Kabanata XXI
"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream."
~Vincent Van Gogh
Celestine
Alam kong hindi magandang pinakinggan na sinagot ko siya kasi alam kong hindi pa siya nagsisimulang manligaw. Alam kong lagpas 24 hours palang bago niya malaman na may nararamdaman ako sa kanya, pero sa ganang akin, bakit ko naman papatagalin ang lahat kung mahal ko siya 'di ba?
"You made me so happy." Niyakap niya ako ng mas mahigit. Napapikit ako nang maramdaman ko 'yung init ng katawan niya. Ang sarap sa pakiramdam, tipong napapangiti ka.
"Tell me? Sinagot mo na ba talaga ako?" masiglang tanong niya at hinarap niya ako. Inilagay niya ang parehong kamay sa balikat ko at yumuko ng bahagya para mapantayan n'ya ang mukha ko. Nakita ko ang malapad na ngiti sa mukha niya. Sana ganito nalang palagi, sana palagi ko siyang makitang nakangiti.
"Oo na nga, sinagot na kita. Gusto mo, bawiin ko?" tanong ko at ngitian ko lang siya tapos niyakap niya ako ulit. Inilagay ko ang kamay ko sa likod niya at malumanay ko itong hinaplos.
Habang yakap-yakap ako ni Justin ay nakatingin lang ako sa kalangitan kung saan ay pinamumugaran parin ng fireworks display.
Napangiti ako.
Kahit malakas 'yung sigawan ng mga ka-blockmate namin, kahit malakas :yung pagputok ng mga fireworks sa kalangitan, dinig na dinig ko parin yung mahinang pagtawa ni Justin. 'Yung tipong tawa na dulot ng saya? Yung tipong tawa na napapangiti ka?
Bumulong ako sa kanya, "Kung pwede ko lang burahin agad ang sakit na idinulot ng ex-girlfriend mo sa'yo, kung pwede ko lang tanggalin ang mga bubog 'dyan sa puso mo, ginawa ko na. Pero, alam kong hindi magiging ganun kadali ang lahat. I know it will take time para mawala ang sakit na iyon. Bit I promised you Justin na sa mga panahong unti-unting naghihilum ang sugat mo, asahan mong palagi lang akong nandito sa tabi mo. Kung dumugo man ulit, okay lang, asahan mong ako ang magiging white blood cells na mag-re-repair sa sugat mo. At kung magkapeklat man, ako ang magiging scar remover mo. Pagmamahal ko ang magiging ointment mo para tuluyang mawala 'yung mga masasakit alalang bumaon sa isip mo."
"Celestine? Why are you so kind to me?" tanong niya.
"Kasi, mahal kita? Sapat na ba ang sagot na 'yun?"
"Sapat na." sabi niya. "Sapat na para makalimutan ko si Rebecca." dagdag niya at napangiti ulit ako ng malapad.
Kung nakakamatay lang ang kilig. Haay.
Ang saya-saya. Ang saya kasi parang roller coaster ang nangyari sa'min ngayon dito ni Justin. Akala ko, magiging simpleng retreat lang 'to pero may mas ibobongga pala ang mga ine-expect ko. Bago kasi pumunta dito sabi ko, okay na makatabi ko lang si Justin sa bus or kahit sa fairyboat lang pero mas higit pa 'dun ang nangyari.
Sa pangalawang pagkakataon ay napating ako sa isa blue na bituin, nakita ko ang Jupiter0520 at nagpasalamat ako, "Thank you."
Pagkatapos ng fireworks display, may mga fire dancers na biglang sumulpot at sumayaw sila sa harap namin. Pagkatapos sumayaw nung mga firedancers, tinpon kami ng mga prof namin at inayos kami to form big circle.
"Since this is our last night in this resort, we will also do the last activity of this retreat. This activity will give you an opportunity to express the things that you wanted to say towards your blockmates. It will also able you to refelect towards yourselves. To see kung ano ang dapat baguhin na attitude at kung ano ang dapat i-maintain. So, we will going to start with Aira."
Nagsimulang magsindi ng kandila si Aila. Inilagay ko yung accounting book ko sa lap ko at nakinig na sa sasabihin ni Aira. Kinabahan ako bigla kasi dati, medyo hindi kami nagkaunawan ni Aira. It was last year nung bigla niya akong ki-nonfront sa harap ng mga kaklase namin, sinabi niyang grade hooker ako at sipsip sa mga prof. Pero ang totoo, nainis lang siya sa'kin kasi naungusan ko siya sa list ng mga students na may maataas na score sa taxation.
Humingi kasi siya ng pabor sa'kin noon na kung pwede, hindi ko raw muna sana galingan 'yung tax. Medyo kumunot 'yung noo ko 'nun matapos niyang sabihin 'yun. Hindi ko sinang-ayunan 'yung pabor niya kasi napaka-illogical naman kasi ng pabor niya. Sa taxation na nga lang ako bumabawi tapos ganun pa ang ipapabor niya?
Actually best friend ko siya dati. Pero, medyo dumistansya na ako sa kanya nung nagkaroon ng toyo 'yung utak niya na halos araw-araw e pakiramdam niya, inuungusan ko siya sa lahat ng bagay.
Nagulat ako ng lumapit si Aira sa'kin at ibinigay sa'kin 'yung kandila, "Kay Celstine, hanggang ngayon naiirita parin ako sa'yo. Hindi ka kasi marunong makisama sa iba at self centered ka masyado. Napansin ko rin na ang kj-kj mo minsan. Hindi ka man lang sumasali sa mga hang-out naming mga ka-blockmates. At ang isa pang hindi ko nagustuhan sa'yo latey ay pagiging malapit mo kay Justin. Alam mo bang masyado ka ng clingy ay nakakabwesit na sa mga mata? Para kang uod, makati."
Hindi ko alam kung ano 'yung dapat na maramdaman ko ngayon pero pakiramdam ko, bumibigat na 'yung lalamunan ko. Nakatingin lang ako kay Aira habang sinasabi n'ya 'yun sa'kin. At sa bawat salitang binabato niya sa'kin, para akong sinasaksak ng kutsilyo. Masakit kasi alam ko namang hindi totoo.
Naiyak ako tumahik lang. May mga tao talagang hindi nag-iisip kung nakakasakit na ba o hindi 'yung mga pinagsasabi nila. At kung may self centered man dito, hindi ako 'yun kasi kung self centered ako, gagayahin ko 'yung ginawa n'yang pambabastos sa'kin. Oo pangbabastos 'yun. Pangbabastos kasi nakaksakit ka ng damdamin ng ibang tao.
At tungkol naman sa pagiging clingy ko kay Justin, bakit? Masama bang maging clingy sa boyfriend ko?
Nagsalitang muli si Aira, "Kay Justin naman, gusto kong sabihin sa'yo na gusto kita. Sana maging girlfriend mo'ko."
Biglang nagbulong-bulungan 'yung mga ka-blockmates namin sa ki-nonfess ni Aira. Napahinto naman ako. Hindi ko alam kung ano ang i-re-react ko.
Maya-maya pa, natahimik na ang lahat nang biglang magsalita si Justin, "I really appreciate your admiration towards me Miss Aira but," inakbayan ako ni Justin, "I already have a girlfriend. It's Celestine."
Sa sinabing iyon ay ni Justin ay may mga babaeng biglang nahimatay. Kabilang na dun si Aira.
***
BINABASA MO ANG
A Wish On A Starless Night
RandomUlap. Araw. Buwan. Mga Planeta. Mga bituin. Iilan sa mga bagay na imposibleng maabot ng isang ordinaryong tao. Pero kahit imposible, dumarating pa rin sa punto ng buhay natin na gusto natin silang abutin, na pinapangarap natin silang matitigan ng ma...