Kabanata XXII

1.3K 56 0
                                    

Kabanata XXII
"Question everything. Every stripe, every star, every word spoken. Everything."
~Ernest Gaines




Celestine

"Miss Celestine? Mister Justin? Ano 'to? Pangalawang araw palang natin 'to, kayo na agad? Ano 'yun? Joke?"

Kasalukuyan kaming pinapagalitan ngayon ni Ma'am Casidy dito sa madilim na side ng resort. Kasalukuyan namang umiiyak si Aira na nandun lang kasama 'yung mga babaeng ka-blockmate namin.

"At isa pa, pumunta tayo dito for a retreat at hindi para humarot." Tinignan ako ni Ma'am Casidy nang sabihi niya 'yung salitang harot.

"Okay, alam kung professor n'yo lang ako at wala akong karapatan na panghimasukan ang buhay n'yo pero ang concern ko lang ay 'yung mga magulang n'yo! Lalong-lalo la na Miss Celestine, ano nalang ang sasabihin ng mama mo? Nawala ka lang sandali tapos nagka-boyfriend ka na? Ano 'yun? Joke!?"

Nagsalita si Justin, "But prof, I'm willing to take the responsibility over Miss Celestine."

Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Ma'am Casidy, "WHAT?"

Pareng kumunot yung noo namin ni Justin sa reaksyon ni Ma'am Casidy.

"Ma'am ano pong what?" tanong ko kay Ma'am Casidy.

Nagsalita siya, "Eh 'di ba, sabi nitong boyfr-- I mean, sabi nitong si Justin, he's willing to take the responsibility over ibig sabibin, kagabi na wala kayo sa retreat house, ibig sabihin---" naitakip ni Ma'am Casidy ang kamay niya sa bibig niya at napatingin sa tummy ko.

"Ma'am! Grabe ha! Ang imaginative n'yo! Walang nangyari sa'min ni Justin kagabi. Tabi lang kaming natulog pero---"

"WHAT! TABI KAYONG NATULOG? MISS CELESTINE, I'M VERY DISAPPOINTED TOWARDS YOU HINDI KO ALAM---" magsasalita pa sana si Ma'am Casidy kaso hindi na siya natapos ng si Justin na ang nagsalita.

"Nothing happed on us Miss Casidy. I know the word respect. In definition and in action."

Natameme bigla si Ma'am Casidy habang ako, bigla akong kinilig.

"S-sige, tutal matatalino rin naman kayong pareho at alam kong hindi kayo basta-basta gumagawa ng hakbang na makakasira sa future n'yo. S-sige, go! Walang namang masama magkaroon ng inspiration basta't 'wag lang magresulta ng other negotiation kagaya paglubo ng tiyan mo Miss Celestine makakadagdag ng population sa ating nation na parehong makakasira sa inyong ambition. Kaya ang gusto ko, ipaalam n'yo n'yang pareho sa inyong parents n'yo ang inyong relation at makinig sa kanilang suggestion, kasi kung hindi, baka makatikim kayo ng suspension." sabi ni Ma'am Casidy tapos natawa nalang kaming pareho ni Justin. Ruma-ryhme e.

Matapos kaming pangaralan ni Ma'am Casidy, bumalik kami sa may shore at umupo sa may sand. There, nag-usap kami ni Justin habang humahalik 'yung mga alon sa parehong paa namin.

"Alam mo ba kung ano 'yung hiniling ko sa mga tala nung pumunta tayo sa Mt. Puting Bato?" sabi ko kay Justin habang nakasandal 'yung ulo ko sa balikat n'ya.

"Ano?"

"Hiniling ko na sana, maging girlfriend mo ako." sabi ko sa kanya at nakita ko naman siyang ngumiti.

"Natupad na ang hiling mo." nakangiting sabi niya.

"Pero okay lang ba 'yun na ako 'yung unang nagkagusto sa'yo? I mean, hindi ba ako mukhang desperada?" medyo worried na tanong ko sa kanya.

