CHAPTER 30 Part 2- Hindi naman kasi kita gusto...

291 8 1
                                    

CONTINUATION CHAPTER 29 PART 2 = HINDI KITA GUSTO

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

Charles Point of View

"Oppa, let's go home na." wika ni Aica. Nandito kami ngayon sa isang Bar somewhere in QC. Gusto ko lasingin ang sarili ko para makalimutan ko ang sakit ng pangloloko nila sa akin. 

"Umuwi ka mag-isa mo. Bakit ba buntot ka ng buntot sa akin, matagal ko ng sinasabi sayo na hindi kita papatulan kahit anong gawin mo." pinagtitinginan na kami dito sa loob. Yung iba nagbubulungan na malamang nakikilala ako. Hindi ko na kasi makuha pang magsuot ng disguise dahil sa mga oras na ito wala akong pakialam sa mundo. Ganito pala ang feeling ng broken-hearted ang saklap pa nito niloko lang nila ako. Alam ko wala pa ako karapatan kay Joyce pero alam naman ni julian ang nararamdaman ko kay Joyce. Bakit hindi niya sinabi sa akin na may nakaraan sila? Kaya pala ganun na lang kung tumitig si Joyce sa kanya, kaya pala…

“OPPA.” Si Aica tinignan ko siya, namumuo na sa mga mata niya ang butil ng luha, alam ko masama ang ginawa ko na sigawan siya, pero sa mga oras na ito wala na akong pakialam. Gusto kong sumigaw, magwala at makipag-away, gusto ko manuntok.

“ANONG INIIYAK-IYAK MO DYAN? UMUWI KA NA.” sabi ko muli.

“YOU’RE BAD OPPA.” Sigaw ni Aica tumakbo na siyang palabas. Hahabulin ko sana kaya lang nabangga ako ng isang lalaki ditto, nabasa ang suot kong shirt dahil dito, sinuntok ko siya, nagkaroon ng hiyawan sa loob ng Bar, gumanti ng sutok ang lalaki, dahil sa mas malaki siya agrabyado ako, may mga kasama pa siya na tumulong sa panununtok sa akin. Gumaganti rin naman ako pero wala na akong lakas dahil sa tama ng alak.

Suntok dito sipa dyan. Patuloy sila sa ginagawa nila, patuloy din ako sa pagganti. Sa mga tinamo kong ito ay hindi ko maramdaman ang tanging nararamdaman ko ang sakit dito sa puso ko. Mas masakit ang nararamdaman ng puso ko kesa sa sakit ng katawan. Bago ako mawalan ng malay narinig ko ang boses ni Aica binalikan niya ako hanggang sa dumilim na ang mundo ko.

-=-=-=-=-=-=-=

Zongshi Point of View

“Belle alis na muna ako.” Boses ni Xiaofei yun ahh, dumating na pala siya, san na naman kaya uli siya pupunta. Binilisan ko na ang pagbibihis para maubutan ko siya.

“Xiaofei!!!” sigaw ko. Paglabas ko wala na siya, si Belle na lang ang naroon.

“Si Xiaofei?” tanong ko kay Belle.

“Ahh ei…” hindi matuloy ni Belle ang sasabihin niya, parang may tinatago siya sa akin.

“Sabihin mo na kung nasaan ang pinsan mo.” Inis na wika ko.

“Si Joyce, bumalik kay Sir J.A. bilin ata nila Mrs. Saavedra hindi daw kasi makakauwi dahil sa Business trip kaya ayun si Joyce ang inutusan na mag-asikaso muna kay Sir.” Mahabang paliwanag ni Belle, pero hindi ako kumbinsido sa reason na iyon, wala ba silang ibang kamag-anak bakit pati si Xiaofei ko uutusan pa nila mag-alaga sa isang damulag.

“Bakit mo pinayagan? Saan ba ang condo ni Saavedra?” sa mga oras na ito gusto kong sumunod sa condo ng lalaki na iyon. Hindi maaring magsolo lang silang dalawa. Ayoko man isipin natatakot ako sa naiisip ko na nahuhulog na ng tuluyan si Xiaofei sa Boss niya.

“Akala ko ba gusto mo ng makalimot?” wika ni Belle, nakayuko siya may pumapatak na luha sa kanyang mga mata. “Tutulungan naman kitang makalimutan si Joyce. ZOngshi ako na lang kasi, tuturuan kita para mahalin mo ako.” Hikbing sabi niya. Nakaalala kong bigla ang nangyari sa amin nung isang gabi. Sobrang bilis ng mga pangyayari, masyado pang maaga para mabura si Xiaofei sa puso ko.

“Sorry Belle kung na mis-interpret mo. Pero si Xiaofei lang talaga ang mamahalin ko.” Tumingin si Belle sa akin, umaagos ang luha sa mga mata niya.

“Masyado pang maaga para magustuhan mo ako Belle. Hindi mo pa ako lubusang kilala. At isa pa hindi ganun kadali para makalimutan ko ang pagmamahal ko kay Xiaofei”

“Hindi naman kasi kita gusto Zongshi ei..” putol na sabi niya.

“Hindi mo naman pala ako gusto ei, bakit ka umiiyak?” hindi naman pala niya ako gusto.. hindi niya ako gusto.. mali pala ako sa akala ko. Akala ko siya na ang magpapabago sa nararamdaman ko kay Xiaofei. Akala ko siya ang makakatulong sa akin sa paglimot sa pagmamahal ko kay Xiaofei, may BEH na nga pala siya, ano pa ang aasahan ko. Magpinsan nga sila, bakit ako nalulungkot? Si Xiaoei kailangan kong sundan mahirap na baka tuluyan na talagang mawala sa akin si Xiaofei, ano ba ito naguguluhan ang nararamdaman ko?

“-ei kasi hindi naman talaga kita gusto Zongshi kasi MAHAL NA KITA. MAHAL NA KITA ZONGSHI kahit na alam kong magiging panakip butas lang ako, tanggap ko yun. Handa akong maghintay para mahalin mo rin ako.” Sabi niya tuluyan na siyang napayuko, nahihiya siguro ang cute niyang magblush. Masaya ako  sa nalaman ko, may nagmamahal din pala sa akin. Akala ko titigil na ang mundo ko kay Xiaofei, tama si Belle dapat ko na nga na ibaling sa iba ang pagtingin ko. Gusto ko naman si Belle ei, kaya lang naduduwag pa ako na tanggapin ang katotohanan na gusto ko rin siya, kasi ba naman si Xiaofei pa rin ang tinitibok ng puso ko.

“Tanggap ko Zongshi kahit na rebound lang ako. Tutulungan kita namahalin mo rin ako. Subukan natin dalawa.” Tumingin siya sa akin, lumapit ako sa kanya at tuluyan ko na siyang niyakap.

“Talaga mahal mo ko?” kahit nakakahiya man ipaulit ko pa sa kanya ang sinabi niya kanina, ei bakit ba gusto ko pa rin marinig ngayon.

“Oo, mahal kita ZONGSHI YAN kahit na may Joyce pa dyan sa puso mo, mahal pa rin kita.” Hinigpitan din niya ang yakap niya sa akin, sa mga oras na ito parang nakalimutan ko na ang dapat kong gawin, parang huminto ang mundo ko, at sa mundong ito kami lamang ni Belle ang nag-eexist.

--=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

A/N:

Hi Watty Frends, sorry about last time super ikli ng update. Ito po ung continuation nung last chapter. Thank you sa new followers.

Ciao

MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon