-=Charles POV=-
Matapos kong ligpitin ang pinag-inuman namin dito ni Julian dapat aalis na ako ei. Pero ewan ko ba parang may pumipigil sa akin na bumalik sa kwarto ko. May iniintay pa ba ako? Sa tanong na ito na double meaning para sa akin. May iniintay pa ba ako dito sa rooftop baka naman umaasa pa ako na bumalik yung weirdong sasaeng fans ko o mag-aantay pa ba ako sa pagbabalik ng babaeng matagal ko ng hinahanap. Joyce magbabalik ka pa ba?
"Charles" boses ni Joyce yun ah. Pero imposible baka guni-guni ko lang sya na naman kasi ang iniisip ko. Napatingin na lang ako dito sa malayo. Sarap ng hangin. Napapikit ako habang dinadamhi ang hangin ng Taiwan sa aking balat. Peaceful, tanging tunog ng mga sasakyan sa baba ang maririnig mo.
"Ch-charles!" Tawag muli sa akin. This time hindi na guni-guni ito. Yung boses nya. Isang babae lang naman ang nagpapatibok at nagpapakabog ng ganito sa aking puso.
Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko. Halos malapit na pala siya sa akin. Bigla akong napatayo. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Panaginip lang ba ito? Nagawa ko tuloy kusutin ang mga mata ko baka hindi ito totoo baka pagkamulat ko bigla na naman siyang mawala.
Pero totoo talaga, si Joyce nga ang nasa harap ko ngayon. Parang tumigil ang oras, huminto ang lahat ng ingay sa paligid. Nagfreeze ang hangin. Naramdaman ko na lang na yakap-yakap ko na pala siya.
"Nagbalik ka!"
☞☞☞☞☞☞
☆Joyce POV☆
Medyo awkward. Matapos niya akong yakapin kanina nandito lang kami ngayon sa rooftop makaupo pinapakiramdaman ang isa't-isa. Naweweirduhan ako sa sinabi ni Charles kanina na 'Nagbalik ka!' Yung boses niya punong-puno ng pag-aalala, pagkamiss.
"Sorry..." tanging nasabi ko. Ako na ang nagbasag ng katahimikan. Basta yung salita lang na yun ang tangi kong naisip nung nakita ko ang reaction niya kanina.
"Para saan?" Nakatingin na siya sa akin ngayon.
"Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo nung umalis ako noon." Ako ba naman kasi bigla na lang nawalang parang bula. Sobrang sakit na kasi nung mga panahon na iyon.
"Huwag mo ng isipin yun. Ang mahalaga nakita uli kitang muli. Kamusta ka na ba Joyce?" Kamusta na nga ba ako. Maski ako hindi ko rin alam ang sagot.
"Kamusta na kayo?" Tanong ko na lang hindi ko kasi kayang sagutin ang tanong niya.
"Okay naman kami. Hindi ko nga akalain na sisikat pala kami ng ganito. Hindi mo ba kami nababasa sa internet. Actually may concert kami bukas."
"Congratulations sa inyo."
"Salamat. Ikaw Joyce kamusta ka na? Mahigit isang buwan kang nawala Joyce. Dito ka na ba nakatira sa Taiwan." Tanong uli niya akala ko hindi na niya uli itatanong kung kamusta na ako.
Mahigit isang buwan na nga. Magkakababy na siguro sila Summer at Julian. Wala na din naman pag-asa kahit na nalaman ko o nalaman niya na siya si Night. Wala ng mababago hindi na din naman kami magkakatuluyan.
"Ah, hindi may dinalaw lang akong kaibigan. Lam mo naman dito ako dati nakatira. Namiss ko na din kasi sila." Sabi ko na lang hindi ko na naman sinagot ang tanong niyang kamusta na ba ako.
"Nakakamiss nga kung matagal kang nawala sa mga nakakakilala sayo. Bakit hindi ka na nagparamdam sa amin magmula nung umalis ka. Kailan nga ba yun?" Wari siyang nag-isip. " Nung kasal pa ni Julian yun. Iyon yung huli kong kita sa'yo after nun hindi ka na nagparamdam. Alam mo bang tinatanong kita kay Belle pero clueless siya kung nasaan ka na ba talaga ang alam niya nasa Taiwan ka daw hindi ka naman raw kumokontak sa kanila. Pinahanap kita dito sa Taiwan Joyce pero hindi kanila natagpuan." Seryosong sabi niya nakatingin lang siya sa mga mata ko na para bang naghahanap siya ng sagot.
☞☞☞☞☞☞☞Charles POV☞☞☞☞☞☞
Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Akala ba niya hindi ko ramdam na kanina pa niya iniiwasan ang tanong ko kung kamusta na siya. Alam ko na hindi siya okay. Dun lang sa nalaman ko tungkol sa pass niya pihadong hirap na hirap na siya sobra siyang nahihirapan katulad rin ni Julian. Tagal niya bago sumagot hindi ko binibitawan ang tingin ko sa kanya. May isang bagay lang ako na kailangan na maconfirm bago ko malaman kung tama nga ba ang hinala ko.
Bumitaw siya ng tingin sa akin.
"XIAOFEI" tawag ko sa kanya. Bigla siyang napatingin muli sa akin bakas sa mata niya ang pagtataka.
"Paano mo nalaman ang Chinese name ko?" Tanong niya. Napasmirk ako, confirm siya nga yung kausap nung weirdong babae kanina. Tama din yung mga nalaman ko about sa pass niya with Julian. Mapagbiro talaga ang tadhana ako pa talaga ang nakaalam ng sikreto ng babaeng pinakamamahal ko.
"Sorry pero sinundan kita kanina nung pumasok ka sa resto. Nakita kasi kita gusto nga sana kitang tawagin kanina baka kako hindi naman ikaw yun. Kaya sinundan kita tapos may tumawag sayo Xiaofei ang tinawag sayo." Sabi ko na lang. Sasabihin ko pa ba na may nalaman ako. Baka isipin nito na stalker ako.
"May narinig ka ba?" Biglang tanong niya sa akin.
"Meron."
Halata mo na namutla siya kahit hindi naman ganun kaliwanag dito sa rooftop.
"Alam mo na pala?" Sabi niya. Totoo pala lahat ng narinig ko kanina. Ito din yung sinasabi ni Julian na kambal niya pero siya din yun.
"Si Night Tenjo ba si Julian na bestfriend ko?"
☞☞☞☞
A/N:
Annyong! Short update po uli. Inaantok na ko. Thank you po pala sa nagmessage sa akin sa facebook. Late ko na nabasa. Thanks Dear nakapag-update tuloy akong bigla dahil sa sinabi niya.
This Chapter dedicated to you.
Ciao
Zai
©2014 by DreamOnZai
Vote & Comment so much appreciated.
BINABASA MO ANG
MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0
FanfictionBased on the manga Absolute Boyfriend/ Jue Dui Darling. Dahil sa sobrang affected ako sa nangyari sa ending gagawa ako ng sarili kong ending. My Absolute Boyfriend 2.0. Mabubuhay kaya si Nighty? Magkakaroon kaya ng katapusan ang kanilang naudlot na...
