Kabanata VI
"Doubt thou the stars are fire, doubt that the sun doth move, doubt truth to be a liar but never doubt that I love."~ William Shakespeare
Celestine
Natulog ako ng may ngiti sa mukha. Grabe 'yung araw ko. Ang saya. Ang daming nangyaring masaya. Sana ganito nalang palagi. 'Yung tipong pagpikit ng mga mata ko, nakangiti lang ako tapos paggising ko, ganun pa rin.
<*It's-Time-to-wake-up-It's-three-AM*>
Isa-isa kaming nagising lahat dito sa girl's room. 'Yung iba, inaantok pa kasi mga 12 AM na kaming nakatulog kagabi dahil sa truth or dare na nilaro namin.
Biglang nag-on ang lahat ng ilaw. Biglang sumakit 'yung mga mata ko.
Bumangon na ako at nakita ko si Ma'am Casidy at Ma'am Joyce na naka-attire na.
"Girls, bangon na at maligo na kayo because after 30 minutes, sisimulan na natin ang isang napaka-exciting na activity. Hurry up!"
Nag-start ng gumalaw 'yung iba. Kahit medyo inaantok ako, tumayo parin ako at kinuha 'yung mga gamit ko panligo.
May tatlong bathrooms sa loob ng room namin. Binigyan kami ng tig-si-six minutes para maligo.
Kasama ako sa first batch na naligo. Ayaw ko na kasing makipagsisikan pa mamaya sa iba.
Sobrang lamig nung tubig. Parang galing sa ref. Binilisan ko 'yung pagligo at nang matapos ako ay nagtimpla ako ng kape. May free coffee kasi sa may food court area kaya nakinabang na ako.
Since hindi pa tapos 'yung iba, lumabas muna ako sandali dala-dala 'yung kape ko. Pumunta ako sa may balcony ng second floor at nagpahangin.
"Pwe!" Bigla kong naidura 'yung kape kasi hindi ko namalayan na sobrang init pa pala nito. Sa totoo lang, kahit parang nag-ice-backet-challenge ako sa pagligo kanina, inaantok parin ako kaya ang resulta, medyo wala ako sa sarili ko ngayon at ininum ko bigla 'yung kape ko.
Inaantok kong pinagmasdan ang buong syudad ng Samal. Medyo hindi ko pa maaninag masyado ang buong syudad since may makapal pa na hamog ang nakapalibot sa buong city though kita ko parin naman 'yung mga bahay sa baba na naglalabas na ng mga puting usok. Paniguradong nagsasaing na 'yung mga misis ngayon para sa mga asawa at anak nila.
Napangiti ako. Feel ko nawala 'yung antok ko nang maramdaman ko 'yung nostalgic feeling ng scenery na nakikita ako. Sobrang nakakagaan sa pakiramdam.
"Maayong buntag." Napalingon ako sa may side nang may narinig akong nagsalita. Nakita ko si Justin na nakangiti at medyo naniningkit pa ang mga mata. Maayong buntag means magandang umaga.
"Sayo man lagi'g mata?" nakangiting sabi tanong ko sa kanya. Sabi ko, ang aga mo naman yatang nagising.
"Lagi, saon ta man, gipamata man ta'g sa'yo." nakangiting sabi niya. Sabi ni Justin: Pa'no ba naman, ginising kami ng maaga e.
"Ready ka na sa activity today?" tanong ko sa kanya. Tumango siya.
Maya-maya pa, pinatawag na kaming mga girls.
"See you." sabi ko sa kanya at sinaluduhan niya ako. Nung tumalikod ako, pakiramdam ko, kotang-kota na ako. Ang saya ng tulog ko plus ang saya ng gising ko e. Nakaka-good vibes lang.
Maya-maya pa, ginather na kami ng mga prof namin sa recreation area ng resort. Mas namangha ako kasi ganito pala kaganda dito kapag malapit na ang sunrise, nagkukulay gold yung langit sa may silangan.
"Kindly distribute." Isa-isang pinasa samin ngayo ang mga relo.
"Lahat ba, nakatanggap na ng GPS watch?" tanong ni Sir Alexander.
"Yes sir!" in chorus naming sigaw.
"Kung meron ng GPS watch lahat, be with your partner na." sabi ni Sir Alexader at agad na naghanapan ng partner ang lahat. Maya-maya pa, nahanap na ako ni Justin. Nginitian niya ako.
"Now, click the blue botton of your watch." sabi ni Sir Alxender at ginawa naman yung inutos niya.
"Now, you can see OPTION. Pindutin ang pair at magtype ng four digit password. Remember that the password should be the same with the password of your partner."
"Anong passsword natin?" tanong niya.
Nag-isip ako, "How about kung birth dates nalang nating pareho tapos i-combine natin?"
"Sigen ba. 11 yung akin." sabi niya.
"07 yung sa'kin." sabi ko naman.
"So, 1107?"
"Copy." sabi ko at sabay naming tinype 'yung password and then may nag-pop sa screen na: PAIRED.
Natuwa ako kasi medyo kilig ako sa salitang 'paired.'
"Now, the purpose for that watch is for you to stick with your partner. Kapag lalayo ang patner mo sa'yo or lalayo ka sa partner mo within the range of 15 meters, tutunog ang parehong relo niyo. Madi-detect iyon ng server dito sa main site at bawas 'yun sa puntos. Next, kayo na ang mamili kung saan ang venue na gusto niyo. But remeber, we have a tracking device na nakalagay sa inyo which is your watch. Once the botton in your watch will buzz, ibig sabihin, bawal na kayong pumunta sa lugar na iyon. Bibigyan namin kayo oras na hanggang 8pm, at sa eksaktong oras na iyon, kailangan na nabuo n'yo na ang poem niyo and at the same time ay nakabalik narin kayo sa mismong resort na ito. So, wala na bang tanong? Are all set?"
"Yes prof!" sigaw naming lahat.
"If that's the case, then, you may go now."
Nagsimula kaming lahat na maglakad palabas ng resort. Excited na excited kaming lahat na lumabas.
"Saan yung spot na pupuntahan natin?" tanong ni Justin while naglalakad kami palabas ng resort.
"Dito." sabi ko sa kanya at ipinakita ko sa kanya yung catalogue na nahiram ko sa resort kanina.
"Mt. Puting Bato. Ayos ah?" sabi niya, "Pero hindi ba tayo bawal diyan?"
"Hindi naman. Tinanong ko 'yan kay Ma'am Casidy. Okay lang naman daw." sabi ko sa kanya at ngitian niya lang ako.
Pagkalabas namin si Justin ng resort, naglakad muna kami at naghanap ng masasakyan.
"Pansin ko, walang motorcab dito." sabi niya sa'kin habang nililinis yung lense ng DSLR niya.
"Oo nga e, 'yung iba, hindi parin nakakaalis. Maglakad pa tayo." sabi ko sa kanya at naglakad na ulit kami. Habang naglalakad kami, pinagtitinginan kami ng mga tao ni Justin. Hindi ko alam kung bakit pero pinagtitinginan talaga kami in a positive way kasi lahat naman sila ay nakangiti habang tinititignan kami.
"Awa ra gud, bagay kaayo sila no?" ( Tignan mo sila oh! Bagay na bagay sila. ) sabi nung ale na naglalaba. Bigla naman akong napayuko nang marinig ko 'yun. Hindi ko kasi alam kung narinig ba iyon ni Justin o hindi kasi kung narinig niya ay baka kagaya ko ay ma-awkward din siya sa'kin.
"Haay, ang sakit na ng tuhod ko." Napahinto ako sa paglalakad at napaupo nalang. Medyo mabato kasi yung daan kaya ang sakit sa tuhod.
"Gusto mo buhatin kita?"
Napatingin ako kay Justin. Namula ako bigla.
***
BINABASA MO ANG
A Wish On A Starless Night
RandomUlap. Araw. Buwan. Mga Planeta. Mga bituin. Iilan sa mga bagay na imposibleng maabot ng isang ordinaryong tao. Pero kahit imposible, dumarating pa rin sa punto ng buhay natin na gusto natin silang abutin, na pinapangarap natin silang matitigan ng ma...