Kabanata XI
"Every great dream begins with a dreamer. Always remember, you have within you the strength, the patience and the passion to reach for the stars to change the world."
~ Harriet TubmanCelestine
Bigla kaming nahinto ni Justin sa chikahan namin dun sa ex niya nang biglang may isang foreigner nag-approach sa'min.
"Hey buddies? Do you want to join our talk?" tanong sa'min nung isang foreigner na lalaki. Mukhang kasama niya ata si Ate Canadian na tumulong sa'kin kanina, since magkakapareho sila ng shirt ng shirt na suot.
Nagkatinginan kami ni Justin.
"Sasali ba tayo? May tula pa tayong gagawin e." sabi ko kay Justin. Nag-shrug lang siya tapos nagsalita siya, "Ikaw ang bahala."
"Uhh, buddies the talk will not take that long." sabi ni Kuya Foreigner, "So? Are you goin' to join us?"
Napangiti nalang kaming pareho ni Justin at sumang-ayon nalang. Binigyam kami nila ng black shirt nay may naka-print na JUPITER0520 sa harap.
Kasama ng ibang mountain climbers, pinaupo nila kami sa may damuhan.
Magkatabi kami ni Justin ngayon at medyo naging interested ako sa magaganap na talk kasi tungkol sa mga bituin yung magiging topic. Mahilig pa naman ako dun!
"Iha, pwede bang umusog ka ng kaonti?" sabi ng lola na katabi ko, may kasama siyang lolo. Ang cute nila. Buti nalang at kaya parin nilang umakyat papunta rito. Nakakatuwa.
"Sige po," umusog ako kaya ang nangyari, nagdikit yung mga siko namin ni Justin. Napatingin ako sa kanya, ngumiti lang siya. Napangiti rin ako. Grabe talaga itong si Justin e, ngiti pa lang, ulam na.
Mga astrologist nga ang magsasagawa ng talk ngayon. Paisa-isa silang nagpakilala. Siyam sila lahat kasama si Ate Canadian na tumulong sa'kin kanina, Karren pala 'yung pangalan niya.
Kompleto rin sila sa mga gamit, pero mas namangha talaga ako sa napakalaking telescope na dala-dala nila.
Maya-maya pa, nagsimula na 'yung talk.
"Wishes. Well, who does't do wishes? Most of us make wishes upon a star. A star which is only a burning gas of ball on the surface of the universe that looks like dots and asterisks in the sky. Aliens would probably laugh at us. People on earth are wishing on a gaseous ball? What kind of heck is that? But still, we believe that stars could affect our lives, our future and especially our destiny."
Habang nagsasalita yung host, pakiramdam ko ay nadala ako sa mga sinasabi niya kasi ttalagang naka-focus 'yung topic n'ya sa stars. Kaya nakinig talaga ako ng maigi at habang nakikinig ako, kuha ng kuha ng picture si Justin sa'kin pero hindi ko nalang siya pinansin. Trip n'ya talaga yatang kunan ako ng picture everytime e.
"We'll start by tackling an obvious topic tonight: stars. When people think about the universe, they think about stars. Stars make up most of the easy to see matter in the universe, though all stars beyond our sun being unthinkably far away from us, we can see only see thousands of them with our naked eye at night."
Discuss lang ng discuss yung talk, napaka-informative ng mga pinagsasabi niya at napaka-entertaining. Nakinig lang ako ng naking.
"JUPITER0520 is a star that could be clearly be seen on the countries that lies either on the upper o lower part of the equator. It is a star which is quite the same with the planet Jupiter characteristics, though the difference is that it is a star and not a planet. Myth's says that this star could grant wishes. And what's interesting with this star is that scientists and astrologist find our that it disappears every 2 years and will appear again in another two years again. And now, we're luck thay Jupiter0520, could be clearly seen in this exact place even without looking at the telescope. And we, our team would like to encourage you to make your wishes and well, let's see if Juputer0520 would grant you wishes."
Makalipas ang ilang sandali ay natapos na ang talk at nagsitayuan na ang mga tao. Lahat kami ngayon na nandito na pinakatuktok ng Mt. Puting Bato at nakatingin lang sa kalangitan specifically sa mismong star na kulay blue-- ang Jupiter0520.
"Naniniwala ka sa wishes?" Napatingin ako kay Justin, nakatingin siya langit.
"Dati oo, kasi mahilig ako sa stars. Kaso nung nag-grade 6 ako, nawala yung pagka-hilig ko sa mga bituin at pati na ang paniniwala ko sa mga wishes. Iyon 'yung oras na nasira ang pamilya namin sa kadahilanang nambabae yung Papa ko. Huniling ko kasi sa mga bituim na sana bumalik yung papa ko pero wala e. Hindi natupad. Hindi nangyari. Nagalit pa nga ako sa mga bituin noon. Pero ngayon, susubukan kong mag-wish ulit." nakangiting sabi ko sa kanya. "Ikaw ba? Hindi ka naniniwala sa mga nagkakatotoong wishes?" aniya ko.
"Mas naniniwala ako sa prayers." sabi niya.
"Oo nga naman, pero wala namang masama kung susubukan ko 'diba? Wala naman sigurong mawawala?" sabi ko sa kanya.
"Kanya-kanyang belief 'yan." sabi niya at lumapit na ako sa may cliff. Muli kong nakita ang napaka-gandang view ng syudad ng Samal sa gabing ito.
Pinagdaop ko ang mga palad ko.
Tinignan ko ang Jupiter0520 at sinabi ko sa sarili ko 'yung hiling ko.
Nang matapos ako ay binuksan ko 'yung mga mata ko.
"Anong hiniling mo?" nakangiting tanong ni Justin.
Sumagot ako pero sa isip ko lang sinabi ang sagot ko, "Hiniling ko na sana, makalimutan mo na si Rebecca at hiniling ko rin na sana... mapansin mong nandito lang ako sa tabi mo na handang maging band-aid para sa mga sugat mo. At higit sa lahat, hiniling ko na balang araw ay maging tayo."
"Wala, tara, gawin na nating yung poem natin?" sabi ko kay Justin at hinila ko nalang siya.
Sana matapuad ang hiling ko. Sana.
***
BINABASA MO ANG
A Wish On A Starless Night
De TodoUlap. Araw. Buwan. Mga Planeta. Mga bituin. Iilan sa mga bagay na imposibleng maabot ng isang ordinaryong tao. Pero kahit imposible, dumarating pa rin sa punto ng buhay natin na gusto natin silang abutin, na pinapangarap natin silang matitigan ng ma...