Chapter 27- Kiss activated...

334 9 4
                                        

"I’ve kissed a guy... I’ve kissed guys. I just haven’t felt that thing.... That thing... that moment when you kiss someone and everything around you becomes hazy, and the only thing in focus is you and this person. And you realize that that person is the only person you’re supposed to kiss for the rest of your life. And for one moment you get this amazing gift. And you wanna laugh and you wanna cry, ‘cause you feel so lucky that you’ve found it, and so scared that it’ll go away all at the same time."

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

CHAPTER 27- Kiss activated...

<<<< J.A. POV>>>>

Naalimpungatan ako nung may humawak sa noo ko. Nagkunwari na lang akong natutulog. Nang naramdaman ko na paalis na ito, binuksan ko ang isang mata ko sinilip ko kung sino. Hindi nga ako nagkakamali si Joyce nga. Napatingin ako sa side table ng bed ko, may pagkain pala siyang dala, ang amoy na yun tinolang manok, parang bigla naman akong nagutom. Siguro kanina pa niya ako ginigising hindi lang talaga ako magising. Narinig ko ang mga yapak niya pabalik siya dito sa kwarto ko, nagkunwari na lang uli akong tulog. 

Naramdaman ko ang isang malamig na tela na humahaplos sa noo ko, pinupunasan niya ako sa sobrang init ko siguro. Feeling ko nasa 40 degree ang lagnat ko sobra akong ginaw na ginaw, napakainit pa ng pakiramdam ko.  Yung punas niya lumipat sa magkabila kong pisngi pero bakit para siyang nahinto sa ginagawa niya.

Naramdaman ko na lang na may humalik sa labi ko. Sinilip ko kung tama nga ba ang hinala ko. Si Joyce nakapikit habang dinampi niya ang kanyang labi sa labi ko. Pumikit na lang ako uli, pinakiramdaman ko ang sarili ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, pati pagtibok ng puso niya naririnig ko. Gusto ko ang halik niya na iyon, gustuhin ko man tugunin ang kanyang pagnakaw ng halik sa akin, hindi ko magawa. Baka mapahiya siya kapag nalaman niya na gising pala ako. Naramdaman ko na lang na tumakbo siya palabas sa kwarto ko. Ano ang nasa isip ni Joyce bakit niya ako hinalikan? Pinakiramdaman ko na lang kung babalik pa ba siya. Pero hindi na kaya ng mga mata ko, unti-unti na naman akong napipikit.

Sa halik ng isang babae nagkaroon ako ng buhay naactivate ang data ko para maging ideal lover . Pagmulat ng mga mata ko.

 

Loading data.........

 

MATCH

 

"Nabuhay ka? You been activated." sabi ng babaeng nasa harap ko ngayon.

 

 

"Nice to meet you. Please give me your guidance My Darling." 

 

Naramdaman ko na lang na may tumatapik sa akin, ginigising ako.

MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon