Kabanata XXV
"We are all in the gutter, but some of us are looking at the stars."
~Oscar WildeCelestine
Naging mabilis ang panahon namin ni Justin. Niligawan niya ako ulit. Sinuyo niya ang mama ko at sinagot ko siya sa ikalawang pagkakataon.
Naalala ko pa 'yung araw na pumunta siya sa bahay namin. Napaka-neat niyang tignan noon. Preskong-presko. Nakasuot siya ng blue polo shirt at oriole shorts. Napakagwapo niya sa paningin ko pero sabi ni Mama, mukha raw siyang pastor.
Hiyang-hiya ako kasi kakagising ko pa lang noon at wala pa akong ligo. Pumasok siya sa bahay at hindi man lang niya inalintana ang mga ipis na nag-fi-feild trip sa sahig at sa mga dingding ng bahay namin. Tinanggap niya ako. Tinanggap ko siya.
In-explain ni Justin ang lahat sa mama ko. Humingi rin siya ng pahintulot sa mama ko na i-date ako pero para kay Mama, ang meaning daw ng DATE ay katumbas narin ng PAGGAWA NG SANGGOL. Out of no choice, sa isang abandoned lighthouse malapit sa'min nalang kami nagpunta ni Justin. Just don't imagine the word abandoned.
"Sorry sa mom ko." sabi ko sa kanya habang hinahangin ang buhok ko. Nandito kami sa isang abandoned light house ngayon at nakatayo kami ngayon sa may durungawan nito kaya kitang-kita namin ni Justun 'yung buong city.
"It's okay, kung ako mom mo, ganun rin naman ang gagawin ko." he said habang nakatingin sa kalangitan na puno ng mga bituin.
"I would never let a beautiful daughter like you na mapunta lang sa'kin." sabi niya medyo ikinalito ko. Tatanungin ko na pa sana siya pero...
"JUSTIN!" napasigaw ako nang may bulalakaw na dumaan sa kalangitan...
"Humiling tayo!" masiglang sabi ko sa kanya at ipinikit ko ang mga mata ko at humiling.
'Sana mas tumagal pa kami ni Justin.' bulong ko sa sarili ko. Iminulat ko ang mga mata ko, nakita kong nakatingin lang si Justin sa'kin habang nakangiti.
Uminit bigla 'yung pisngi ko, "B-bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba sa mukha ko?" pautal-utal kong tanong sa kanya.
"My wish had just granted." aniya.
"Agad-agad?" tanong ko sa kanya, "Bakit? Ano bang hiniling mo?" tanong ko sa kanya.
"You " sabi ni Justin sa'kin na siyang ikinamula ko. Maya-maya pa, hinawakan niya ang mukha ko, tinignan niya ako sa mga mata ko, "I love you." I said, he smiled and we kissed passionately.
Buong akala ko, kagaya ng mga nababasa kong tipikal na romance love story na nasa wattpad, pwede na iyong ending ng kwento ng love story namin ni Justin. Pero, nagkamali ako. Masyado pa yatang maaga para sabiging ending na kasi ang totoo, nagsisimula palang talaga ang isang masaklap na ending namin ni Justin.
FEBRUARY 10.
FEBRUARY 11.
FEBRUARY 12.
FEBRUARY 13.
FEBRUARY 15.Kinabukasan, laking mata kong tinitigan ang kalendaryo namin sa umagang 'yun. Nagulat ako kasi walang February 14. Hindi ko alam kong typo ba 'yun o bitter lang talaga ang nagprint ng kalendaryong nahingi ni Mama sa isang isang bigasan.
PERO, sabi ko, tama lang pala talagang dapat ay mawala na ang araw na FEBRUARY 14 kasi sa raw na 'to, 7th monthsary namin ni Justin... pero hindi siya nagpakita sa'kin.
BINABASA MO ANG
A Wish On A Starless Night
RandomUlap. Araw. Buwan. Mga Planeta. Mga bituin. Iilan sa mga bagay na imposibleng maabot ng isang ordinaryong tao. Pero kahit imposible, dumarating pa rin sa punto ng buhay natin na gusto natin silang abutin, na pinapangarap natin silang matitigan ng ma...