Chapter 28- Xiaofei

389 9 4
                                        

"Memory is a way of holding onto the things you love, the things you are, the things you never want to lose. "

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

<<< CHARLES POINT OF VIEW>>>

“Oppa! Kanina ka pa hindi mapakali dyan. Hindi na kayo nakapag-practice.” Paninita ni Aica sa akin.

“Charles, may problema ba?” si Patrick, ang kukulit din nila panay ang tanong. Ei sa hindi nga ako mapakali, kanina pa si Joyce umalis hindi pa rin bumabalik.Kanina pa nga ako pabalik-balik sa labas. Akala ko makakasabay ko siya sa lunch hindi rin naman pala. Ito namang si Aica kanina pa ako kinukulit siya na nga ang nakasama ko sa lunch kanina pati ba naman dinner gusto sabay pa kami.

“Tuloy na lang natin practice bukas? Baka nandito na si J.A.” si JP.

“Sige bukas na lang may pupuntahan pa kasi ako.” Pagdadahilan ko na lang ang totoo niyan hahanapin ko si Joyce. Kanina ko pa siya tinatawagan hindi naman sinasagot ang phone, si Julian naman nakapatay ang C.P. sa condo lang naman ni Julian pupunta si Joyce, past 3 na wala pa rin. Baka kung ano na nangyari sa kanya.

“Oppa, san ka pupunta sasama ko.” Kinawit na ni Aica ang braso niya sa braso ko. Parang wala ako freedom today, bakit ba naman kasi ganito itong batang ito. Matagal ko ng sinabi na little sister lang ang tingin ko sa kanya. Mapilit pa rin, hindi ko lang daw pa narerealise na siya ang nakatadhana  para sa akin.  Hindrance nga siya sa mga girls na nagkakagusto sa akin dati madalas niyang sugurin at I claim na siya ang girlfriend ko. Natahimik lang ang buhay ko nung nagstudy na siya ng college sa state pero mukhang mas worse pa ata ngayon ang ikikilos niya, lalo na ngayon na may isang Joyce na dumating sa buhay ko ang babaeng pinili ng puso ko ^_^. 

Wala na akong magawa, ayun kasama ko na siyang lumabas. Kung saan ako pupunta hindi ko rin alam. Ang mahalaga sa akin ngayon ang mahanap ko si Babe Joyce ko. Kasunod na rin namin si JP and Pat. 

 

 

 

"Inaantok talaga ako. Aica lika na uwi na tayo. Baka hanapin ka ni Tita sa akin." aya ni Patrick sa pinsan niya.

"ahneeyo, i staying with Oppa Charles. Don't worry Oppa, i text eoma-ma about this." matigas na sabi ni Aica. Paktay talaga magbaby-sitter na naman ako the whole day. Mukhang hindi rin makakauwi pa ang dalawa, maghapon na kaming magkakasama ngayon ng dahil kay Aica.

MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon