Kabanata IV
"We had the sky up there, all speckled with stars, and we used to lay on our backs and look up at them, and discuss about whether they were made or only just happened."
~ Mark Twain
Celestine"Partner tayo." Napalingon ako nang biglang may umakbay sa'kin. Paglingon ko, muntikan ng magkabangga 'yung mga labi namin ni Justin kaya medyo nawala 'yung ngiti ko at natulala na lang.
Pakiramdam ko, hindi naman napansin ni Justin ang pagkatulala ko kasi agad naman niyang ibinaling ang atensyon sa mga professors namin.
Agad akong napahawak sa dibdib ko ng wala sa oras. Malakas 'yung kabog ng puso na tipong naririnig ko na.
"Now that you have your partner, pwede n'yo nang pag-usapan kung paano n'yo tutulungan ang isa't -isa. But take note! Walang mag-si-swimming!" sabi ng Prof namin at natawa nalang kaming lahat.
Kanya-kanya ng nagsialisan 'yung mga ka-coursemate namin kasama ang mga partners nila. Naiwan kami ni Justin.
"Saan tayo?" tanong niya.
Tumingin-tingin ako sa paligid tapos ibinalik ko ulit ang tingin ko sa kanya, "Dito nalang, mas okay dito e. Kita natin 'yung Davao gulf." sabi ko kay Justin.
"Sige." Tumango siya at nauna siyang umupo sa puti at pinong buhangin. Tumabi ako sa kanya at pasimpleng napangiti. 'Yung tipong ngiti na napapalingon ako sa may side para hindi niya makita? Babae ako kaya natural naman sigurong kiligin ako. May hormones akong dumadaloy sa bawat hibla ng nerves ko kaya natural lang na makaramdam ako ng kilig. Sino ba namang hindi kikiligin kung 'yung taong matagal mo ng hinahangaan ay makakapartner mo sa pagsusulat ng tula at makakatabi mo pa rito sa may seaside habang nakatingin sa karagatan?
Gabi narin kaya ang ganda-ganda ng view. Pakiramdam ko tuloy, nag-d-date kaming dalawa. Umiling-iling nalang ako at kinikilig na natawa.
Inextend ni Justin ang paa niya at ganun din ang ginawa ko. Maya-maya pa, parehong humalik sa mga paa namin ang malumanay na alon ng karagatan.
"Anong plano mo dun sa tula?" tanong niya, tumingin siya sa'kin pero agad din naman niya itong inalis.
Ngumiti ako, "Gusto ko 'yung simple lang."
Tumango-tango siya, "Sabagay, may mga bagay talagang mas maganda kung simple lang."
Nagsulat siya sa may buhangin tapos tinanong ko siya, "E ikaw? Anong balak mo sa poem na gagawin mo?"
Ngayon ko lang rin na-realized na ang gwapo-gwapo niya pala talaga. Pero ewan ko ha? Siguro nagwagwapuhan ako sa kanya kasi crush ko siya, hindi ko lang alam sa iba. Pero ganun naman 'yun di'ba? 'Pag may crush or boyfriend ka, pakiramdam mo, siya na 'yung pinakagwapong nilalang sa mundo.
"Gusto ko ng malalim. 'Yung tipong may hugot." sabi niya at napatingin siya sa'kin at ngumiti. Namula ako.
"Ang ganda ng Samal no?" sabi ko sa kanya.
"Parang ikaw." Nagulat ako sa sinabi niya kaya nasapak ko siya sa braso niya. Napayuko siya kaya medyo nataranta ako.
"Hala! Sorry! Okay ka lang ba? Ikaw kasi e, nanggugulat ka sa mga sinasabi mo! Ayan tuloy, nasapak kita." Sabi ko tas bigla siyang humikbi na parang bata, nataranta ulit ako pero makalipas ang ilang sandali, natawa siya.
"Ang patola mo naman." sabi niya at tumahimik nalang ako. Akala ko talaga umiyak siya e.
Napatingin siya sa may langit, "Pero seriously Celestine, napaka-ganda talaga ng Samal. Hindi ko akalain na ganito pala siya kaganda."
"First time mo rito?" tanong ko sa kanya.
"Oo, last year, pupunta sana kami rito kaso nag-iba 'yung mood ng Dad ko at sa Mati kami nalang kami pumunta."
Tumango-tango ako, "Ako, second time ko na rito. Pero ang tagal na nun, bata pa ako." sabi ko sa kanya.
Napatingin kami ni Justin sa isang barge na papalapit sa isla, "Ang ganda tignan." sabi niya.
"May mga bagay talagang magandang tignan sa malayuan." sabi ko--tinutukoy ko siya.
"Pwede mo 'yang isali sa poem mo." sabi niya.
"Oo nga no? Teka lang, isusulat ko." Kumuha ako ng ballpen at papel sa may mini-bag ko. Kinuha ko rin yung accounting book ko at inilagay sa lap ko. Ipinatong ko 'yung papel sa libro at nagsulat na.
Nang matapos ako sa pagsusulat, nagsalita si Justin, "Ang ganda ng penmanship mo."
"Thanks." sabi ko sa kanya. Ang saya kasi ki-nomplement niya yung sulat kamay ko.
"Alam mo ba na 'yung may magagandang penmanship daw, sila 'yung mga taong may mabubuting kalooban."
"Eh?"
"Oo, sabi ng teacher ko dati sa astronomy." sabi niya.
"E pa'no 'yung hindi gaanong kaganda ang penmanship?" tanong ko sa kanya.
"Sila 'yung mga mabilis mag-isip. Mabilis mag-decide at magagaling sa logic at calculations." sabi niya.
"Ano ba 'yan, parang mas gusto tuloy pumanget yung penmanship ko." sabi ko sa kanya at natawa nalang kaming pareho.
Hindi ko alam kung paano napunta 'yung usapan namin ni Justin sa penmanship pero nagpatuloy lang 'yung pag-uusap namin hanggang napunta kami sa mga personal na buhay namin. Marami akong nalaman sa kanya at ganoon din naman siya sa akin.
Nalaman kong mahilig siya sa chess at nalaman ko rin na mahilig siya kulay blue. Mahilig siya sa macaroni salad at takot siya kay Joker.
"May boyfriend ka tin?" medyo nagulat ako sa tanong niya. Tin, iyan yung tawag niya sa'kin kasi nahahabaan daw siya sa Celestine.
"NBSB." sabi ko sa kanya.
"Oh," sabi niya. Akala ko pagtatawanan niya ako pero hindi naman pala.
"Ikaw?" tanong ko sa kanya.
"Kaka-break lang." medyo malungkot niyang sabi pero nakangiti parin.
"Ilang months?" tanong ko.
"Hindi ako nagbibilang ng months." sabi niya.
"Four yata." dagdag niya.
"Four months?" tanong ko sa kanya.
"Four years." sabi niya at medyo natulala ako.
Nahinto 'yung usapan namin ni Justin nang tinawag na kami ni Ma'am Casidy.
"Guys! The time is over! Pasok na kayo!"
Tumayo na kami ni Justin at bago kami nagkahiwalay...
"Goodnight." sabi niya.
"Maayong gabii pud." Sabi ko sa kanya in bisaya. 'Maayong gabii' means 'good night.' 'Maayong gabii' pud means 'good night too.'
Ngumiti siya.
Sinaluduhan niya ako.
Kinilig ako. Shet.
***
BINABASA MO ANG
A Wish On A Starless Night
RandomUlap. Araw. Buwan. Mga Planeta. Mga bituin. Iilan sa mga bagay na imposibleng maabot ng isang ordinaryong tao. Pero kahit imposible, dumarating pa rin sa punto ng buhay natin na gusto natin silang abutin, na pinapangarap natin silang matitigan ng ma...