Kabanata XVIII
"I'm a dreamer. I have to dream and reach for the stars, and if I miss a star then I grab a handful of clouds."
~Mike Tyson
Celestine
Kinabukasan, nang maramdaman ko na ang pagdami ng mainit na sinag ng araw sa mukha ko ay unti-unti ko ng idinilat ang mga mata ko.
Muli akong napapikit ng tumama ang sinag ng araw mga mata ko. Lumingon ako ng kaonti pero hindi ko naigalaw ang buong katawan ko. Parang nakagapos ako. Parang may mga bisig na nakayapos sa akin.
Nang tuluyan kong ibuka ang mga mata ko ay nadatnan kong tama nga ang hinala ko. May nakayakap nga sa'kin
Imbes na magalit ako ay napangiti nalang ako. Ikaw ba naman ang makakita ng isang gwapong nilalang pagbukas palang ng mga mata. Pardita pang ang nilalang na 'yun ay ang taong mahal mo.
Iniligay ko ang daliri sa tip ilong niya. Ang tangos talaga. Nakakainis.
Muli kong ipinikit ang mga mata ko at sinuklian ko ang yakap ni Justin. Mainit sa pakiramdam. Feeling ko, safe na safe ako at parang lumulutang ako sa ere habang kayakap ko siya.
Kagabi, narinig ko siyang nagsalita. Hindi ko alam kong panag-inip ba 'yun o reyalidad pero narinig kong may sinabi siya tungkol sa ex-girlfriend niyang si Rebecca. Panag-inip man o hindi, aminado akong nalulungkot ako para kay Justin. He deserve so much to be loved back.
Pero sa ganang akin, pakiramdam ko ay nabulag lang yata si Rebecca sa kakulangan ni Justin. That's why hinanap niya 'yung magfu-fulfill ng kakulangan na 'yun sa iba. Pero, pinakawalan na niya si Justin 'di ba? Ibig sabihin, hinahayaan niya narin itong magmahal at mahalin ng iba.
Maya-maya pa, nagising na si Justin.
"Maayong buntag pangga." ( Good morning my love )
Natawa ako sa sinabi niya. "Langga?" tanong ko, "Bakit tayo na ba?" tanong ko sa kanya.
"If you want to? Then why not?" sabi ni Justin na siyang ikinikakilig ko.
"Tumigil ka nga, liwagan mo muna ako!" sabi ko sa kanya.
"Sige ba, kung 'yan ang gusto mo." Sabi niya at ngumiti lang ako. Jusko? Totoo ba'tong naririnig ko?
"Justin?"
"Hmm?"
"May napanaginipan ka ba kagabi?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako sa mga mata, "Wala naman? Bakit?"
Umiling-iling lang ako bilang sagot sabay ngiti sa kanya, "Paniguradong hinahanap na tayo ng mga prof natin. Tara na?"
Akmang tatayo na sana ako ng bigla akong niyakao ni Justin, "Celestine... thank you." sabi niya. Hindi ko alam kung bakit siya nag-t-thank you pero ngumiti lang ako.
Maya-maya pa, halos mapatalon kami ni Justin nang may biglang may pumasok na bata sa kwarto namin, "MAMA!! NAAY NAG-UPA!!" ( Mama! Mayroon pong nagtatalik! )
Agad namang pumasok si Ate Precy at si Kuya Jordan at mabilis na tinakpan yung mga ng anak nila.
Awkward lang kaming tinignan nina Ate Precy at Kuya Jordan. Bigla naman kaming namula ni Justin.
***
"Dong, dili magpataka ug estorya ha? Awa ragud oh, wala man diay nag-upa unya kung makasyagit ka, wagas! Mataranta man pud ta nimu dong uy!" ( Iho, 'wag kang masalita ng kung anu-ano ha? Tignan mo oh, wala naman nagtatalik tapos kung makasigaw ka, wagas! Alam mo bang nataranta ako sa'yo iho? )
Pinapangaralang ngayon ni Ate Precy 'yung anak niya na si Igok. Tumango naman si Igok at pinagtawanan lang 'yung mama niya.
"Uhm, Ate Precy maraming salamat po talaga sa lahat. Kung wala kayo, hindi po talaga namin alam ni Justin kung ano na ang mangyayari sa'min." buong puso kong magpapsalamat kay Ate Precy.
Hinawakan niya 'yung kamay ko tapos nginitian niya, "Wala 'yun! Open naman palagi 'tong kubo namin sa lahat kaya ikinalulugod naming mag-asawa na patuluyin kayo dito. At isa pa, sino ba naman kami para tanggihan 'yung maliit na tulong na hinihingi n'yo, sobrang liit lang nun, kaya oks lang 'yun ano ka ba!" sabi ni Ate Precy at niyakap ko nalang siya. Medyo naiiyak ako kasi sa dami ng masasamang loob na nandito sa mundo, 'yung mga mabubuting tao pa talaga ang natagpuan namin.
Maya-maya pa, nagpaalam na kami ni Justin sa pamilya ni Ate Precy. 9:30 am na ng umalis kami sa kanila. Sakto lang para matuyo 'yung hindi medyo basa pang mga damit ni Justin.
Habang naghihintay nga masasakyan dito sa may daan, inakbayan ako ni Justin. May suot siyang shades ngayon at nakatingin lang siya sa malayo.
"Ang liit mo pala." sabi niya. Nainis naman ako. "Wow ha? Porket ang tangkad-tangkad mo, nanliliit ka na sa'kin?"
Ngumiti siyaz "Pero okay lang 'yun, sabi nga nila, compatible raw 'yung maliit na babae at matatangkad na boys."
Natawa ako sa sinabi niya. Bumanat e.
Unlike kagabi okay na okay na 'yung weather. Ang aliwalas ng tignan ng langit. At kahit medyo tirik 'yung araw ay hindi ka makakaramdam ng init at panglalagkit since presko 'yung hangin. Iba talaga 'pag nandito ka sa isang lugar na maraming puno e. Kahit tirik 'yung araw, pakiramdam mo, naka-aircon ka palagi.
Pumunta kami ni Justin sa may gilid ng daan at humarap kami sa may bangin. Iba 'yung bangin dito kasi hindi nakakatakot. Infact, nakaka-relax siya kasi makikita mo 'yung magandang view sa baba.
"Smile." sabi ni Justin, hindi ako nakapag-prepare kaya stolen 'yung shot na nangyari.
"Mabuti't hindi nasira?" sabi ko sa kanya, tinutukoy ko yung DSLR niya.
"Oo nga e, mabuti nalang at naisilid ko agad sa water proof case."
"Ganun ba? Hmm, idelete mo nalang 'yung mga stolen ko. Sige ka, baka magvirus 'yang DSLR mo."
Natawa siya, "Aren't you proud of yourself Celestine? Kasi ako, nakikita ko talagang maganda ka." sabi ni Justin na siyang ikinamula ko.
Ganito pala ang pakiramdam ng pinupuri ka ng crush mo, pakiramdam mo, nanalo ka sa lotto. Tipong gusto mong tumambling at mag-split. Ang saya!
Maya-maya pa, may huminto ng sasakyan sa harap namin. Isang jeep na puno ng mga gulay.
"Asa mo adto dong?" ( Saan punta niyo iho? ) tanong ni Kuya driver.
"Sa may resort po nasa tapat ng ferry boat station." sagot ni Justin.
"Ahh, sige! Sakay nalang mo kay didto man pud mi padulong!" ( Ahh, sige, sakay nalang kayo, tutal papunta rin kami roon.) sabi ni Kuya.
"Saan tayo sasakay?" medyo napa-praning kong tanong kay Justin. Puno na kasi yung loob ng jeep ng gulay.
Natawa si Justin at itinuro niya lang yung bubong ng jeep.
"You mean sasakay tayo sa bubong?" laglag panga kong tapos hinila niya ako.
Out of no choice, napilitan akong umakyat dun sa tulong niya.
Nang umandar na 'yung jeep, bigla akong napakapit sa kanya. Maya-maya pa, may lubak kaming nadaan kaya sa 'di inaasahang pagkakataon ay natumba ako sa katawan niya.
Nagkatinginan kami.
Bigla akong namula.
Aalis ko na sana yung katawan ko sa katawan niya kaso sa pangalawang pagkakataon ay may lubak na na namang nadaan ang jeep na naging dahilan upang aksidenteng dumampi yung labi ko sa labi niya.
T-that w-as m-my f-first!
***
BINABASA MO ANG
A Wish On A Starless Night
RandomUlap. Araw. Buwan. Mga Planeta. Mga bituin. Iilan sa mga bagay na imposibleng maabot ng isang ordinaryong tao. Pero kahit imposible, dumarating pa rin sa punto ng buhay natin na gusto natin silang abutin, na pinapangarap natin silang matitigan ng ma...