Kabanata I

4.2K 130 20
                                    

Kabanata I

"I like the night. Without the dark, we'd never see the stars."

~ Stephenie Meyer, Twilight

Celestine

Humarap ako sa salamin na nandito sa loob ng kwarto ko. Pinagmasdan ko ng ilang segundo ang mukha ko. Nanginginig ang mga labi ko nang pilit ko itong kinurba upang makabuo ng ngiti at maya-maya pa ay inilapat ko na ang pulang lipstick sa ibabang labi ko.

First time kong maglagay ng lipstick at kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam kung tama ba itong ginagawa ko. Kung tama ba ang paghaplos na ginagawa ko, kung tama lang ba ang diin, ang kulay.

Sheet! Biglang lumagpas!

Marahan kong itinikom ang mga labi ko at marahang binura ang lipstick na lumagpas. Nang mabura ko na ito ay muli kong inilapat ang koloreteng pula sa labi ko.

Ganito pala ang pakiramdam ng naglilipstick sa unang pagkakataon. Nakakakaba. Naaiintindihan ko na ngayon kung bakit ngumiwi ang mga labi ni Mama kapag naglilipstick siya. 'Yung tipong nagmumukha siyang kambing na ngumunguya ng damo kapag naglilipstick siya? Ganito pala.

Nang matapos ako sa paggamit ng lipstick ay sinunod ko namang nilagyan ng tira-tirang lipstick ang cheeks ko, nilagyan ko ito ng tatlong dots at agad na kinalat sa pisngi ko.

Instant blush on!

Naalala ko dati, ito 'yung ginagawa sa'kin ni mama nung naging majorette ako noong elementary ako. Ginagawa niyang blush on ko ang lipstick niya.

Tinawanan ko ang sarili ko. Para akong baliw ngayon. At dahil pula 'yung lipstick na in-apply ko at pati na 'yung pisngi ko, aminado akong nagmukha akong G.R.O ngayon.

Sumunod ko namang kinuha ang eyebrow ni Mama. Nag-drawing ako ng kurba sa pareho kong kilay. Dahan-dahan ay sinigurado kong walang mintis. Nang matapos ako sa ginagawa ko'y naiinis kong hinarap ang salamin. Hindi na ako nakontento at pati kilay ko ay pinatos ko na rin.

Muli kong iniharap ang mukha ko sa salamin, medyo nalungkot ako sa resulta.

Binura ko ang mga amag na nagiging dahilan upang medyo lumabo itong salamin na nasa harapan ko. Nang luminaw na ang salamin ay mas lalo akong na-disappoint. Walang pinagkaiba. Malabo man o hindi ang salamin, ang panget parin ng make up ko. Take note: hindi ako ang panget, kundi yung make up ko.

Napahinga ako ng malalim at napahalumbaba nalang sa table kung saan nakapatong ang salamin. Napatingin ako sa may bintana at nakita ko ang mga ibon na lumilipad-lipad. Maya-maya pa, bigla akong inantok at makalipas ang ilang sandali ay nagising nalang ako sa sigaw ni Mama.

"Celestine! Uulan na! Yung mga panty mo! Kunin mo na!"

"Celestine! Kung hindi ka pa bababa ako ang aakyat diyan!"

Bigla akong nataranta, napaharap ako sa salamin at nakita ko ang mukha kong tadtad ng make up. Hindi ko alam kung ano gagawin ko ngayon lalo pa't naririnig ko na ang mga yabag ng paa ni Mama na papunta na rito sa kwarto ko. Humanap ako ng papel. Binura ko 'yung lipstick ko pero walangya! Kumalat lang lalo sa ilong ko pati na sa noo ko ang make-up.

Muli akong nataranta, hindi na sapat ang oras para maghilamos pa ako kaya ang ginawa ko...

"Celestine! Anong ginagawa mo d'yan?"

"Nag-f-floorwax po ma." sabi ko habang nakayuko. Nagulat ako nang naglakad si Mama papunta sa'kin, magdadasal na sana ako kaso bigla niya akong iniharap sa kanya.

"EMPAKTO!" sigaw ni Mama at mabilis niyang kinuha ang rosaryo na nakasabit sa graduation picture ko noong high school at mariin niya itong hinarap sa mukha ko.

