CHAPTER 31- The Past and the present.
JOYCE P.O.V
“Come back here, stay with me tonight.- Julian”
A text message coming from Sir Julian ang nagpabago sa tibok ng puso ko, ang pakiramdam na parang lumulutang ka sa ulap. Ngayon palang inaamin ko na sa sarili ko na MAHAL KO NA SI SIR. I don’t know kung genuine na nga ba ang nararamdaman ko o baka naman kaya akala ko na mahal ko siya dahil sa kamukha siya ng lalaking pinakamamahal ko pero sa palagay ko MAHAL KO NA SIYA, sana nga lang malaman ko ang sagot mamaya.
-=-=-=-=--=
JOYCE POV
Sobrang haba ng gabi ng kasama ko si Sir. Panalagin ko lamang na sana hindi na matapos ang gabing iyon. Pero parang hinihila ang oras mabilis ang umaga, ganun yata talaga kapag mahalaga sa'yo ang taong kasama mo.
"JOYCE!!! Pinsan." naalimpungatan ako sa pagkalabit ni Belle sa akin. Wala talaga ako sa sarili ngayon, sobrang lutang ako. 6am na ng nakauwi ako ng bahay. Buti na lang mabilis ang paggaling ni Sir, at buti na lang dumating si JP kahit na tinulugan lang naman ako. Nagulat pa nga siya nung nadatnan niya ako sa condo ni Sir alam niya na nakisabay ako sa pag-uwi nila Charles kanina, sobrang nag-aalala lang siya para kay Sir Julian dahil wala itong kasama kahit na pinagtabuyan kami kanina.
"Ohh, Belle ikaw pala?"
"Malamang ako nga, e dito kaya ako nakatira. Bakit ba kanina ka pa lutang diyan? at anong oras ka nakauwi kagabi?"
"Kagabi? Actually kauuwi ko lang."
"Hanoo... Nagpalipas ka ng magdamag kasama si Sir?" napalakas ang boses ni Belle sa bigla niya, sapat na para mabigyan kami ng pansin ni Zongshi na nagluluto sa kusina. Mabilis kong tinakpan ang bibig ng pinsan ko, hinatak ko siya sa loob ng kwarto.
"Ano ba ,bakit mo ako hinila dito? Natatakot ka ba na marinig tayo ni Zongshi? May nangyari na ba sa inyo ni Sir i mean nag-toottthhh na ba kayo?." sunod-sunod na tanong ni Belle. Ano bang iniisip niya ganun ko lang ba kabilis ibibigay ang virginity ko.
"Wait nga lang, isa-isang tanong lang. Ito sagot sa mga tanong mo. Hinila kita dahil baka marinig ni Zongshi alam mo naman ang taong iyon, walang nangyari sa amin ni Sir, ano ba yang iniisip mo na tootthhh anong akala mo sa akin basta na lang ibibigay ang bataan."
"Hala! Bakit walang nangyari?" sarap kutusan sa ulo ni Belle, nalungkot pa ata ng malaman na walang nangyari sa amin.
"As if naman na may mangyayari sa amin. Magkabilang mundo ang status namin ni Sir. Malabo niya akong magustuhan kahit na..." mahal ko na siya, ito dapat ang sasabihin ko buti na lang bigla kong pinutol. Si Belle nakatitig sa akin mukhang iniintay ang susunod na sasabihin ko.
"Kahit na?? " sabi na nga ba hindi ako makakalusot sa pandinig ng babaeng ito. Ano ba magandang sasabihin.
"Kahit na kamukha siya ng Ex-bf ko." speaking of Ex-bf ung picture namin ni Night nasa wallet ko. Hindi ko alam kung saan ko naiwan, sana na nga lang kung sa car ni Charles ko naiwan yun, hindi naman sana buksan ang laman ng wallet ko. haisst ang daming sana... Kasi ba naman napakaburara ko. Ano na lamang ang iisipin nila kapag nakita ang litrato malamang sasabihin nila na si Sir Julian ang nasa sa picture. Magkamukhang-magkamukha sila kahit ako walang makitang pinagkaiba sa physical aspect nila.
=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
Sa Office:
Lunch break na walang Sir Julian, Sir Charles and the band na nagpunta ngaun, pati si Aica absent din. Ano kayang nangyari sa kanila?. Itext ko kaya si Sir Julian, matanong kung okey na kaya ang pakiramdam nya, kahit na bumaba ang lagnat niya kagabi hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala.
BINABASA MO ANG
MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0
FanfictionBased on the manga Absolute Boyfriend/ Jue Dui Darling. Dahil sa sobrang affected ako sa nangyari sa ending gagawa ako ng sarili kong ending. My Absolute Boyfriend 2.0. Mabubuhay kaya si Nighty? Magkakaroon kaya ng katapusan ang kanilang naudlot na...
