Kabanata XIV
"When it is dark enough, you can see the stars."
~Ralph Waldo EmersonCelestine
Buti nalang pala at naitaas ko 'yung jeans at panty ko bago ako maikarga ni Justin.
Tss. Ba't ko ba inaalala ang mga bagay na iyon?
"Celestine!"
"Ay, cobra!" Halos napatalon ako matapos kong sabihin 'yun. Nakakagulat din kasi itong si Justin minsan e. Tipong may iniisio ako tapos bigla niyang tinatawag 'yung pangalan ko?
"Okay ka lang?" tanong niya. Tumango naman ako. Sa totoo lang, kinabahan talaga ako ng sobra. Ikaw ba naman ang mabulaga ng isang cobra sa harapan mo habang dinadamdam mo pa 'yung pag-ihi mo? Buti nalang talaga at nakatakbo ako agad at mabilis na nailayo ni Justin dun sa cobra. Kasi kung hindi, good bye Celestine na talaga ako ngayon.
Naglakad lang kami ng naglakad ni Justin. Nandito parin kasi kami sa may gubat. Hindi na namin nasundan 'yung guide kanina after kong umuhi.
"Hindi kaya naliligaw na tayo?" sabi ni Justin na naging dahilan upang kabahan ako. Matagal nag-sink in sa utak ko yung sinabi niya.
"Hindi naman siguro." natatawa ngunit kinakabahan kong sabi kay Justin.
Biglang nag-flashback sa isip ko yung mga sinabi ni Ate Flower Horn kanina. 'Yung may tumalon daw na pari dito tapos may lumilitaw ding babae?
Napakapit ako bigla sa braso ni Justin. Hindi sa nang-tya-tyansing ako pero natatakot talaga ako. Bata pa ako, pakiramdam ko, may trauma na ako sa mga horrror na ganyan. Ni ayaw ko ngang magbasa ng libro na horror 'yung genre kasi pakiramdam ko, nakikita ko talaga yung mga nakasulat sa libro.
Biglang nagsalita si Justin, "May nararamdaman ka bang kakaiba?" tanong ni Justin sa'kin.
"Anong kakaiba?" nangangatog tuhod kong tanong.
Nagsalita siya at inulit ang tanong, "May nararamdaman ka bang kakaiba sa'kin?"
Bigla kong hinampas 'yung braso niya, "Nakakainis ka na ha!" sabi ko tapos bigla lang siyang natawa at inakbayan akong muli.
"Hindi mo pa kasi sinasagot yung tanong ko." wika niya.
"Anong tanong?"
"Yung tanong ko kung gusto mo ba talaga ako."
Nahinto ako sa sanabi ni Justin, magsasalita pa sana ako kaso, "CAP! MAY NAIWAN PA DITO! MAG-JOWA!"
"SAAN? MAY MILAGRO BA SILANG GINAGAWA?"
Pareho naming nailagay ni Justin ang kamay namin sa may harap ng mga mata namin. Bigla kasi kaming nasilaw nang may flashlight na itinutok sa'min.
Agad na lumapit sa'min yung mamang may suot na blue t-shirt, "Anong ginagawa n'yo dito?"
"Naligaw kami, hindi namin nasundan yung guide." sagot ni Justin kay Kuya Blue Shirt.
"Tsk. Ang sabihin n'yo, nagdate kayo dito at may ginawang milagro. Mga batang 'to talaga! Uwi!"
Sigaw ni Kuya Blue Shirt at umalis na kami ni Justin at lumabas na sa may exit. Paglabas namin, narealize namin na kami nalang palang pareho ang natira.
Nang biglang kumulog ng malakas, pareho kaming napatingin sa kalangitan. Makulimlim na 'yung langit at wala kang makikita ni isang bituin.
"Mukhang uulan yata." sabi ni Justin ralos hinawakan niya ang kamay ko at tumakbo na kami sa may gilid ng daan. Medyo madilim 'yung daan kaya ginamit niya yung flashlight ng cellphone niya bilang pang-ilaw.
Takbo lang kami ng takbo ngayon kahit medyo kumakalam na 'yung sikmura ko at umaasim narin yung panlasa ko. Suman lang 'yung nakain namin kanina dun sa free ride kaya medyo nakakagutom na talaga. Medyo masakit narin 'yung paa ko since wagas sa pagka-tarik ng bundok na iniyaktan namin. Ganunpaman, nag-enjoy ako kasi worth it rin naman ang pagpunta namin dun. Nagawa namin yung task namin ni Justin. Yung nga lang, nasabi kong gusto ko siya. Weird pero hindi ko naman talaga intensyon na sabihin 'yun e, hindi kaya unti-unti ng gina-grant ng JUPITER0520 yung wish ko? Sana nga!
"Hindi ko akalain na aabutin tayo ng gabi." sabi niya at medyo kinabahan na ako unti-unti ng umambon.
Wala na ring mga sasakyan na dumadaan, kung meron man, may pasahero. Makalipas ang ilang sandali, parehong tumunog 'yung relo namin ni Justin.
"8pm na." Aniya.
"Bilisan nalang natin." sabi ko sa kanya at tumakbo ulit kami. Masakit na talaga ang paa ko at medyo hopeless narin 'yung situation namin ngayon ni Justin kasi pakiramdam namin, ang layo-layo pa ng tatakbuhin namin. Wala rin kaming makitang bahay at puro puno ng niyog lang ang nakikita namin.
Napahinto ako sa pagtakbo nang biglang nag-vibrate 'yung cellphone ko. Kinabahan ako kasi nakita kong tumatawag na yung prof ko.
Ma'am Casidy Calling...
Agad kong sinagot yung call pero choppy 'yung boses ni Ma'am Casidy.
Maya-maya pa, may tumawag narin sa cellphone ni Justin, si Sir Alexanxder 'yung nag- kaso nung sinagot niya 'yung tawag, choppy rin yung boses sa kabilang linya.
Ti-nry kong i-text si Ma'am Casidy na papunta na kami pero sending lang palagi ang status ng message ko.
"Justin? Anong gagawin natin?" medyo natataranta at naiiyak kong tanong kay Justin.
"Here!" Hinila niya ako sa may puno ng saging, kumuha siya ng emergency knife sa bag niya at hiniwa niya 'yung sanga ng saging na naka-connect sa dahon nito.
Bumalik kami sa may gilid ng kalsada at nang umulan na talaga ng malakas ay ginawa niyang payong namin ang dahon ng saging. Pero sa dahil sa lakas ng ulan, nasira rin yung dahon kinalaunan.
Muli kaming napatakbo ni Justin pero napatigil kami nang may makita kaming sasakyan na papalapit sa'min. Sinigawan namin 'yung sasakyan pero nilagpasan lang kami nito.
Ngayon, napaiyak na talaga ako.
"Shhh," sabi niya.
"Kasalan ko 'to e, nag-insist pa kasi akong pumunta sa bundok na 'yun." umiiyak na sabi ko sa sarili ko.
"Just stay calm okay? Magiging okay din tayo." sabi ni Justin at maya-maya pa, nakakita kami ng waiting shed. Agad kaming sumilong doon. Basang-basa kami ni Justin ng makaupo na kami.
Biglang kumulog ng sobrang lakas. Umiiyak akong napatakip ng tainga. Medgo nahinto ako sa pag-iyak ng bigla akong niyakap ni Justin.
"Magiging okay din ang lahat." Bulong n'ya sakin. Napanatag bigla ang loob ko.
BINABASA MO ANG
A Wish On A Starless Night
RandomUlap. Araw. Buwan. Mga Planeta. Mga bituin. Iilan sa mga bagay na imposibleng maabot ng isang ordinaryong tao. Pero kahit imposible, dumarating pa rin sa punto ng buhay natin na gusto natin silang abutin, na pinapangarap natin silang matitigan ng ma...