Sinagot naman niya ang tanong niya, "Wala naman 'yun sa kung sino ang mas nauna, nandun 'yun sa mismong oras na pareho na kayong may nararamdaman sa isa't-isa."

Tumango ako sa sinabi niya, "Ibig sabihin, may nararamdaman ka na sa'kin?"

Ngumiti siya. Natahimik sandali.

"Developing." sabi niya na siyang ikinakilig ko, "How about you? Kamusta na ang feelings mo sa'kin?" tanong niya.

"Overheating." sabi ko sa kanya, 'Tipong sasabog na." dagdag ko at pareho kaming natawa.

"Celestine? Alam mo bang ikaw ang lupang hinirang ko?"

"Bakit?"

"Kasi handa akong mamatay ng dahil sa'yo." Sabi niya tapos natawa nalang ako.

"Justin, Pilipinas ka ba sa panatang makabayan?" tanong ko sa kanya.

"Bakit?"

"Kasi, iniibig kita." sabi ko sa kanya tapos natawa siya.

"Celestine, ayaw kong bolahin ka."

"Bakit?"

"Kasi baka tumalbog ka pa at makuha ng iba!" sabi niya kinilig akong natawa.

"Alam mo ba kung Celestine ang pangalan ko?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kalangitan.

"Bakit?"

"Kasi pinaglihi ako ni Mama sa mga celestial bodies. Kaya nga siguro ako naging addict sa mga bituin dagil dun. Wala lang, nasabi ko lang sa'yo. Hahaha!" Natawa ako. Nag-expect kasi siya na babanat ako.

"Ganun ba? E ikaw? Alam mo ba kung bakit Justin ang pangalan ko?"

"Bakit?" tanong ko.

"Kasi ako ang Justiny mo."

"Ang korni mo ha!" natatawang sabi ko sa kanya.

"Ganyan talaga pag-inlove, nagiging korni." sabi ni Justin at maya-maya pa tinawag na kami ng mga prof namin.

"Tama na ang harutan! Balik na sa room!" sabi ng prof namin at tumayo na kami ni Justin.

Ngunit habang naglalakad, "Magaling ka sa accounting 'di ba?"  tanong ko.

"Sligt." sabi niya. Sus! Pahumble. Top 1 nga 'yan sa departmental exams e.

"Sige, sagutin mo 'to, revenue ka ba?"

"Bakit?

"Because, I'm so LOSS without you!" sabi ko at nagtawanan kaming dalawa.

Nagsalita siya, "Bonds payable ka ba?"

"Bakit?" tanong ko.

"Ang laki kasi ng interest ko sa'yo!"

"Hahaha! Ikaw Justin ha! Sige ito, sana LIABILITIES mo nalang ako."

"Bakit? para OBLIGASYON mong ibalik yung pagmamahal ko." sabi ko sa kanya.

"'Wag kang mag-alala, ibabalik ko sa'yo ang pagmamahal mo sa'kin with interest kahit hindi pa due." sabi niya na siyang naging dahilan upang mas kiligin ako.

"Maayong gabii." ( Good night ) Sabi ko sa kanya.

"Maayong gabii pud." ( Good  night too. )

Ngumiti siya at ngumiti rin ako.

"Gihigugma tika." ( I love you ) Sabi ko sa kanya, pero hindi siya sumagot at niyakap niya lang ako, "Sa ngayon, hindi ko pa masasabing 'I Love You Too' pero balang araw, masasabi ko rin 'yun sa'yo." sabi sa'kin ni Justin at hinalikan niya ako sa noo.

"Sige, hihintayin kong dumating ang araw na 'yun." sabi ko sa kanya. "Maghihintay ako." dagdag ko. Ngumiti siya at pumasok na siya sa room nila.

Naiwan ako, papasok narin sana ako sa room naming mga babae kaso...

"Libro mo."

Napalingon ako at nakita ko 'yung lalaking nagsasauli palagi ng libro ko.

"Ikaw na naman?" tanong ko. Nginitian niya lang ako at agad ko ng kinuha yung libro ko sa kamay niya. Weird.

A Wish On A Starless NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon