda pa pala sa kanya. Pang super model ang babae. Hindi kaya girlfriend ito ni Charles malabong magpinsan wala akong nakikitang pagkakahawig nila. Ngumiti ang babae  sa akin kasi ba naman grabe ko siyang tignan, nagagandahan talaga ako sa kanya. 

"Unnie Joyce, si Unnie Summer pala." pakilala ni Aica

"Girlfriend siya ni Julian." sabat naman ni Charles. Ayy, bakit ganun parang naiwan sa mind ko yung salitang girlfriend. GIRLFRIEND SIYA ni JULIAN. Siya pala si Summer. Oh Mr. Heart bakit parang may tumutusok sa'yo.  Pilit kong ngumiti at binigay ang kamay ko sa kanya para makipag-shake hands. Ang ganda ni Summer walang panama sa cuteness ko, ano ka ngayon Xiaofei kanina lang sinasabi mo na mahal mo si Sir yun naman pala taken na and ofcourse mahal niya ito, perfect girlfriend na si Summer pareho silang perfect.

"Hahahaha" hala tumawa ako ng malakas, Pinagtinginan nila akong tatlo. Bakit ba gusto ko itong itawa, masama ba yun.

"Unnie anong nakakatawa?' tanong ni Aica

"Wala natatawa lang ako sa mukha ni Charles mukha na siyang ganster. ahahahha." tama ba ginagawa ko makakuha lang ng alibi pinagtawanan ko pa si Charles, dapat nga maawa ako sa kalagayan niya ngayon. Magsasalita sana si Charles nagpaalam ako na pupunta lang ako ng C.R. dumiretso akong labas ng pinto kahit na may CR naman sa kwarto. Sa ibang CR na lang ako baka humagulgol pa ako tapos marining pa nila tapos tatanungin kong anong problema ko ei kanina lang humalakhak pa ako ng tawa pang mental hospital na ang labas ko nito, mabilis na nagbabagsakan ang mga luha ko pagkalabas ko. Luha malamang ito ng pagkatalo, hindi pa man kasi ako nagsisimula talo na agad ako. Oo, na insecure na talaga ako sa kanya. Bakit ba kasi ang ganda-ganda nya bonus factor pa na girlfriend siya ng lalaking mahal ko na. Dun ako insecure sa nalaman ko na pagmamay-ari na niya si Julian ng puso ko.

10 minutes din yata ako tumagal dito sa loob ng CR. kailangan ko ng bumalik baka isipin nila na umuwi na ako agad ei kararating ko lang. Nakakahiya din sa Girlfriend ng Boss ko isipin ko pa lang ang salitang gf nadudurog na ang puso ko. Kakameet lang namin baka isipin niya na binabastos ko na siya. Bago ako pumasok naalala ko nagtext din pala si Sir Julian sa akin kanina hindi ko na nabuksan dahil sa death threat message ni Charles kanina. 

 Hi Ms. Guan, Punta ka dito sa condo. Miss ko na ang luto mong tinola. Thank you kagabi :-) Si Sir J.A. ba talaga ang nagtext? May smiley pa sa dulo. Pinaglalaruan na naman ako ng tadhana, Kanina lang umiiyak ako tapos ngayon may nabasa lang ako na 'miss ko' parang pakiramdam ko na ako ang namimiss niya hindi ang tinola ko napapangiti na naman ako. Oopss.. andyan pala si GF anong karapatan kong ngumiti. 

Magpapaalam na muna ako kay Charles puntahan ko muna si Sir para makapagluto ng 'miss na' niyang tinola ko. Alalamin ko na rin kung okey na ba ang pakiramdam niya.

"Guy's una na muna ako, Charles babalik din ako after ng task na pinapagawa ni Boss ko. Wag na wag mo na uling gagawin na biruin ako sa text kung hindi ako gagawa nun para sa'yo." nagkatinginan ung dalawang babae hindi nila alam kung ano ang tinutukoy ko. Hindi ako masyadong makatingin sa kanilang tatlo baka mahalata pa nila na galing lang ako sa iyak.

"I'm afraid my Joyce. " sabay ngiti ni Charles na kinakunot naman ng noo ng batang si Aica.

"Are you guy's into in a relationship?" tanong ni Summer sa'min ni Charles. Napatingin ako kay Charles nagulat ako sa tanong ni Summer.

Ngumiti muna si Charles bago sumagot.  "SOON! Aray ko." si Aica sinuntok lang naman si Charles sa braso. Syempre ba naman nasasaktan ang bata kung ako man un harap-harapan sabihin ng taong mahal mo na may iba siyang gusto hindi ba masakit katulad ng nararamdaman ko ngayon nasasaktan ako, sana nga si Charles na lang ang tinibok nito wala sanang problema.

"catch... " sinalo ko ang hinagis ni Charles. Ohh myy precious wallet. " I know na the story behind that wallet. " ngiti lang ang naging sagot ko. Maganda na rin yun hindi ko na pala kailangan pang magpaliwanag sa kanya. Naikwento na siguro ni Aica.

"Anyway kung kay Julian ang punta mo sasabay sa'yo si Summer, magsabay na kayo para hindi ka na magtaxi." Ouch its hurt you know akala ko masosolo ko na si Sir J.a. uu nga pala may GF siya ano ang karapatan kong solohin ang hindi ko pagmamay-ari.

-=

=-=-=-=-=-

-=

Malapit na kami sa condo ni Sir, malapit na ang kamatayn mo Mr.heart masasaktan ka tiyak ng sobra.

"Wow ang tagal na rin parang wala pa rin pinagbago ang lugar na ito." sambit ni SUmmer pag-akyat namin sa taas. Nakashades siya, naka high heel, grabe pang model talaga ang katawan at ang buhok ang ganda-ganda bagay na bagay sa maganda niyang mukha.

Pagdating namin sa mismong door ni Sir J.A. magbubuzzer na sana ako.

"Wait, let me guess his code." pinindot niya ang codelock para sa pinto. Walang kahirap-hirap at nabuksan niya ang lock.

"WOW, it's still the same." rinig kong sabi niya. Same pa rin pala malamang yun pa rin kasi nga GF ka nya. Secret code siguro nilang dalawa yun. Ouch again, Nakakadami ka na Mr. heart dami ng vein ang nasasaktan sayo tama na tanggapin mo na kasi. Tuloy-tuloy siya sa loob na kabisadong-kabisado niya ang loob ng bahay tuloy-tuloy siya sa kwarto ni Sir J.A. ewan ko ba kung bakit itong malikot kong paa sumunod pa kay Summer.

Nanlaki ang mga mata ko. Kitang-kita ko ang paghahalikan nila, ang sakit-sakit naman nun. Umuulan ba bakit may tumutulo na naman na tubig. 

MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon