Trust is very important in a relationship. It is like a glass that when it is broken you cannot put it back.
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
Chapter 30 -Hidden Relationship
Charles Point of view
Sa tanong ni Aica kung nagdadate si Julian at Joyce. Bigla akong kinabahan lalo na may hawak itong picture. Kailangan ko bang sagutin ang tanong niya kasi kahit na ako hindi ko alam ang kasagutan. Hindi naman ako kayang traydurin ng bestfriend ko rule number 1 hindi niya kayanh sirain iyon.
Hininto ko ang kotse sa gilid ng kalsada to confirm something. Hinablot ko ang litrato na nasa kamay ni Aica na siyang kinabigla niya.
Parang huminto ang mundo ko. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Si Julian at si Joyce magkasama sa picture na ito. Kinuha ko ang wallet ni Joyce na nasa kandungan ni Aica. Hindi lang isang picture nilang magkasama kundi marami pa. Mukhang hindi sa Pilipinas ang kuha nila, may chinese word sa background. Anong ibig sabihin nito, matagal na silang may relasyon? Bakit nilihim nila sa akin ang lahat? Bakit nagkunwari silang hindi magkakilala.
"Oppa... i think Oppa JA and Unnie in a relationship." pagcoconfirm ni Aica sa iniisip ko. Obvious naman sa larawan nila na masaya sila, magkayakap. Parang nakatira pa sila sa iisang bahay sa mga kuha nila.
"Fucking shit. They are Liar. Bullshit..... P**ang ina nila pinaglaruan nila ako." I feel betrayed in this moment.
"Oppa, i'm scared." iyak na wika ni Aica, nagdidilim na ang paningin ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang galit. Pinagtaksilan ako ng parehong mahal ko.
Pinaghahampas ko ang manibela, malakas ang tunog ng busina ko, pinaghahampas ko ito. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Napakatanga ko sa paniniwala sa Bestfriend ko at sa babae kong mahal. Kaya pala ganun na lang ang tinginan nilang dalawa, napakatanga ko at hindi ko nalaman ang lahat.
-=-=-=-=-=
Joyce Point of view
Bakit ba bigla akong kinabahan. Ano kayang nangyayari? Kinuha ko ang CP ko sa bag para maicharge na ito. Buti na lang pagpasok ko ng bahay wala si Zongshi kasalukuyang nasa CR pala ito. Ang dami-dami namang tanong ni Belle sobrang mausisa wala naman ako maikwekwento sa kanya, nag-alaga lang naman ako ng may sakit tapos kinikilig na siya. Ako nga ang dapat magtanong sa kanya, ano ung pinagsasabi niya na 'BEH' kanina sa phone, ang weird nya lang.
Bakit parag may kulang, iniisip kong mabuti kung ano ang kulang dito sa loob ng bag ko. Paktay yung wallet ko, saan ko kaya nailagay yun. Hindi kaya naiwan ko… naku paano na yan. Kaya siguro ako biglang kinabahan nandun yung picture namin ni Night, lagot na kung sino man ang makakakuha nun malamang mapagkakamalan na si Sir J.A. ang nasa picture, super magkahawig kaya sila. Napaka… ko naman saan ko kaya naiwan yun. Pagdasal ko na lang n asana hindi na lang nila buksan ang wallet ko.
Baka nasa kotse ni Charles matawagan nga. Binuksan ko nalowbat kong cellphone okey na rin siguro ito nacharge na ng kaunti. Pagbukas ko mga ilang seconds lang may pumasok na message. Unknown number ito yung nagtetext sa akin nung isang araw pa, nung una napagkamalan ko pa na si Charles hindi naman pala. Babasahin ko ba, tawagan ko na nga lang muna si Charles pero parang may something na humihila sa akin na i-open ko muna ang message.
Alam mo yung pakiramdam na bigla kang kinabahan, sobrang bilis ng heartbeat ko, pinagpapawisan ako malamig naman dito sa room dahil dito sa nabasa ko.
“Come back here, stay with me tonight.- Julian”
Believe it or not I received a text message coming from Sir J.A. Siya palang ang may-ari ng number na ito, it means matagal na niya akong tinitext, ako naman si ewan walang pakialam na sagutin ang mga text messages buhat sa mga hindi ko naman kilalang number. Gawi ko na yun hindi ako nagrereply sa mga new number na hindi naman nakikipagkilala, mahirap na dami kayang manloloko sa mundo. What should I do now? Kanina lang pinapalayas ako tapos ngayon pinapabalik ako. Ano kaya nangyari hindi kaya lalong lumala ang sakit niya. Another text message ang nareceived ko but this time sa mom na ni Sir J.A. Katulad ng dati I need to stay with sir J.A. biglaan daw na nasa business trip sila sa Taiwan silang mag-asawa ,kaya sa akin muna uli ihahabilin ang kanilang only son. Wala na akong magagawa kailangan ko siyang puntahan. Pero isipin ko pa lang about sa tinext sa akin ni Sir JA. Bakit ba kinikilig ako??
Nakakamiss din ang Taiwan parang ang tagal ko ng nawala, pero bakit ngayon maisip ko lang ang salitang Taiwan hindi na siya ganun kasakit, hindi na ako masyadong nangungulila sa lalaking mahal ko, ito na kaya yun, tanggap ko na ang pagkawala ni Night sa buhay ko, kaya lang parang napakadali naman ata makapag-move on hindi kaya dahil parang kasama ko lang si Night ngayon kasi ba naman parang si Night si Sir JA, alam mo yung pakiramdam na parang may nagbalik, nagbalik ang dating love pero ngayon ko lang napagtanto sa sarili ko dahil sa halik na iyon. Naramdaman ko na umiibig na akong muli at this time sa lalaking ninakawan ko ng halik, MAHAL KO NA SI SIR.
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
Zai Notes:
Sorry po super bagal ng update ko. Last time nabanggit ko about my Lola na may sakit kaya hindi ako masyado nakakapag-update para maibigay ko ang libreng oras ko sa kanya, sad to say she rest in peace na last Tuesday. I know it so hard for me na wala na siya pero tuloy pa rin ang buhay kailangan magpakatatag para sa mga naiwan niya, kasama na siya ngayon ni Papa God sa heaven. I miss you Nanay.
Sa mga nag-antay ng update at sa lahat ng nag-follow maraming salamat po. Idedicate ko na lang po sa iyo previous chapter ko.
Ciao
BINABASA MO ANG
MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0
FanfictionBased on the manga Absolute Boyfriend/ Jue Dui Darling. Dahil sa sobrang affected ako sa nangyari sa ending gagawa ako ng sarili kong ending. My Absolute Boyfriend 2.0. Mabubuhay kaya si Nighty? Magkakaroon kaya ng katapusan ang kanilang naudlot na...
