Kabanata XVII

1.3K 59 0
                                    

Kabanata XVII
"We are all of us stars, and we deserve to twinkle."
~Marilyn Monroe



Celestine

Hindi ko alam kung paano ko i-e-explain kay Justin na bahag 'yung hawak-hawak niya ngayon. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na iyan muna ang gagamitin niyang breif niya.

"Baka naman panyo?" sabi niya at tinupi niya 'yung bahag at parang panyo na ipinahid sa noo niya.

Napapikit nalang ako at muntikan nang mapasuka. Nakakadiri.

***

"Tabi pala tayo, no?" pilyong tanong niya.

"Oo nga e, hindi obvious." sabi ko naman.

Nakatayo kami nayon dito sa loob ng kwarto habang nakatingin sa maliit nga kamang nasa harapan namin. Inaalisa naming pareho ni Justin kung paano kami magkakasya sa kama kasi maliit lang talaga siya. Oo kasya kami ni Justin pero 'yung tipong kasya lang na magyakapan kami habang natutulog? Ganun siya kaliit.

"Mauna ka na. Ladies' first." sabi niya. No choice humiga na ako in a tagilid form.

Maya-maya pa, tumabi na sakin si Justin in a tagilid form as well.

"Humarap ka naman." sabi niya. Nagkunwari akong tulog.

Narinig ko namang tumawa siya ng mahinhin, "Ang ikli ng shorts mo." sabi niya kaya agad akong humarap sa kanya.

"SUNTOK? GUSTO MO?" sabi ko sa kanya at natawa lang siya. Ngayon ko lang na-realize na napaka-pilyo niya palang tumawa. "Goodnight." sabi niya at dahil sa pagod ay hindi na ako nakasagot.

After two hours...

"Justin?" tanong ko kay Justin na nakapikit na ang mga mata.

"Bakit?" pabulong na tanong niya habang nakapikit ang mga mata. Tulog na yata, ginising ko pa.

"Anong ginawa mo 'dun sa puting panyo na parang lampin?" tanong ko sa kanya.

"Nandyan lang sa tabi, hindi ko ginalaw." sabi niya.

Napadilat ako ng mga mata.

Kung hindi niya ginalaw 'yung bahag na 'yun...

Ibig sabihin...

... wala siyang breif na suot ngayon?

Bigla akong namula nang maisip ko ang tanong na iyon.

***

Maya-maya pa, nakatulog na si Justin. Habang natutulog siya, pinagmasdan ko lang 'yung mga mapupungay niyang mata. Na-realize ko na parang baby pa 'yung mukha niya tapos, yung jaw niya. Grabe! Masasabi kong napaka-well defined.

Inisa-isa ko ang features ng mukha ni Justin. Mula sa kilay, mata, ilong, labi, nahinuha kong mukha siyang isang anime character. Para kasing di-rawing yung mukha niya sa sobrang ganda ng details.


Sumunod ko namang pinagdiskitahan ang biceps niya. Pinisil ko pa talaga para malaman kong matigas ba. At oo, matigas nga. Matigas? Natawa ako. What a word!

Tumigil na ako sa biceps niya kasi baka kung saan pa ako mapunta, mahirap na. Ti-nry ko ng ipikit ang nga mga ko pero napadilat ako bigla nang biglang idinantay ni Justin 'yung paa niya sa legs ko.

Okay lang naman sana 'yun kaso ang bigat talaga ng paa niya e kaya buong pwersa kong ibinalik 'yung paa niya sa dati nitong pwesto.

Ipipikit ko na sana ulit yung mga mata ko kaso laking gulat ko ng bigla niya akong hinila at niyakap. Akala ko gising siya pero tulog naman pala.

Inihiwalay ko ulit yung katawan niya sa katawan ko. Muntikan pa siyang mahulog, mabuti nalang at nahila ko siya agad.

After some few minutes, sa wakas nakatulog narin ako ng matiwasay. Sa sobtang pagod at sakit ng mga paa, hindi ko na alam kung ilang oras na ba akong tulog pero maya-maya pa, nagising ulit ako nang pakiramdam ko ay biglang lumindol.

Ginising ko si Justin, "Justin, gising!" sabi ko sa kanya at maya-maya pa ay naaalimpungatan siyang nagising. Bigla kong nakita yung abs niya nang inextend niya yung kamay niya na naging dahilan upang mahila ng kaonti pataas ang sando niya.

"Justin, lumilindol." medyo napaparanoid kong sabi kay Justin.

Pareho kaming napaupo, "Lumilindol nga." sabi niya nang makita niya umaalog yung bahay njna Ate Percy pati na yung kama namin.

Maya-maya pa, may narinig kaming humahangos sa kabilang kwarto.

"Jordan! Sige pa-a! Ah! Ah! ah! Bilisan mo-o! Oh! Oh! Ah! Ah!"

"Malapit na Percy-eh! Eh! Eh! Malapit na-a! Ah! Ah! Ah!"

Parehong nanlaki yung mga mata namin ni Justin matapos naming marinig ang ingay na 'yun mula sa kwarto nina Ate Percey ay Kuya Jordan.

Nagkatinginan kami ni Justin at natagpuan namin yung isa na namumula.

***

Halos isang oras ding tumagal ang napaka-awkward na lindol na iyon. Pareho nalang kaming napahiga ni Justin habang nakatalikod sa isa't-isa habang pinapakinggan yung huni at pagkanta ni Ate Percy at Kuya Jordan sa kabilang kwarto.

Wala ni-isa ang umimik sa'min ni Justin. Pareho lang kaming naiilang sa isa't-isa. Parehong hindi alam kung paano lalabanan ang pakiradmam na masangkot sa isang lindol.

Biglang salita si Justin, "Tapos na sila."

Awkward akong sumagot, "Oo nga."

"Celestine?"

"Bakit Justin?"

"Pwede bang humarap ka nalang, yung shorts mo kasi." sabi niya at mabilis pa sa kidlat ay hinarap ko si Justin. Namumula. Hindi makatingin sa mga mata niya.

"Maayong gabii." ( Good night ) Nakangiting sabi niya.

Kahit medyo na-o-awkward ay ngumiti rin ako, "Maayong gabii pud." ( Good night too.) Sabo ko at ipinikit ko na 'yung mga mata ko at mahimbing nang naidlip.

Maya-maya pa, biglang nagsalita si Justin habang tulog kaya nagising ako.

"Rebecca, mahal pa rin kita."

Nasaktan ako bigla. 

A Wish On A Starless NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon