Chapter 39 Part 1- Night01

168 8 3
                                    

"In case you never get a second chance: don't be afraid!"

"And what if you do get a second chance?"

"You take it!"

-=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=

J.A. POV★

Nung inabot sa akin ni Wuwu ang files, nag-aalangan pa ako kung bubuksan ko ba. Privacy na rin kasi ito ng girl pero dahil curious ako kay Xiaofei sige na nga. Iba kasi ang pakiramdam ko nung marinig ko ang pangalan niya. Arg! Ewan i can't explain. Guan Xiaofei her real name. Guan?? Isang tao lang ang nagpapaalala sa akin kapag narinig ko ang kanyang surname.

Si Ms. Guan. Ang taong miss na miss ko na. Nasan na kaya siya ngayon? Kung mabibigyan lang talaga uli kami ng pagkakataon na magkitang muli. Hindi na ako matatakot, aaminin ko na. Sasabihin ko na, na mahal na mahal ko siya. Matagal din ako nangulila sa pag-alis niya. Gusto ko siyang hanapin kaya lang may mga personal na bagay muna akong dapat isaayos.

Katulad na lang ng pagkawala ni Summer, nalungkot din ako ng nawala siya minahal ko rin naman ung tao kahit papaano, alam ko napasaya ko siya sa natitirang araw niya dito sa mundo.

Ang pagsikat ng grupo namin na 'THIS BAND' naging sobrang busy na rin kami, sila Mommy na lang uli ang nagtake-over sa company, mas okay na rin kasi yung ganun dahil baka kapag nandun lang ako sa office ko, maalala ko pa si JOYCE.

Ang big news rin na nakapagpabago sa pagkatao ko ay ang pagkakadiscover ko ng totoong ako, hindi bilang si Julian Saavedra kundi bilang si Night Shirisaki ang totoong ako. Kahit na until now wala akong matandaan sapat na rin kasi yun ang sinasabi ng puso ko. Ang weird lang di ba wala naman sa puso ang utak pero may something ito na kahit ang isang taong ubod ng talino natatalo pag dating sa dikta ng puso.

Binuksan ko ang files. Si Joyce yung nasa picture. Impossible! Tinitigan ko ng maigi, si Joyce nga, my Joyce she have a short hair and a pretty smile as usual. Ito ung gustong-gusto ko sa babaeng ito. I want to see her smile once more.

Tinignan ako nila Wuwu and Yuki. Naguguluhan siguro dahil sobrang tagal akong nakatitig sa picture. Pero pwede naman siguro na magkamukha lang sila ni Joyce ko.

"NO! NOT HER" sabi ko. Imposible ei, malabong pumatol ang Joyce ko sa isang weirdong kasunduan. Hindi naman siguro siya ganun ka desperate para maghangad ng isang robot boyfriend kaya sobrang imposible. Si Joyce pa ang pagkakaalam ko nanliligaw sa kanya ung bestfriend niya tapos idagdag pa itong si Charles na patay na patay sa kanya. Kaya sobrang imposible talaga. Utak wag ka mapilit hindi siya yan.

"Kuya kilala mo siya?" tanong sa akin ni Yuki. Nagulat siguro sa reaction ko.

"No, kamukha lang siya ng taong kakilala ko kaya imposibleng siya yan. Isa pa magkaiba sila ng pangalan."

"Akala ko kilala mo siya kasi ung reaction mo kanina nag-iba." sabi ni Wuwu.

"Nasan na ba siya ngayon?" patukoy ko sa babaeng nasa larawan.

"Nung matapos ung accident ang alam ko nagpunta siya ng Philippines. May mga kamag-anakan daw siya dun pero after a year nalipat siya sa Hongkong. Buti nga nacontact namin siya uli. I think dapat din niya malaman ung real story ni Night kasi sobra niyang minahal ito and better na rin kung makilala mo siya Kuya." sabi ni Yuki na lalong nagpakabog ng dibdib ko. Philippines? Coincidence lang ba yun? Ayoko ng iniisip ko. Hindi naman sana siya yun. Lalo tuloy akong naghahangad na makita itong si Guan Xiaofei.

"Kailan ko siya makikilala?" tanong ko.

"Ang alam ko today yung flight niya dito. Baka maya-maya lang nandito na siya." sagot naman ni Wuwu.

MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon