Kabanata XXIV
"Of all the shooting stars I knew, I never fell for anyone but you."
~Ozma
Celestine
Irap ng irap sa'kin yung mga babae nang pumasok ako sa ferry boat. Minsan natatawa sila, minsan nagbubulungan. Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero alam kung si Aira na naman ang pasimuno nun.
"Wahahahaha!" biglang natawa 'yung ibang mga babaeng ka-blockmate ko nang matumba ako sa kalagitnaan ng paglalakad ko nang may biglang dumangil sa paa ko.
Agad naman akong tinulungan ni Ma'am Casidy, "Celestine? Are you okay?"
Tumayo lang ako at nangingilid luhang tumango sa kanya. Napatingin ako kay Aira, alam kong paa niya ang dumangil sa paa ko pero hindi nalang ako umimik. Ngumisi naman si Aira nang makita niyang medyo naluluha na ako. Nag-thank you lang ako kay Ma'am Casidy at nag-umpisa nang maglakad ulit dito sa loob ng ferryboat.
Sa may pinakadulong parte ng ferryboat ay nakita kong may isang seat na isa lang ang nakaupo kaya lumapit na ako doon.
Paglapit ko 'dun, "Ikaw na naman?" medyo napasigaw ako ng kaonti.
Nakita ko kasi 'yung lalaking nakatabi ko sa ferryboat 'nung araw na pumunta kami rito. Yung mismong lalaking weird na palaging sinasauli 'yung accounting book ko.
Ngumiti siya, "Sayo 'to 'di ba?"
Biglang nanlaki 'yung mata ko nang makita ko sa kamay niya 'yung accounting book ko sa kamay niya.
Medyo nagsitayuan 'yung mga balahibo ko sa katawan habang kinukuha ko sa kamay niya 'yung accounting book ko. Weird talaga siya e.
Kinakabahan akong umupo sa tabi niya at makalipas ang ilang sandali ay nag-start ng umandar 'yung ferryboat.
'Bye bye Island Garden City of Samal! Mamimiss kita.' sabi ko sa isip ko.
Nalungkot ako ng kaonti. Pakiramdam ko kasi, nagkaroon na ako ng malaking attachment sa lugar na 'yun. At ngayon na iiwan ko na siya, medyo may kirot akong naramdaman sa puso ko.
Well, sabi nila natural naman daw 'yun para sa isang tao na makaramdam ng ganun. Nature natun 'yun e. 'Yung makakaramdam tayo ng nostalgic emotions kapag nawawalay tayo sa isang bagay, lugar o kahit sa taong nagkaroon tayo ng attachment? Ganun daw 'yun.
Hindi ko na pinansin itong wirdong lalaking nasa tabi ko. Weird siya pero may itsura siya. 'Yun nga lang, masyadong mysterious ang dating niya para sa'kin to the point na kikilabutan ako.
While travelling on this crystal clear sea of Samal, napatingin ako sa ferry boat nina Justin, hinanap ko siya kaso hindi ko siya makita.
"Gusto mo dito ka na lang sa pwesto ko?" tanong niya.
Medyo nagitla ako.
"Okay lang ba?" tanong niya.
Tumango siya at nag-exchange na kami ng seat. Dito na ako ngayon nakaupo sa may window.
Napatingin akong muli sa ferryboat na sinasakyan ni Justin, nakita ko na siya sa wakas. Nakasandal siya ngayon sa upuan niya at mukhang natutulog.
"Hi? By the way Celestine ako nga pala si J---"
*Ring!*
Biglang tumunog 'yung cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Mama kaya agad kong 'tong sinagot.
MAMA: NASAAN KA NA AT HINDI KA PA UMUUWI! MAGTATALONG ARAW NA PERO HINDI KA PARIN DUMADATING DITO SA BAHAY! LAGOT KA TALAGA SA'KING BABAE KA'T BAKA LUMALANDI KA NA DIYAN!!!
Halos mabasag 'yung eardrums ko nang marinig kong 'yung boses ni Mama sa cellphone ko.
"Ma? Relax ka nga! Pawui na po ako." buong pasensya kong sabi sa kanya.
MAMA: PAUWI? KAILAN PA!? MAGTATATLONG ARAW NA! KUNG UUWI KA DITONG BUNTIS, GIGILITAN TALAGA KITA LEEG PUNY*TA KA!
"Ma, pauwi na nga ako e."
MAMA: TUMAHIMIK KA!! MAGTULAD LANG KAYO NG TATAY MO!
*BLAG!*
Bago ibinaba ni Mama ang telepono, narinig ko siyang humikbi. Napahinga nalang ako ng malalim at napahalumbaba nalang sa binta ng ferryboat habang hinahangin 'yung buhok ko.
May mga pagkakataon talagang nagiging ganoon si Mama. Nagsimula 'yung pagiging ganun niya simula noong iwan kamin ni Papa. May mga pagkakataon na bigla nalang siyang umiiyak o 'di kaya'y sumisigaw at nagmumura. Minsan, sa'kin nababaling 'yung emosyon n'ya at nasasaktan niya ako.
May problema sa salitang 'forever' ang mama ko. Dati naniwala siya sa salitang 'yan pero simula nung naghiwala sila ni Papa, that word remained undefined on her.
Kaya nga gusto niya akong mag-madre nalang e. Naniniwala kasi siya na lahat ng lalaki, mangiiwan lang. Kaya pati ako, nadamay.
After 18 minutes, dumaong na 'yung ferryboat dito sa Davao gulf. Bumaba na kaming lahat.
Pagbaba naming lahat, diretso kaming sumakay ng bus. Ngayon, kanya-kanya ng bayad.
"Okay! Maraming salamat sa inyong lahat! Our retreat was really successful and I'm hoping na sana nag-enjoy kayo." sabi ni Ma'am Casidy at nagkahi-hiwalay na kaming lahat.
"Let's go?" sabi ni Justin at sumakay na kami ng bus. Magkatabi kami sa upuan at nakasandal lang 'yung ulo ko sa balikat n'ya.
Maya-maya pa, biglang nagring 'yung cellphonen n'ya, nagulat ako kasi 'yung ex girlfriend pa 'rin n'ya ang wallpaper n'ya. Nainis ako kaya nag-walk out ako.
"Celestine! Hey! Ano ba!"
Sigaw ng sigaw ngayon ni Justin dito sa may terminal ng bus habang hinahabol niya ako.
Nang mahabol niya ako, hinila niya ako paharap sa kanya, "What's your problem!?" sigaw niya.
"Problem? 'Di ba sabi mo kalalimutan mo na siya? Bakit siya parin ngayon ang wallpaper ng cellphone mo?"
Tinignan niya ako at makalipas ang ilang sandali ay natawa siya, "It's my sister."
Ipinakita n'ya sakin 'yung phone niya, "Bago tayo pumunta ng island, ginamit n'ya 'yung phone ko. My sister's fund of selfie at since hindi ko masyadong ginagamit 'tong phone ko while where there in the island, hindi ko na nabago 'yung wallpaper."
"I'm sorry." Nakakahiya pero 'yun nalang ang sinabi ko.
"It's okay. Your tired kaya naiintindihan ko." He said.
"So pa'no 'to? See you nalang bukas?" nakangiting sabi niya at tumango nalang ako at pinagmasdan ko na siyang umalis.
Aalis na rin sana ako nang may biglang nagsalita sa likod ko,
"Yung accounting book mo naiwan mo."
***
BINABASA MO ANG
A Wish On A Starless Night
RandomUlap. Araw. Buwan. Mga Planeta. Mga bituin. Iilan sa mga bagay na imposibleng maabot ng isang ordinaryong tao. Pero kahit imposible, dumarating pa rin sa punto ng buhay natin na gusto natin silang abutin, na pinapangarap natin silang matitigan ng ma...