“You can close your eyes to the things you do not want to see, but you cannot close your heart to the things you do not want to feel.”
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
Chapter 25- Sweet Girl or not???
>>>>> JOYCE POINT OF VIEW<<<<<
Umaga na pala hindi ko man lang namalayan kung anong oras ako nakatulog kagabi, sa pag-iyak ko at sa paghahantay sa pagbabalik ni Belle gusto ko malaman kung kamusta na si Zongshi, alam ko maling-mali ang inasta niya kagabi, isa pa tinapat ko na siya na hanggang magbestfriend lang talaga ang pwede kong maibigay sa kanya, mahal ko siya bilang isang kapamilya pero yung hinihingi niya na love I really felt sorry to him.
Makabangon na nga. Pero bakit wala pa rin si Belle sa higaan 6am pa lang naman hindi kaya?? Ugh, wag naman sana. Alam ko sinundan niya si Zongshi pero bakit wala pa rin sila ano kaya nangyari sa mga iyon? Lumabas na ako ng kwarto.
“Hi pinsan. Good Morning ^______^” bati kaagad sa akin ni Belle wow hah she’s blooming today, ano kaya ang meron. Napalinga ako sa paligid sa kusina hinahanap ko ang isang taong dapat ko ng makausap.
“Si Zongshi ba? Pumasok na sa work. Madami daw siyang hahabuling trabaho.” Sabi ni Belle na nakasmile pa. Alam niya agad ang itatanong ko. Tumango na lang ako, pinagmamasdan ko siya sa kusina, nagluluto tapos may lunch box pa na hinahanda, don’t tell me magbabaon siya ng lunch.
“Hindi para sa akin ito. Dadalhan ko ng almusal si Zongshi. Hindi kasi siya nagbreakfast bago umalis.” Nakasmile na ngiti ni Belle nabasa na naman ang iniisip ko, mukhang may something.
“Ahhh.. ei, musta na pala siya? Gusto ko sana siyang kausapin about sa nangyari kagabi.” Tinignan ako ni Belle.
“Ayun, he still inlove with you.” sa pagkakasabi niya nun parang lumungkot ang mukha niya. “Pero susubukan nya daw?”
“Susubukan nya??” tanong ko
“Susubukan niya na kalimutan ang love na nararamdaman niya sa’yo. Sa bandang huli natuto din siyang sumuko.” Sabi ni Belle. Mukhang marami na siyang alam kung ano man ang sitwasyon naming ngayon ni Zongshi.
“Pero Joyce, sa palagay ko. Wag mo muna siyang kakausapin. Magpalipas ka muna ng ilang araw bago mo gawin yun. Kaya nga maaga na siyang umalis para hindi ka raw niya makita.” Malungkot na sabi ni Belle.
“Ganun ba. Thank you.” Matagal ko naman na kasing sinabi kay Zongshi na ang mga bagay nay un, sige pa rin siya doble tuloy na sakit ang naibibigay ko sa Bestfriend ko. Sa part ko sobrang hirap din pero alam ko makakayanan din naming malampasan itong dalawa.
“Thank you para saan, kapamilya ko kayo kaya dapat support-support lang tayo. At isa pa yung simcard mo pala andyan na sa TV binalik na niya.”
“Mahal ka ni Zongshi dahil sa pagmamahal niya sayo kakayanin nya raw na subukang magpaubaya para sa ikasasaya mo. Katulad ng paguubaya niya dati kay Night yung EX mo ba yun?” tumango na lang ako, si Zongshi talaga, may kurot na naramdaman ako sa puso, nasasaktan talaga ako sa nangyari yung pakiramdam na para bang may mawawala.
“Isa pa Joyce. Pwede bang akin na lang si Zongshi?” toinks… bigla ako naubo sa pagkakasabi niya nun.
“ Ahhh ano ei? Hindi ko naman pagmamay-ari si Zongshi at magiging Masaya talaga ako kung sa’yo iibig ang bestfriend ko, para mas madaling maghilom ang sugat sa puso nya. Sa bagay na yan susuportahan kita Belle ^___^” tama itong sinasabi ko kahit na sabihin na nating rebound lang ang pinsan ko, palagay ko ito ang tamang action na dapat naming gawin. Ang subukang umibig sa iba ang pusong nasasaktan.
BINABASA MO ANG
MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0
FanfictionBased on the manga Absolute Boyfriend/ Jue Dui Darling. Dahil sa sobrang affected ako sa nangyari sa ending gagawa ako ng sarili kong ending. My Absolute Boyfriend 2.0. Mabubuhay kaya si Nighty? Magkakaroon kaya ng katapusan ang kanilang naudlot na...
