Chapter 29 Part 3- Picture of You

268 8 10
                                    

“TRUTH IS COMING, AND IT CANNOT BE STOPPED”

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=--=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Chapter 29 Part 3- Picture of You

-== Charles POV==-

“Charles, can I borrow your phone? Dead na kasi phone ko. Tatawagan ko lang si Belle”  Sabi ni Joyce sa wakas kasama ko rin siya sa iisang sasakyan kaya lang may asungot sumubay pa talaga sakin si Aica dapat dun na lang siya sa pinsan niya, hindi tuloy kami makapag-moment ni Joyce Babe ko.

Inabot ko sa kanya ang phone ko. Si Belle ang kausap niya hindi pa ata magkaintindihan sa pag-uusap.

“Hello Belle??” ,mukhang binabaan na siya ng phone ko. Binalik na niya sa akin ang phone ko.

“Oppa I take a little nap muna hah. Boring naman kasi here.” Si Aica, kasi ba naman sumama sama pa sa akin, kargo ko pa tuloy siya sa paghahatid.

Oo nga boring nga tama si Aica, tinignan ko reflection ni Joyce sa salamin dito sa sasakyan. Kahit man lang dito mapagsawa ko ang mata ko sa pagtingin sa kanya. Ang lapit lapit niya lang sa akin pero pakiramdam ko ang layo-layo pa rin niya. Katulad ngayon nakatingin lang siya sa labas ng bintana sobrang lalim ng iniisip niya, Sana naman isa ako sa mga iniisip niya.

“Dito na ako Charles.” Tinuro niya nga color green na gate apartment. Ahh dito ko lang pala siya madadalaw, mejo walking distance lang pala from Saavedra Company.

“Kayo lang ba ni Belle ang nakatira diyan?” tanong ko.

“Nope with my Bestfriend din.” Sagot niya.Did i heard correct ba? Kasama niya si Zongki dito.

“Si Zongki ba yun?”

“Si Zongshi hindi Zongki.” Sagot nya. Ah Zongshi pala bakit ba ang hirap tandaan yung pangalan niya.

“Ahhh bakit? Dyan din siya nakatira?” putol na tanong ko, hindi ko maideretso kung ano ang sasabihin ko. Alam ko na karibal ko si Zongki sa puso ni Joyce.

“Ako lang kasi ang kilala niya dito sa Pinas and okey na rin yun atleast may kasama kami na guy sa bahay.”  Sagot na lang niya naintindihan din niya siguro ang ibig kong sabihin.

“Sabagay. Hindi ka ba niya???” putol ko uli sa itatanong ko, gusto ko sana malaman kung hindi ba siya nito nililigawan, pero mukhang alam ko na ang sagot bestfriend lang naman sila. Pero ayos lang yun kahit diyan pa siya nakatira friend lang naman pala ang turing niya kay Zongki.

“Ano yun Charles?” tanong ko niya sa akin.

“Ahh wala, sorry nakalimutan ko kung ano yung sasabihin ko hehehe” ngiting tawa ko, baka kung ano pa kasi ang masabi ko.

“Sige, pasok na ako sa loob. Mag-ingat kayo?” tugon na lang ni Joyce. Tinignan niya si Aica sa tabi niya, sinulyapan ko rin sa salamin, Tulog na tulog pala buti naman at natulog siya sobra kayang kulit baka kung ano pa ang masabi niya at maitanong kay Joyce lalo na yung pangyayari sa elevator kanina with Bestfriend Joyce.

Tinignan ko lang si Joyce buhat dito sa salamin sa harap ko. Habang pababa na siya

“I won’t give up on you coz I love you.”  Bilang nasabi ko na pabulong ewan ko lang kung narinig niya kasi napalingon siya sa akin bago tuluyang bumaba. I promise I won’t give up on you Joyce kahit may iba ka pang mahal hindi kita isusuko.

 Nag-wave siya sa amin. Pinaandar ko na rin ang sasakyan. Nakatingin lang ako sa side mirror gusto kong Makita na safe siya sa pagpasok sa loob ng apartment nila, Naku kung hindi ko lang siguro kasama si Aica ngayon baka bumaba na ako at sumama sa loob kahit coffee lang ayos na sa akin lalo na kung si Joyce ang magtitimpla. First time kong natikman yung Coffee ni Joyce sa office nila hinahanap-hanap na ito ng puso ko este ng panlasa ko, para siyang kuryente na dumadaloy kapag iniinom mo papunta ito sa puso sa bawat paglagok mo nagayuma na ata ako ni Joyce Babe ko.

“Oppa where’s Unnie?” tanong agad ni Aica nung nagising siya.

“Nasa bahay na nila.” Sagot ko.

Yumuko siya na parang may kinukuha sa may sahig, ano naman kaya ang pinupulot niya.

“I think sa kanya ito.” Hawak ni Aica ang wallet na pambabae. Mukha nga sa kanya nalaglag siguro nung pagkuha niya sa phone niya.

“OMO!!” napalantak na wika ni Aica. Nacurious naman ako sa nakita niya. Pinakialaman daw ba ang loob ng wallet. Bakit ano kaya ang nakita niya? Sa sobrang pagkacurious ko, tinabi ko ang car ko para Makita kung ano man ang kinagulat ni Aica.

“Ano ba kasi yan?” inabot niya sa akin ang isang picture sa loob ng wallet ni Joyce.  Bigla rin naman niyang hinatak nung hahawakan ko na.

“Did Oppa JA and Unnie Joyce dating?” tanong ni Aica na siyang kinabigla ko. Ewan ko pero parang bigla akong kinabahan sa tanong na iyon ni Aica. Bakit niya kaya biglang natanong iyon. Ano ba kasi meron sa picture na hawak niya? Sa picture na nakuha niya sa loob ng wallet ni Joyce?

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

A/N:

End of Chapter 29. Siguro naman may idea na kayo kung ano yung picture na nakita ni Aica? Ako yata wala pa hehehe…. Thank you sa mga nag-add sa reading list nila. Next Chapter abang-abang na lang po BIG REVELATION na ang mangyayari yan po muna sa ngayon. Follow niyo na lang ako kung gusto nyo lang naman on the next 2 chapter  private na po yun  BIG REVELATION nga. Yan muna sa ngayon. Next update hindi ko alam kung kailan uli, gusto ko yung kinukulit ako wahahaha

Like and comments na lang po kayo. Pwede rin magcomment kung gusto nyo ng dedication.

Ciao

MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon