I N T R O D U K S Y O N

6.4K 206 29
                                    

I N T R O D U K S Y O N

"I will love the light for it shows me the way, yet I will endure the darkness because it shows me the stars."

~ Og Mandino

Simula noong bata pa ako, malaki na talaga ang fascination ko sa mga butuin. 'Yung tipong tititigan ko lang sila, nagiging masaya na ako?

Grade 3 ako noon nang mapagtanto kong mahilig pala talaga ako sa mga bituin. Nagsimula 'yung fandom ko sa mga stars noong nagbabasa ako ng encyclopedia kung saan featured ang iba't-ibang stuffs na matatagpuan sa universe natin.

Dahil bata at uto-uto pa, naniwala akong may kapangyarihan ang mga bituin na baguhin ang kapalaran, ang buhay at ang destiny ng mga tao.

Grade 5 naman ako noon nang magsimula akong mangolekta ng mga anik-anik na may design na star. Mula sa keychain, mga lapis at ballpen na may star sa dulo, notebook na si Judy Ann Santos ang bida bilang si Kristala, mga pictures ng Meteor Garden cast sa chichirya, mga ipit sa buhok at lahat ng mga bagay may design na STAR ay binibili ko.

Kaso noong nag-grade 6 ako, nawala 'yung pagka-hilig ko sa mga bituin. 'Yon 'yung oras na nasira ang pamilya namin sa kadahilanang nambabae 'yung papa ko.

Simula noon, nagkamuhi na ako sa mga kirida, kabit, mistress, uod, bulate, makati, kiti-kiti at kung ano pa man ang tawag sa kanila. Bwesit ko silang ituring. Mga salot! Mga peste!

Iyak ng iyak ang mama ko noon. Grade 6 lang ako noon kaya hindi ko alam kung paano siya i-comfort. Masakit palang makita na umiiyak 'yung mama mo no? Akala mo, hindi siya nasasaktan, akala mo matatag ang loob niya pero sa oras na makita mo 'yung mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata, parang nadudurog 'yung pagkatao mo.

Noong mismong araw na iyon, humiling ako sa mga bituin. Umakyat pa talaga ako sa mismong bubong ng bahay namin para makita ko sila. Panandaliian kong tinignan ang mga tala noon. Napalunok ako ng laway kasi para bang may bumabara sa lalamunan ko. Bago pa man pumatak ang mga luha ko, agad na akong humiling. Hiniling ko na sana, bumalik na si Papa pero...

...pagkatapos ng isa, dalawa, tatlo, apat at ilan pang araw, wala paring nangyari. Hindi tinupad ng mga tala ang hiling ko.

Naaalala ko pa 'yung araw na sinigaw-sigawan ko yung kalangitan. Pinapagalitan ko 'yung mga bituin kung bakit hindi nila tinupad ang hiling ko. Para akong tanga noon. Partida pang pinagtawanan pa ako ng mga kapitbahay namin.

Nag-iisa akong anak. Malungkot kasi hindi na nila ako sinundan. Gusto ko rin kasi iyong tipong may nakakausap ako. May makakaagaw ng remote o 'di kaya'y may ka-share ng manyika at kung anu-ano pang laruan na mayroon ako.

Minsan nga naisip ko, pa'no kaya kung humiling ako sa isang bituin na bigyan ako ng kapatid? Pero alam ko namang malabo 'yun. Hindi nga tinupad ng mga bituin 'yung simpleng hiling ko na sana bumalik si Papa, paano pa kaya iyong bigyan ako ng kapatid? E 'di mas lalong malabo!

Pero nagkamali ako kasi pagkatapos ng isang taon, nagkaroon ako ng kapatid na babae sa ibang asawa ni Mama. Muling nabuhay 'yung paniniwala ko sa mga bituin pero pagkatapos ng isang taon, namatay 'yung kapatid kong babae dahil sa leukemia. Nagkahiwalay si Mama at 'yung bago niyang asawa. Umiyak na naman ang mama ko. Epic fail. Akala ko, tinupad na ng mga bituin ang hiling ko, hindi pala. Pinaasa lang pala nila ako.

Simula noon, ipinangako ko sa sarili ko na hindi na talaga ako hihiling sa mga bituin. Kasi bukod sa nakakatanga, paasa rin sila.

Pero ngayong second year college na ako, nagbago na naman ang takbo ng utak ko.

Naniniwala na naman akong muli sa powers ng mga bituin.

Kung paano?

Sige, i-ki-kwento ko.

May paghanga ako sa isang ka-blockmate ko.

Justin ang pangalan niya.

Hindi siya ganoong ka-gwapo kagaya ng mga dini-describe sa mga nababasa mong gangster at romance novels. Simple lang siya pero malakas ang dating. Lalaking-lalaki.

Weird siya in a way na sobrang talino niya. At oo, hinahangaan ko siya kasi para sa'kin, napaka-rare nalang talaga ng mga lalaking matatalino.

'Yung iba oo, matalino pero hindi ako sure kung lalaki ba talaga sila.

Si Justin? Oo gusto ko siya. Minsan may nagtanong sa'kin tungkol sa admiration ko towards him pero itinanggi ko. Siyempre, babae ako. I have my own reservations.

I also remembered that day when he help me with my chair, grabe! Mas lalo akong humanga sa kanya nun.

Oo dini-deny kong may nararamdaman ako sa kanya pero, natural lang naman siguro na humanga ako 'di ba? Kaso, ang problema, hindi niya alam na gusto ko siya. Ang alam niya, blockmate lang talaga niya ako.

Well, magkakilala kami, oo.

Alam niya ang pangalan ko, alam ko ang pangalan niya. Hanngang doon lang.

Kaya 'yung status ko ngayon, SEENZONED. Tipong hanggang tingin ako nalang sa kanya.

At 'yung second status ko naman, UNKNOWNZONED. Tipong hindi niya alam na may nag-e-exist palang side ng pagkatao na may nararamdamang kakaiba para sa kanya. Ang saklap 'di ba?

Pero, akala ko, hanggang unknownzoned nalang talaga ako. Kasi one day, biglang nagbago ang takbo ng love story ko.

From one sided cliché love story, naging two sided ito.

Kung paano?

Simple lang.

Tinulungan ako ng mga bituin na tuparin ang hiling ko.

***



A Wish On A Starless NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon