Kabanata X

1.6K 84 2
                                    

Kabanata X

"When it rains, look for rainbows. When it's dark, look for stars."
~ Unknown



Celestine

Pareho kaming naupo ni Justin sa may damuhan. Habang nakatingin sa syudad ng Samal mula dito sa pinakatuktok ng Mt. Puting Bato, at habang hinahaplos ng malamig na hangin ang parehong balat namin ni Justin ay naging topic namin 'yung ex niya.

"Her name's Rebecca. Una ko siyang nakita sa wedding ng pinsan ko. Flower girl siya 'nun at flower boy naman ako. Pareho pa kaming 8 years old nun. Nung una, wala talaga akong gusto sa kanya pero alam ko sa sarili ko na nagagandahan ako sa kanya.  Habang naglalakad kaming pareho sa aisle as flower boy and flower girl, epic fail kasi natakapan ko 'yung sandals n'ya kaya ang nangyari, nadapa siya." Pareho kaming natawa ni Justin ng mahinhin.

"Galit na galit siya sa'kin noon, inis na inis. Umiyak pa nga siya e. Binato niya sa'kin 'yung maliit na basket may lamang mga bulaklak. Bigla siyang tumakbo. Hinabol ko siya. Feeling ko tuloy nun, kami 'yung kinakasal nun." He paused for a while tapos nilagay niya yung parehong kamay niya sa lupa para umalalay sa kanya, "Nakuha namin ang atensyon ng lahat. Pinagalitan ako ng mom kasi ginulo raw namin yung weddding ng pinsan ko. Hinabol naman si Rebecca ng dad niya. Noong nahabol na nga siya, pinagtabi pa talaga nila kami para magka-ayos daw kami. Nagsorry ako sa kanya, nagsorry siya sa'kin tapos 'yun, naging friends kami. Hanggang sa naging best friends hanggang sa isang araw hindi ko namalayan na nahulog na pala ako sa kanya. Sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko, akala ko magagalit siya pero bigla niya akong niyakap nun. Akala niya na best friend zoned ko siya, na-torpe zoned lang pala." ngumiti si Justin at nagptuloy sa pagk-kwento niya, "Magkaklase kaming nung highschool pero nung nag-college kami, naging LDR kami."

Kumunot 'yung noo ko, "LDR?"

"LDR, long distance relationship." sabi ni Justin. Malay ko ba kasi sa LDR na 'yan.

"Naging busy kaming pareho, siyempre, college na kasi kaya bawal ang papetiks-petiks. Pero alam ko naman talaga n kung gusto naming mas maging okay 'yung relationship na'min, maghahanap kami ng paraan para ma-fulfill 'yung time na hindi namin nailaan sa isa't-isa. Aminado akong napabayaan ko 'yung relationship na'min. Mas naging focus ako sa acad natin, at isang araw pag-gising ko, boom! Nalaman ko nalang may iba na pala si Rebecca." sabi ni Justin at medyo bumaba 'yung tono ng boses niya. Ramdam na ramdam ko yung emosyon niya ngayon. Kahit lalaki siya at medyo tigasin, damang-dama ko sa pananalita niya ang sakit.

"Susurpresahin ko sana siya noon para sa monthsary na'min kaso pagpunta ko sa university nila, nakita kong may lalaking sumundo sa kanya. Masaya si Rebecca noon, nakangito pa nga siya habang nakakapit siya sa braso nung g*gong 'yun. Nanigas ako. Nakita nila ako. Nagulat si Rebecca. Hindi siya nakapagsalita. Kahit gusto kong suntukin 'yung lalaking kasama niya, nagpigil ako kasi ayaw ko siya ipahiya sa harap ng mga kaibigan niya. Nginitian ko lang siya. Nagpaalam. Respeto kung baga. Kahit masakit, kahit parang gusto kong pumatay, umalis ako ng walang sinasabi. Tahimik lang. Pero alam ko na sa loob ko, ang sakit sakit na."

"So ikaw pala 'yung biktima?" nakangiting tanong ko sa kanya. Agad ko siyang tinanong kasi ayaw kong makitang umiyak siya.

Tumango siya, "Mismo."

