Kabanata IX
"You don't find love, it finds you. It got a little bit to do with destiny, fate, and what's written in the stars."
~ Anais NinCelestine
"Justin!" Sigaw ako ng sigaw ngayon. Pakiradam ko maiiyak na ako. Naghahalo-halo narin kasi 'yung nararamdaman ko ngayon. 'Yung kaba at tensyon na sabay-sabay kong na-fi-feel ngayon. Pakiramdam ko, mababaliw na ako.
Lumingon-lingon ako at nilibot ko ang paningin ko sa napakalawak na lugar na ito, "Justin!" sigaw ko. Sa sobrang lakas ng pagsigaw ko, nag-echo 'yung boses ko sa mga bundok. Maya-maya pa ay naiyak na talaga ako. Kinakabahan ako at natataranta kasi tunog parin ng tunog 'yung relo ko. Ibig sabihin, sobrang layo na ni Justin sa'kin. Medyo napaparanoid narin ako kasi sumasagi sa isipan ko ngayon na baka nahulog siya habang umaakyat kami.
Bigla akong napasandal sa may kahoy. Napaiyak ako bigla.
"Hey? Are you okay?" may biglang lumapit sa'kin. Isang babaeng foreigner. Mukhang nasa 30's na ang edad. Mukhang canadian yata.
Hindi naman agad ako nakasagot kasi hindi parin ako nahihimasmasan sa emosyon ko. Kailangan ko pang hanapin si Justin. Babalik na sana ako sa pinanggalingan ko kasi napahinto ako nang biglang magsalita si Ate Canadian, "Are you looking for your partner? He's already there at the peak."
Parang nag-freeze 'yung katawan ko sa sinabi ni ate Canadian. Nahinto yung pag-iyak ko. Napatingin ako sa may dulo at nakita ko si Justin. Nakatayo siya doon, kuha ng kuha ng picture gamit 'yung DSLR niya.
"Let's go? D'you want me to help you?" tanong niya at hinawakan niya lang yung kamay ko.
"Just look straight, watch your step and be careful with the cliff." sabi ni Ate Canadia pero hindi ako nakinig kasi nakatingin lang ako ngayon kay Justin. Medyo nakaramdam naman ako ng inis sa kanya. Hindi man lang ba namalayan na tumunog 'yung relo niya? Hindi man lang ba niya naisip na naiwan niya ako? Nakakainis siya ha!
Habang inaalalayan ako ni Ate Canadian, binura ko yung mga luha ko.
Hindi ko rin namalayan na medyo palubog narin pala 'yung araw. Sa tansya ko, 2 hours yata naming inakyat ang bundok ba 'to.
Tinulungan ako ni Ate Canadian para tahakin ang final step kaya ang nangyari, binuhat niya talaga ako. "Grab my hand and up!"
"Thank you ate." sabi ko sa kanya at niyakap ko siya. Grabe! Ang bait bait niya!
"You're welcome honey, you've just reminded me with my sister. She's now in Toronto." sabi ni ate Canadian at nag-thank you ulit ako sa kanya. Nalaman ko 'rin na ka-grupo niya pala 'yung mga astrologist na nakasama namin kanina na nandito na ngayon sa peak. Lahat sila may nakatatak na JUPITER0520 sa black shirt nila. Actually, sobrang dami namin ngayon dito at pakiramdam ko, may event na mangyayari dito ngayon.
Napaharap na ako ngayon sa may view ng buong Samal at naitakip ko nalang yung kamay ko sa bibig ko kasi medyo naiyak ako. Napakaganda kasi ng view dito at sobrang nakaka-touch lang kasi sa wakas, nakarating din ako dito matapos akong iwan ni Justin, bwesit siya!
*flash!*
Napahinto ako sa pag-iyak nang may biglang nag-flash sa gilid ko. Nakita ko si Justin na kinukunan ako ng picture at napairap nalang.
Sa tanang buhay ko, first time akong napairap. Ang sakit pala sa mata. Pakiramdam ko naiwan yung eyeball ko sa kasuluk-sulukan ng bungo ko.
"Hey?" natatawang pag-approacg niya sa'kin.
"Huwag mo'kong kausapin!" pagtataray ko. Nakakainis siya. Kung akala niya okay lang yung ginawa niya, naku! FYI, gusto kong sabihin sa kanya na hindi!
"Uy Celestine? Ba't ka galit?"
"Itanong mo sa damo!"
"Sige, itatanong ko." sabi niya at hinarap niya 'yung damo. Hindi ko alam kung maiinis ba ako at matatawa kasi literal niya talagang tinanong 'yung bato.
Napaka-cross-arms ako, "Akala ko ako 'yung nang-iwan sa'yo, ikaw naman pala ang nang-iwan sa'kin."
Natawa siya, "Ang bagal mo kasi."
"Aba! ---" susumbatan ko pa sana siya kaso hindi ko na nagawa kasi bigla siyang nagsalita.
"Sorry."
Natahimik ako. Nakatingin siya sa mga mata ko habang sinasabi ang mga katagang 'yun.
"Sorry kung iniwan kita." sabi niya.
"Hindi bagay sa'yo ang mag-taray. Ngiti ka na please?" sabi niya at ewan ko ba, kasi nung sinabi niya iyon, nawala yung inis ko sa kanya at napangiti nalang at kinilig. Kainis.
Ginulo niya 'yung buhok ko at habang nakangiti, bigla niya akong niyakap.
Biglang nagkaroon ng giyera sa loob ng dibdib ko. Pero nawala ang mga pagputok ng kanyon nang bigla siyang nagsalita,
"You reminded me of my ex-girlfriend. Takot din siyang maiwan kagaya mo."
Nahinto ako at napatanong sa sarili, 'Naalala niya 'yung ex niya sa'kin?'
Alam kong hinahangan ko si Justin. May nararamdaman ako sa kanya pero malinaw naman sa'king imposible maging kami dahil masyado siyang malayong abutin. Ang daming humahanga sa kanya tapos ang talino pa. E ako, oo kabilang ako sa honor society pero katamtaman lang 'yung level ng utak ko.
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Pagktapos niyang sabihin na naalala niya 'yung ex niya sa'kin, bakit bigla akong nasaktan? Nasasaktan ako kasi pakiramdam ko, masakit parin sa kanya 'yung paghihiwalay nila. Halata sa tono ng boses niya.
Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa'kin, agad ko siyang tinignan sa mga mata niya. Noong una, nagdalawa akong sabihin sa kanya ang nasa utak ko pero agad ko rin namang itong pinalabas, "Sa tono ng pananalita mo, parang mahal mo pa talaga siya ah?"
Sinabi ko ang mga lipon ng salitang iyon kay Justin. Bumakat sa mukha niya ngayon na napapahirang ng liwanag ng dapithapon at ang isang malungkot na ngiti.
"Parang ganun nga." sabi niya. Mas lalo akong nasaktan. Para akong nadurog. Ang sakit lang kaso wala naman akong karapatang masaktan kasi... hindi naman kami.
***
BINABASA MO ANG
A Wish On A Starless Night
RandomUlap. Araw. Buwan. Mga Planeta. Mga bituin. Iilan sa mga bagay na imposibleng maabot ng isang ordinaryong tao. Pero kahit imposible, dumarating pa rin sa punto ng buhay natin na gusto natin silang abutin, na pinapangarap natin silang matitigan ng ma...