"IN JESUS NAME! LUMAYO SA KATAWAN NG ANAK KO!" sigaw ni Mama, umiiyak na siya at nahihirapang huminga. Hindi pa siya nakontento at binasahan niya pa ako ng bible verse, "IN JESUS NAME! LUMAYO KA!!" sigaw niya ulit kaya hinawakan ko na ang parehong balikat ni Mama.

"Ma? Ako po 'to!" sabi ko sa kanya.

Biglang ibinaba ni Mama ang rosaryo at bibliyang hawak niya at nag-aalala niya akong tinignan ng madiin, "Anak? Anong nangyari sa'yo?"

Napahinga ako ng malalim at umupo sa kama ko.

"Tina-try ko lang pong magpaganda," sabi ko sa kanya.

"Tapos?" buong pasensya niyang tanong.

"Nagmukha akong G.R.O." maluhaluha kong sabi. Bigla akong naiyak.

"Eh bakit ka naman nagpapaganda aber?" tanong ni Mama.

"Para kay Justin?" sagot ko sa tanong niya at biglang natawa si Mama, kinuha niya yung papel sa kamay ko at marahang binura ang mga kolorete sa mukha ko.

"Justin, Justin, Justin. Alam mo anak, sasaktan ka lang ng mga lalaking 'yan kagaya ng ginawa ng papa mo sa'kin. Kung ako sa'yo, magmadre ka nalang at ialay mo nalang sa maykapal ang buong buhay mo." sabi ni Mama.

"Ma! Gusto ko nga maging finacial manager! Ayaw ko ko maging madre." sabi ko sa kanya

Napahinto siya sa pagbubura ng make-up ko, "E 'yun naman pala! E 'di magpursige ka. Huwag kang Justin ng Justin anak please? Mag-aral ka muna ha? Tignan mo nga oh, kahit college ka na, babybra parin ang suot mo." sabi Mama at natatawang tumango nalang ako, "O siya, kunin mo na yung panty mo sa baba at baka ulanin pa. Tapos magsaing ka narin ha? Mag-pe-pedicure pa ako sa kabila."

Aalis na sana si Mama kaso nahinto siya nang tinawag ko siya, "Ma, may retreat po kami bukas sa Island Garden of City of Samal. 3 days po."

Medyo lumungkot 'yung ekspresyon ng mukha ni Mama, "Anak, wala akong pera e. Next time ka nalang sumama okay lang ba?"

"Ay, ma! Lahat naman po ng expenses e sagot na ng excess ng scholarship ko kaya oks lang."

"Sige, ikaw ang bahala. Basta, 'wag kang dikit ng dikit sa Justin na 'yan!" sabi niya at natawa nalang ako.

Kung pagiging cool lang ang pag-uusapan, si Mama na yata ang unang mababanggit ko. Cool siya in way na nakakausap ko siya unlike sa mga teenagers ngayon na halos sigaw-sigawan lang 'yung mama nila. Sa abot kasi ng makakaya ni Mama, sinisigurado niyang magkakasabay kaming dalawa kumain kahit sa gabi lang. Busy kasi siya sa mga sidelines niya at busy din ako sa pag-aaral ko.

Oo, cool siya pero minsan ko na ring nakita kung paano siya umiyak ng dahil kay Papa at pati na doon sa bago niyang asawa niya na iniwan siya matapos mamatay 'yung anak nila na half sister ko. Alam ko kung gaano kasakit ang iwan ng taong mahal mo at nakita ko iyon kay Mama. Kaya nga ako, kahit 18 na, hindi parin nagkaka-boyfriend kasi takot ako... takot akong maiwan.

Pero 'wag ka! May hinahangaan din naman ako no! Justin 'yung pangalan niya. At madalas kong hilingin sa mga bituin na sana, maging kami balang araw. Alam kong napaka-desperada at nakaka-turn off ang hiling ko pero hiling lang naman 'yun afterall 'di ba? Alam ko namang hindi 'yub mangyayari. Kasi kagaya ng mga bituin, mahirap abutin si Justin.

Or worse, baka imposible talagasiyang maabot.




A Wish On A Starless NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon