CHAPTER 37 - Second Chance

137 3 0
                                    

" My whole story is just about me having a second chance."

----

★ JOYCE POINT OF VIEW★

" Xiaofei, excited na ko." sabi ni Ana na nagniningning ang mga mata habang hawak-hawak ang magazine na binili niya bago kami sumakay sa airplane. Papunta kami ngayon sa Taiwan, sumama siya sa akin ng nalaman niya na pupunta ako ng Taiwan. Timing daw kasi pupunta ung favorite band niya ang "THIS BAND" . Laro nga ba ito ng pagkakataon timing naman ang pagbalik ko sa Taiwan papunta pala dun ang banda nila ___.  Erase... Erase... bakit ba tuwing maiisip ko siya sumasakit ang isang bahagi ng aking puso.

Binuklat niya ang page na ang article about sa THIS BAND. Sikat na talaga sila, marami na rin ang nakakakilala sa kanila. Katulad ng kasama ko ngayon na number 1 fan daw ng THIS Band at president ng fansclub sa Singapore ni Charles. Kaya nga hindi rin siguro ako makapagmove-on kasi ba naman itong si Ana sa araw-araw na pagkikita namin walang bukang bibig kundi ang THIS BAND sobrang updated sa lahat ng bagay tungkol sa THIS BAND. Mas marami pa yata siyang alam about sa kanila kesa sa akin, kung tutuusin mas kilala ko ang THIS BAND personally.

Napatitig ako sa bahagi ng pahina na may larawan ni Julian.

"Umiiyak ka?" tanong ni Ana. Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang luha ko. Kasi ba naman sa pagbabalik tanaw ko sa nakaraan.

"Hindi ah! Sa lamig siguro dito sa eroplano nairritate ung mata ko." pagsisinungaling ko.

"Ah! Basta sama ka sa'kin sa concert. 2 tickets ung pinareserved ko VIP pa with backstage pass. Ehhh, excited na talaga  ako. Atlast makikita ko na rin sila." wika ni Ana. Bahala na kailangan ko magpalusot dito sa babaeng ito hindi ako dapat makita nila. Lalo na si Julian ayoko na muna siyang makita. Sa stage na ito na sobrang gulong-gulo pa ang isip ko. Sa sinabi lang ni Wuwu na sobrang nagpapabagabag sa 'kin. Si Night? Makikita ko ba uli si Night?

-----

★3rd person POV★

" Where are you going?" Si Manager Luo. Kadarating lang ng THIS BAND sa Taiwan.

"Somewhere, personal affair Manager. Don't worry i'll be back after an hour. Take a rest. Bye."

"But Julian.." hindi na tinapos ni Julian ang sasabihin ng kanilang Manager dali-dali siyang lumabas.

Hinanap niya ang address na binigay ng mommy niya. Kinakabahan man kailangan niyang harapin ang katotohanan. Katotohanan na bahagi ng kanyang pagkatao.

Sobrang dami ng tao sa Lobby. Katulad lang ng nangyari sa airport kanina pagdating nila muntik na magkaroon ng stampede sa daming nag-aabang sa kanila. Sikat na nga ba sila? Hanggang ngayon hindi pa rin sila makapaniwala sa naabot ng banda nila. Nag-disguise siya para makalabas sa hotel.

Binaba siya ng taxi driver sa address na binigay niya kanina. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng pagpunta niya dito.

Shirisaki Residence

"Shirisaki! Name sounds familiar." wika ni Julian sa kanyang sarili. Nag-doorbell siya.

"Sino yan?" sabi ng taong sumagot sa cctv speaker.

"Julian Saavedra, i'm looking for Yuki Shirisaki." sabi ni Julian.

"Young Master, he's here." Sabi ng kausap niya kanina. Maya-maya bumukas ang gate. Bumungad sa kanya ang napakalaking bahay, bahay nga ba o mansyon. Parang Villa nila sa Philippines.

Bumukas ang pinto ng bahay lumabas ang isang binata nasa early 20's ata ang edad at mejo may kaidaran na rin na lalaki nasa 40's siguro ang edad. Pamilyar siya sa binata parang may similarity sila sa isa't-isa.

Makikitang masayang-masaya ang kanilang mga aura. Mangiyak-ngiyak pa ang binata. Lumapit ito kay Julian at niyakap siya.

"Kuya."

♥♥♥♥♥♥♥♥♥

MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon