Kabanata XXIII
"God's promises are like the stars; the darker the night the brighter they shine."
~David Nicholas
Celestine
Kinabukasan, maaga kaming nagising lahat. Agad kaming ginising at nagpunta kaming lahat sa isang area dito sa Samal para mag-tree planting. Kagabi nagkaayos narin kami ni Aira. Nagsorry siya sa'kin at nagsorry ako sa kanya sa kung anu man ang ginawa ko sa kanya na ikinagalit niya.
Gusto kasi ng mga prof namin na bago kami umalis dito sa islang 'to ay dapat wala na kaming mga hinanakit sa isa't-isa. Nagkaiyakan kami ni Aira kagabi. Iba pala ang feeling 'pag wala ng galit sa'yo. Wala nang bumabagabag sa isip mo at feeling mo, nakangiti ka nalang palagi.
Ngayon araw na rin ang last day namin ditong lahat at for sure, ma-mimiss ko lahat ang memories na nangyari sa'min dito ni Justin. Mula nung oras n nakita ko siyang nakatingin lang siya sa'kin habang nasa kabilang ferryboat lang siya, mula nung oras na kakarating palang namin dito at nilapitan n'ya ako kasi kulang 'yung perang pangkain ko't hindi ako sumabay sa mga ka-blockmate namin, mula nung bigla siyang lumapit sa'kin at niyaya niya akong maging partner niya, mula nung nag-usap kami sa balcony, nung nagnakaw kami ng santol, mung sumakay kami sa sasakyan nina Ate Percy at Kuya Jordan, nung umakyat kami ng Mt. Puting Bato, nung nag-exchange kami ng poem at aksdente kong nasabi sa kanya na gusto ko siya, nung naihi ako at nakakita ng cobra, nung nabasa kami ng ulan at nakita kong umiyak siya dahil sa ex-girlfriend niya. Nung natulog kami sa bahay nina Ate Percy at Kuya Jordan, nung nagising kami kasi akala namin lumilindol, 'yung oras na naglaro kami ng habulan ng biik hanggang sa puntong sinagot ko siya kagabi at nagbanatan kami. Basta! Lahat ng 'yun, i-t-treasure ko at isusulat ko sa blog ko.
"ARG!" Hinila ko 'yung mga damo na nakaharang sa pagtataniman ko ng sibling ng kahoy kaso hindi ko talaga maalis yung damo. Kainis.
"Ako na," napahinto ako sa paghila ng biglang lumapit si Justin sa'kin.
"Madali lang 'to. Promise!" sabi niya habang namumula na kakahila ng damo.
Natawa ako, "Talaga lang ha? 'Yan pala ang madali sa'yo."
Tumabi ako sa kanya at pareho naming hinila 'yung damo, "ARG!!!"
Sa abot ng aming makakaya hinila namin ni Justin yung damo at nung mahila na nga namin siya, nakita ko nalang ang sarili ko na nakapatong na sa kanya.
"Ehem! Pumunta tayo para magtanim ng puno at hindi para magtanim ng bata!"
Pareho kaming napatayo ni Justin nang marimig namin 'yung boses ni Sir Alexander at awkward na nagtanim nalang ulit.
Nang umalis na si Sir Alexander, nginitian ko si Justin na nakangiti rin siya sa'kin, "Ikaw ha!" sabi ko sa kanya at nagtanim na ulit kami ng bata---este-- ng sibling pala ng puno. Hmm. Kung anu-anong iniisip ko e.
Pagkatapos naming mag-tree planting, nagkaroon ng konting salo-salo. Pinakain kami ng mga katutubo ng mga putahe nila habang nakakamay. Nagsusubuan pa nga kami ni Justin ng kanin kaso bantay sarado 'yung mga professor sa'min kaya awkward na tinigil nalang namin ni Justin 'yung ginagawa namin.
Pagkatapos ng salo-salo, bumalik kami sa resort at nagswimming. Aaminin kong nag-enjoy ako kasi *hahahaha*, ang ganda ng view e. Partida pang may pa-abs si Justin.
*wosh!*
"Hoy! Ano ba!" sabi ko sa kanya nang bigla niyang sinabligan ng tubig alat.
Natawa siya at ginawa niya ulit ginawa niya kanina kaya nag-revenge rin ako.
*wosh!*
"Hahaha! Walang hiya ka! Nalunok ko 'yung tubig alat! Pwe!" sabi ko sa kanya tapos hinabol niya ako at nang mahuli niya ako ay ipinulupot niya 'yung kamay niya sa bewang ko.
"Ang ganda mo 'pag basa 'yung buhok mo." sabi niya.
"So 'pag hindi basa 'yung buhok ko, panget ako ganun?" sabi ko at natawa lang siya. Walang hiya talaga.
So 'yun nga, laro lang kami ng laro ni Justin. Minsan, sinasakay niya ako sa balikat niya tapos binabagsak niya ako sa tubig. Ang bait niya no?
Habang tawa kami ng tawa ni Justin, mainit naman 'yung tingin ng ibang babae sa'min ni Justin.
"Jusko? Girlfriend n'ya 'yan?"
"Oo, nga no? Hindi sila bagay. Mas bagay kami. Bwahahaha!"
Pareho naman kaming napatakip ng ilong ni Justin nang maamoy namin 'yung hininga ng babaeng tumatawa.
Maya-maya pa, pinatawag na kaming lahat.
"Everyone, balik na tayo sa kanya-kanyang room natin. It's time to pack our things up." sabi ni Ma'am Casidy.
"Ma'am! Extend pa tayo please!"
"Oo nga ma'am! Nakakabitin e."
"Naku, kahit ako guys, gustong mag-extend pero wala na tayong magagawa since bukas may pasok na! Remember, mayroon pa kayong feasibility study na nangngailangan ng atensyon n'yo kaya kalimutan n'yo na ang extensions. Uuwi na tayo."
Medyo disappointed 'yung iba na sumang-ayon kay Ma'am Casidy. Wala naman kaming nagawa kundi sumunod nalang.
"Tabi tayo mamaya." sabi niya at nginitian ko lang siya. Humiwalay na siya sa'kin since magkaiba 'yung room namin.
Pumasok na ako sa room naming mga babae, hinintay na matapos ang iba sa pagligo at nang matapos na 'yung iba ay agad na akong sumunod. Pagkapasok ko sa bathroom, nagulat ako kasi may nagsalita sa kabilang cubicle.
"Ang sweet n'yo ni Justin kanjna ah?" Si Aria.
Sumagot ako, "Hindi naman gaano."
"Hindi mo ba alam na may ex siya?"
"Alam ko." sagot ko kay Aira. Medyo kinalma ko 'yung boses ko kasi ayaw kong mag-away na naman kami, nag-reconcile na nga kami 'diba?
Natawa siya, "Well, good luck." sabi niya at hindi na siya nagsalita. Medyo kinabahan ako sa sinabi niya pero nagpatuloy lang ako sa pagligo. Bakit? Ano bang meron sa ex ni Justin? Wala na sa ila 'di ba? Tsk.
Pagkatapos ko, nag-impake na ako ng mga gamit ko. Medyo natagalan ako kasi nawala 'yung accounting book ko. Madalas ko kasi talaga siyang dalhin kahit saan para makapagreview kaya madalas ko rin siyang mawala.
Bigla ako napahinto, hindi kaya naiwan ko sa venue ng tree planting kanina?
"Girls, labas na tayo. Aalis na ang ferryboat natin."
Napahinga ako ng malalim. Mukhang naiwan ko nga. Sayang. Haay! Bigay 'yun ng prof ko sa'kin e nang malaman niyang nagpapa-photocopy lang ako ng librong 'yun.
Tinignan kong muli sa ilalim ng kama ko pero wala talaga e. Out of no choice, lumabas na ako ng room. Pagkalabas ko, nakita ko si Justin.
"Let's go?" he said tapos lumabas na kami ng resort. Nasa tapat lang ng resort yung ferryboat station kaya naglakad lang kami ni Justin.
Pagdating namin 'dun, kami nalang pala ang hinihintay. Badtrip kaming tinignan ng mga ka-blockmate namin. Nasa loob na silang lahat sa magkakahiwalay na ferryboat. 'Yung mga prof namin, nandun narin at medyo weird yung tingin nila sa'min ni Justin.
"Dito tayo." hinila ko si Justin papunta sa isang ferryboat. Dalawa ferryboat kasi 'yung nandito ngayon.
"Ay, sorry po ma'am, isang tao nalang ang pwedeng sumakay dito. Yung isa, 'dun na sa kabila. Kailangan n'yo pong maghilawalay."
Nagkatinginan kami ni Justin.
"Sige okay lang po," sabi ko kay kuya at naghiwalay na kami ni Justin.
Napangisi naman 'yung mga babaeng ka-blockmate ko nang makapasok ako. Lalong-lalo na si Aira. Impakta talaga.
***
BINABASA MO ANG
A Wish On A Starless Night
De TodoUlap. Araw. Buwan. Mga Planeta. Mga bituin. Iilan sa mga bagay na imposibleng maabot ng isang ordinaryong tao. Pero kahit imposible, dumarating pa rin sa punto ng buhay natin na gusto natin silang abutin, na pinapangarap natin silang matitigan ng ma...