"Tapos? Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

"'Yun nga, tinanong ko sa kanya kung bakit niya nagawa 'yun pero wala siyang matinong naisagot. Noong una, hindi ko talaga akalain na magagawa niya iyon kasi sa pagkaka-alam ko, mahal niya ako at mahal ko siya. Hindi ko naman alam na pwede palang magbago 'yung pakirdam ng isang tao. 'Yung shock ko 'nun, grabe! Todo-todo. Hindi ko rin kasi alam na pwede rin palang girlfriend mo mismo ang manloko sa'yo. Ang sakit lang. Hindi ako umiyak sa harapan niya pero ang sakit lang."

"Takte! Naiiyak ako." natatawang sabi ni Justin habang naluluha-luha 'yung mga mata niya.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabibin o gawin ko ngayon. Kung i-ko-comfort ko ba siya o hindi, kung bibigyan ko ba siya ng advice o ano. Ewan. Kasi una, wala talaga akong experience sa ganyan e. All this time, balance sheet, articles, mga formula at kung anu-ano pang anik-anik sa accounting, taxation at business law lang talaga ang kaharap ko.

Out of nowhere, nagsalita ako, "Baka hindi talaga kayo para sa isa't-isa."

Napatingin siya sa akin at natawa.

"Wow ha?" sabi niya at natawa rin ako, "E kasi nga 'di ba? Kung mahal ka niya, e 'di hindi siya maghahanap ng iba."

"Tagos." sabi niya.

Nataranta ako, "Sinong may tagos?" napatingin ako sa may pwetan ko.

Natawa si Justin bigla, "Ibig kong sabihin, tumagos 'yung sinabi mo." sabi niya at napahinga nalang ako ng malalim. Akala ko, may dalaw ako e.

"Pero minsan, may mga pagkakataon din namang naghahanap ng iba 'yung mahal mo kasi... hinahanap lang nila 'yung hindi mo naibigay sa kanila. 'Yung tipong hinahanap nila ang 10% na kulang mo kaso ang hindi nila na-realize na 90% na pala ang nasa kanila. Sadyang hinahanap lang talaga nila 'yung 10% na kulang. Kaya siguro si Rebecca, naghanap siya ng iba kasi, may bagay akong hindi naibigay sa kanya. Oras."

Napaisip ako sinabi niya. Tinignan ko siya at sinabi 'yung nasa isip ko, "Hindi ako expert sa pag-ibig pero sa pagkakaalam ko, kapag mahal mo 'yung tao, kahit may bagay siyang hindi kayang ibigay sa'yo, pipilitin niya paring intindihin ka kasi nga, mahal n'yo 'yung isa't-isa."

Natawa siya, "Kaya nga e, I've learned na 'wag bitawan ang mga bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

"Pero kapag naging bubog na ang dating hinahawakan mo, okay lang naman na bumitaw ka 'di ba?" sabi ko sa kanya.

"Kaya nga siya bumitaw kasi naging bubog na ako para sa kanya." sabi ni Justin habang nakatingin parin sa papalubog na araw. Hindi ko maintidihan pero pakiramdam ko, nagagalit ako kay Rebecca. Siya na mahal na mahal ni Justin, nagawa niyang ipagpalit sa iba? Nakakabanas siya!

Inayos ni Justin ang sombrerong suot niya, tumingin siya sa'kin, "Ikaw Cestine? Kung ikaw si Rebecca na girlfriend ko at hindi ko nabibigyan ng panahon ang relationship natin, ano gagawin mo?"

Namula ako, "K-kung ako yung girlfriend mo?"

Tumango siya sa pautal-utal na tanong ko. Umaatake na naman yung weird na palpitations ng puso ko.

"Okay lang, natural lang na maging busy ka kasi para din naman 'yun sa future nating dalawa. I mean, future n'yong dalawa."

Huminga siya, "Sana ikaw nalang si Rebecca no? Tipong katulad ka niya mag-isip. Malawak ang pang-unawa. Sana ikaw nalang 'yung girlfriend ko."

Kung nakakamatay lang ang mabilis na pagtibok ng puso ko, kung nakaka-heart attack lang ang abnormal na pagtibok nito, siguro, nahimatay na ako.

"Sana nga." sabi ko sa kanya kaso may tumawag sa'min kaya hindi niya narinig.

Sana ako na lang 'yung girlfriend mo, Justin. Sana.

A Wish On A Starless NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon